Kabanata 11

526 21 0
                                    

"D, lalabas lang ako---"

"Sasamahan kita."

"Dito ka na lang. Mas ligtas ka rito."

"No. Sasama ako." finality was evident in his voice kaya napatango na lang ako

Hindi ko na sana balak suotin ang blazer pero may nauna ng magsuot sa'kin no'n. Nagpaubaya na lamang ako sa kanya. Sinuot kong muli ang stilleto bago kami lumabas. Kung ako mukhang disente, si Dean hindi. Nakapambahay lang ang mokong. White sando and jersey short lang ang suot. Kitang-kita ang biceps na pagnanasahan ni Racus mamaya.

Pagdating namin ay nakaupo si Racus sa sofa sa lobby at busy sa phone.

"Racky."

Napalingon s'ya sa'kin pero napaikot na lang ang mga mata ko ng lumagpas ang tingin n'ya sa likod ko.

Hindi naman ako nagseselos kaya pinapabayaan ko lang s'ya.

"Hi, fafa Dean." pabebeng sabi n'ya at inipit pa sa tenga ang imaginary long hair n'ya

Napatawa ako at umangkla kay Dean, "Tigilan mo nga ang asawa ko. Nasaan na ang baril ko?"

Napasimangot s'ya, "Panira ka naman girl. Saka dito ko talaga ibibigay? Like, dito?"

I rolled my eyes, "Knowing you, malamang na ibabalot mo pa sa kung saang papel 'yon para maitago. 'Wag ka ng magpalusot, bawal pumunta sa condo."

"Ano ba naman girl! Sisilipin ko lang no!"

"Hindi pwede. Bagong binyag 'yon." natatawang sabi ko

"Oh. You mean tuhugan? Ganern?"

Natawa na talaga ako, "Shut up. And give me my gun."

May kinuha s'ya sa bag n'ya na kahon.

"Oh ayan na! D'yan lang ako sa tabi-tabi ha? 'Wag muna kayong magchukchakan! Nand'yan si fafa Maico sa paligid!"

Namutla ako sa narinig.

"Anong ginagawa n'ya rito?"

"Nililibot n'ya 'yong asong pinapabantay sa kanya."

Kinakabahan man ay napatawa ako sa narinig.

"Hindi mo naman siguro sinabi sa kanya kung nasaan ako diba?"

S'ya naman ang namutla ngayon.

"Pinakitaan ka lang ng abs, binuko mo na 'ko?!" nanlalaking mga mata na sabi ko, "Walangya ka, Racus!"

Susugurin ko sana s'ya ng hawakan ako sa bewang ni Dean.

"Hehe sorry girl! Babush!" kumaripas s'ya ng takbo paalis

"Damn it. Patay tayo kapag nagkita kayo ni Maico."

Hinila ko na s'ya pabalik sa condo n'ya.

"Galit sa'yo si Maico dahil sa nangyari." napasapo ako sa noo

Kilala n'ya si Maico dahil lahat ng Montralvez ay um-attend ng kasal namin noon. Kaibigan ko si Racus at inimbitahan ko rin s'ya kaya lang nasa Japan s'ya kaya hindi sila nagkakilala.

"Who wouldn't? I'm a jerk back then. I'll talk to him."

"Baka hindi ka pa nagsasalita, kaharap mo na ang baril n'ya."

Namutla s'ya sa narinig.

"Ayaw n'yang tanggapin ko ang misyon na 'to dahil sa nangyari noon. He don't want me to come near you."

"I'll talk to your family then. I'm willing to face hundreds of guns just to have you again."

Magsasalita pa sana ako ng may mag-doorbell. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Una, dahil baka si Maico 'yon at ikalawa, baka kalaban. Pero malakas ang kutob kong ang una 'yon.

"Ako na ang magbubukas." sabi ko at mabilis na kinuha ang baril na natanggal ko na sa pagkakabalot

Sumilip ako sa peephole at gano'n na lang kaba ko ng makita si Maico.

Patay kang bata ka!

Binuksan ko ang pinto, "Hi, Kuya."

Ngumiti ako at nag-beautiful eyes pa. I even called him 'Kuya' na minsan ko lang gawin. Kapag naglalambing o pinapakalma s'ya.

"You're a witch." nang-aasar na sabi n'ya, "Where is he? Don't worry, kakausapin ko lang s'ya."

Ginulo n'ya ang buhok ko at pumasok. He called me a witch kaya ibig sabihin no'n tumalab na ang charms ko sa kanya.

"Okay. Ipaghahain muna kita ng makakain. Ako na rin muna bahala kay Chi." kinuha ko sa kanya ang tali ng aso at pumunta ng kusina

NAKAPAGHAIN na ako't lahat pero wala pa rin sila. Wala sila sa salas kaya dito kami naglalaro ni Chi. Kilala ako no'ng aso dahil madalas na dinadala 'to ni Maico sa bahay.

"Chi, sa tingin mo, magkakatuluyan kaya 'yong amo mo saka 'yong nag-aalaga sa'yo?" natawa ako ng tumahol s'ya habang magkaface to face kami.

Babae ang amo ni Chi at kliyente ni Maico.

"That won't happen."

Napalingon ako sa nagsalita. Si Maico at nasa likod n'ya si Dean.

"Duh. Balak mo bang tumandang binata? Lagot ka kina Daddy 'pag sinayang mo ang lahi natin." natatawang pagbabanta ko

"Tss. Babantayan muna kita."

Napasimangot ako, "Kumain ka na nga lang roon!"

Kinarga ko si Chi at hinila s'ya papunta sa kusina. Uupo at kakain na lamang s'ya roon. Binalikan ko si Dean.

"Anong ginawa sa'yo ni Maico? Sinuntok ka ba? Tinutukan ng baril? Pinagbantaan?"

Tinawanan n'ya ako at niyakap. Not minding na maiipit 'yong aso. Kumalas din naman s'ya agad.

"I love you. I love you. I love you." paulit-ulit niyang sinabi yon at hinalikan ang noo ko. Niyakap n'ya ako ulit at walang salitang bumalik sa kwarto n'ya.

Napapangangang pinanood ko na lamang s'ya. Hindi nakaligtas sa'kin ang kakaibang kislap ng mga mata n'ya.

Lintek, anong ginawa ng kapatid ko roon?!

MS #1: Jazrell MontralvezOnde histórias criam vida. Descubra agora