Kabanata 5

664 28 0
                                    

Kabanata 5

NAKARINIG ako ng mga nababasag sa loob ng opisina niya matapos niya akong padabog na pagsarhan ng pinto.

Aba't masama na nga ang pakiramdam niqya ay may gana pa siyang magwala?

Naramdaman kong may lagnat siya nang masubsob ako sa kanyang dibdib kanina. Pero hindi ko rin siya masisisi. Dahil kahit ako ay nagagalit sa nakita.

Bastusin daw ba ako sa wedding picture ko?

Humanda sa akin ang may kagagawan no'n. Ang ganda ko ay hindi dapat binabastos kundi nirerespeto!

Patuloy ang pagbabasag niya ng kung ano-ano kaya pumasok na ako. Alam kong sinabi ko na ayaw kong haluan ng personal na buhay ang misyon ko pero paano ko magagawa 'yon kung ang misyon ko mismo ay ang buhay ko. I mean, I still have feelings for him despite of what happened on our past. And that's the reason why I accepted this mission. Hindi naman nawala, ibinaon ko lang sa limot. Pero kung ganyan ba naman ang iniaakto niya ay baka isuko ko pa ang sarili ko sa kanya. Alam kong hinahanap niya ako pero hindi niya ako makikita dahil sa koneksyon ng pamilya ko.

Nakita ko kung paano siyang magwala at mapaluhod habang umiiyak pagkatapos. Gulong-gulo ang kwarto at maraming mga bubog na nakakalat sa paligid.. Pati mga papeles niya ay hindi pinalampas.

Frustrated na siya dahil sa hindi na nga niya ako makita ay binabalak pa akong gawan ng masama. Nakita kong matutumba siya kaya mabilis akong lumapit dahil bubog ang kababagsakan ng ulo niya.

"Sir? Sir Dean?" Tinapik-tapik ko ang pisngi niya nang makitang nakapikit siya.

"Jaz...rell..."

Kalma, heart. Tinawag ka lang pero hindi ka sinabihan ng 'I love you'.

Pilit na binuhat ko siya at inihiga sa sofa. Kinansela ko lahat ng schedule niya at tumawag din ako ng maglilinis ng kalat.

"Ma'am Jaz, kwarto po ni Sir Dean ang pinto na 'yon. Madalas po kasi siyang matulog dito kaya nagpagawa siya niyan. Tulungan ko na po kayong dalhin siya roon." sabi ni Kuya Patricio. Nabasa ko lang sa nametag ang pangalan niya pero hindi ko siya personal na kakilala.

Sumang-ayon naman ako at magkatulong naming dinala roon ang amo niya. Lumabas naman agad siya para maglinis ng kalat. Hinubad ko ang sapatos niya pati na rin ang necktie niya na hindi naman maayos. Kumuha rin ako ng bimpo at maligamgam na tubig. Nilalagnat siya at nakita ko rin ang dumudugong kamao niya. Ginamot at binendahan ko muna ang kamao niya bago siya pinunasan para pababain ang temperatura niya.

"Jazrell..." paos ang boses niya.

"Hmm?"

"W-wag mo 'kong iwan please..." Tumulo ang mga butil ng luha sa nakapikit niyang mga mata.

Nabasag naman ang puso ko sa nakikita.

Damn. Marupok ka, Jazrell.

"Hindi na kita iiwan kaya magpagaling ka." Pinunasan ko ang mukha niya. Nang magdahan-dahan siyang magmulat ay mabilis na hinubad ko ang salamin at tinanggal ang ipit ko sa buhok.

"You're here..." Hinawakan noya ang kamay kong may hawak na bimpo. "You're real..."

I smiled. "Yes, I am. Kaya magpahinga ka na para gumaling ka."

"You'll leave me again if I fall asleep..."

"I won't. Because I'm watching over you."

Nang makasigurong tulog na siya ay mabilis ko siyang pinunasan at pinalitan ng damit. Napasimangot pa nga ako nang may makitang ilang piraso ng damit pangbabae sa cabinet niya. Ipinagpasalamat ko na rin 'yon dahil may gagamitin ako. Dahil lalabas ako ng kwartong ito bilang Jazrell Ricel.

MS #1: Jazrell MontralvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon