Kabanata 1

803 21 0
                                    

Kabanata 1

"MISS, may mas mahaba ba kayong palda rito? 'Yong sagad hanggang paa?" Tinaasan ko ng kilay ang saleslady dahil mukhang hindi nito narinig ang itinanong ko. O baka naman narinig hindi lang naintindihan. Napabuga ako ng hangin. Plano ko na sanang i-translate sa ingles ang tanong ko nang bigla naman siyang nagsalita.

"M-mayroon po, ma'am. Nasa last section po 'yon. Sasamahan ko na po kayo."

Hindi ko na lang siya pinansin at sumunod na lamang sa kanya hanggang sa makarating kami sa sinasabi niya.

"Sorry po kanina, ma'am. Nagtataka lang po kasi ako kung bakit n'yo gustong magsuot ng ganito kahabang palda. Hindi po kasi dapat itago ang ganda mo, ma'am." nakangiti niyang sabi.

Okay, forgiven na ang dalagitang ito. Hindi marunong magsinungaling e.

Napangiti ako ng malapad. "Kailangang itago dahil baka pagkaguluhan. By the way, you're a great observer, ha?"

Nahihiyang tumawa siya. "Hindi naman po gaano. Naadik lang po sa mga detective and agent stories. Pangarap ko po kasing maging agent."

Napatango ako. "Sige. Ipili mo ako ng pitong palda. At kapag nagustuhan ko lahat. Tutuparin ko ang pangarap mo."

"Talaga po, ma'am?!" Nanlaki ang mga mata niya kaya napatawa ako at tumango.

"I'm not joking. Kaya galingan mo sa pagpili." Kinindatan ko siya at naupo muna sa upuang naroon.

Mabilis siyang kumilos at naghanap na. I noticed how her expression change sa bawat palda na kinukuha niya. Minsan ay kumukunot ang noo, ngumingiti at sumisimangot siya. Doon pa lang ay malalaman mo na agad kung ano ang pasado at hindi sa kanya.

"Ma'am, tapos na!" Nakangiting lumapit siya sa akin at itinaas ang dalawang kamay na may hawak na mga palda.

Ipinakita niya sa akin isa-isa at masasabi kong nagustuhan ko ang lahat ng iyon. May plain, may bulaklakin at mayroong hindi ko maintindihan ang disenyo.

"Bayaran na natin."

Inilagay niya sa isang basket ang mga iyon bago kami pumunta sa counter.

"Nagustuhan n'yo lahat, ma'am?" kinakabahang tanong niya habang pinapanood ang cashier na isa-isang pinoproseso ang mga napili niya.

"Hindi ko naman babayaran lahat kung hindi, 'di ba?" sarkastiko ngunit natatawang wika ko.

"Pero, ma'am, magpa-file pa po ako ng resignation letter."

"Bring me to your manager then. Kakausapin ko siya."

"Naku! Huwag na po, ma'am. Ako na lang po. Masungit po kasi 'yon." Ibinulong niya ang huling sinabi ngunit narinig ko pa rin.

"If you insist." Kumuha ako ng calling card at ibinigay sa kanya. "Tawagan mo na lang ako kung gano'n. By the way, I'm Jazrell Jimenez and drop the 'po' thingy. Feeling ko tuloy ay ang tanda ko na."

"Ako naman si Alliah Fernandez. Sige, Ate Jaz. May trabaho pa ako at maraming salamat!"

Nginitian ko na lamang siya at nagbayad na sa cashier. I'm planning to pull some strings, so, she can come with me today, but since she wants to do it in the normal way, then fine. Pinanood ko siyang umalis at asikasuhin ang iba pang customer. Saglit lang iyon dahil kinuha ko na ang mga paper bag kung saan nakalagay ang mga pinamili ko at naglakad na palabas.

Nawala ang ngiti ko at napaisip. Tinanggap ko na ang misyon at napagdesisyunan kong baguhin ang ayos ko para hindi niya ako makilala. Muntik pa kaming mag-away ni Maico dahil ayaw niyang tanggapin ko ang misyon pero nagmatigas ako kaya sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag. Hindi ko rin naman siya maiiwasan. At kahit sabihing malawak ang mundo kung nakatadhanang magkita kami, magkikita at magkikita kami.

Matapos bilhin ang lahat ng gagamitin ko para sa misyong ito ay sumakay na ako sa kotse at nagmaneho pauwi.

Napatawa ako ng maalala ang mga pinagbibili ko.

Makilala mo pa kaya ako, Dean?


KINABUKASAN ay maaga akong gumising, naligo at nagbihis. Natatawa ako sa itsura ko habang nakatingin sa salamin. I'm wearing a neon pink long sleeves with a neon green long skirt and a pair of neon orange wedge heels. Nakasalamin ako at naka-bun ang buhok. Three years had passed at masasabi kong malaki na ang ipinagbago ko. Sana lang ay nakalimutan na niya ang pagmumukha at boses ko.

Dinampot ko ang bag at ang puting folder na nasa kama at lumabas na ng kwarto.

Wala si Maico dahil tapos na ang day-off niya at bumalik na siya sa kanyang misyon. Sina Mommy at Daddy naman ay nasa Montralvez Agency kaya si Nanay Sel lamang ang naririto.

"Ay jusmiyo!" gulat na sabi niya ng sumulpot ako sa kusina.

"Nay, si Jazrell 'to. Aalis na po ako." Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi bago umalis doon.

COMMUTE ang peg ko ngayon at hindi nakaligtas sa akin ang mga nandidiring tingin ng mga kapwa ko pasahero. I mentally rolled my eyes. Well, judging others is the favorite hobby of mankinds. Walang pinagbago. Kaya siguro hindi umaasenso ang 'Pinas dahil pati tao, toxic.

"Para po!" malakas na sigaw ko.

Nang tumigil ang jeep ay bumaba na ako. Malamang. Hindi naman pwedeng mag-stay ako roon 'di ba? Pag-angat ko ng tingin ay naglalakihang letra ng RICEL EMPIRE ang nakita ko. Ang kaninang kabaliwan ko ay naglahong bigla at napalitan ng kaba.

Letse! Parang bigla 'kong gustong umatras. Palit na lang kaya kami ng misyon ni Maico? Kaso ayaw kong magbantay ng aso. E, si Janelle kaya? Mas lalong ayaw kong magbantay ng vault.

I inhaled then exhaled, inhaled at exhaled ulit. Nang mapagtantong para akong baliw dito ay pumasok na ako.

I'm Jazrell Montralvez. Maganda ako at walang inaatrasan.

"Kuya, mag-aapply akong secretary."

"Sure ka po, ma'am?" Hindi naniniwalang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Kuya, kahit ganito ang itsura ko ay brainy naman 'to no!" Itinuro ko ang sentido. "Kaysa naman sa maganda nga, wala namang utak. Hehe."

"Sige, ma'am. Maniniwala ako kapag tinanggap ka ni Sir." nanghahamong saad niya.

Pabiro lang iyon pero kinagat ko. There's nothing wrong in accepting a challenge that I knew, I'll win.

"Papatunayan ko sa iyo, Kuya, na hindi lahat ay dinadaan lang sa ganda!" I flipped my hair and turned my back on him. Doon ko lang din na-realize na naka-bun nga pala 'yong buhok ko. Napabalik naman ako agad kay Kuyang Guard nang may maalala bukod doon. "Kuya, saan nga pala mag-a-apply?"

BAGO magsara ang elevator ay nakita ko pa si Kuyang Guard na tumatawa habang sumusuntok sa ere at nakatingin sa akin.

Inirapan ko siya na mas ikinatawa lang niya. Mabuti na lang at nagsara na ang elevator kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi naman iyon nagtagal nang mapatingin ako sa pindutan ng elevator. Naalala ko ang sinabi ni Kuyang Guard.

"Twenty-sixth floor. Nandoon ang opisina ni Sir. Nag-iisa lang 'yon dahil nasa labas ang para sa sekretarya niya kaya mabilis mong mahahanap 'yon. Choosy si Sir kaya siya ang nag-i-interview sa mga nag-a-apply. Malay mo, ma'am, matuwa sa iyo si Sir at tanggapin ka. Mukha ka kasing walking traffic light. Neon version."

Kung hindi lang talaga ako nagpapanggap ay baka nasuntok ko na si Kuyang Guard! Pero kahit ako ay natawa sa sinabi niya. Mukha nga akong naglalakad na traffic light.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa twenty-sixth floor na ako.

Napangisi ako nang maalala ang isinagot ko kay Kuyang Guard. "Ang walking traffic light na 'to ang magiging secretary ng boss n'yo!"

Lumabas ako ng elevator at lumapit sa pintong nakita ko. Wala naman siyang secretary na nakapuwesto sa labas kaya sa pinto ako dumiretso. Binuksan ko ang folder na hawak at pinasadahan ng tingin ang mga detalye.

I'm Jaz Sandoval, the walking traffic light of Ricel Empire. At itinataga ko sa bato na magiging sekretarya ako ng lalaking nagmamay-ari ng emperyong ito.

MS #1: Jazrell MontralvezWhere stories live. Discover now