Kabanata 8

623 20 2
                                    

Ilang araw matapos ng pangyayaring 'yon ay nagpatuloy pa rin ako sa pagsusuot ng mahahabang damit. Nagustuhan ko na rin ang outfit ko noon dahil mas pumuti ako. Kaya lang ay mainit sa katawan at mahirap kumilos kaya itinigil ko rin.

I came back to my old self. I'm now wearing a red sleeveless top na pinatungan ko ng itim na blazer, a black skirt and a black stilleto. Kinapa ko ang baril na nasa holster at nakakabit sa hita ko sa loob ng palda. Nang ma-check ang lagay ng baril ay tumingin ako sa salamin. I tied my hair into a messy bun at kinuha ko ang pulang lipstick sa kulay pula ring pouch para sana maglagay sa labi.

Ang magagandang tulad ko ay 'di na kailangan ng make-up.

Ibinalik ko na lang ang lipstick sa pouch. Muli kong tiningan ang sarili sa salamin bago lumabas ng kotse. Tuluyan ng nawala si Jaz Sandoval kaya ilalantad ko na ang pagiging isang Montralvez.

Si snake bitch Lyka? Hindi ko na alam ang nangyari sa kanya. Pero malamang na tinulungan s'ya nina Abby at Mike na makapunta ng ospital.

"Ma'am Jaz, ang ganda mo naman pala!" bati ni Kuya Carlo

"Alam ko 'yon, Kuya! Kaya nga itinago ko na ang ganda ko noong una pa lang! Sige, Kuya, una na 'ko!"

Bukod sa mga nakakakilala rito sa'kin noon ay wala ng nakakaalam pa ng totoong koneksyon namin ni Dean sa isa't isa.

Nang makarating ako sa pwesto ko ay may nakita akong lalaking nakatayo at patingin-tingin sa relo na parang may hinihintay.

"Good morning! Sino po sila?" bati ko at agad pumwesto.

Halos lumuwa ang mga mata ko ng mag-angat ng tingin ang lalaki.

"Hi, Jazy."

"Oh my gosh! Racus!" dinamba ko s'ya agad ng yakap, "What are you doing here, Racky?"

"Hey, ang bigat mo, Jazy."

Natatawang bumitaw ako sa kanya nang mahagip ko si Dean na madilim ang awra at masama ang tingin sa'min.

At dahil nakalambitin pa rin ang mga braso ko batok ni Racus ay tumingkayad ako para bumulong.

"Pre, 'yong asawa ko nasa likod mo."

"Omg. Talaga?! Actually, s'ya talaga ang ipinunta ko rito eh." kinikilig sa sabi n'ya

"Kaso madilim ang awra. Mukhang papatay eh. Nagseselos yata sa'yo." natatawang sabi ko, "Maghanap ka na lang ng ibang lalandiin, pre. Straight 'yang asawa ko."

"Hays, sayang naman ang punta ko rito, girl. Pero sige, aalis na 'ko. Kinumusta lang kita since nand'yan lang ako sa tabi-tabi. Alam mo na pinayagan nila akong maglakwatsa. Mag-ingat ka, girl ha?" hinalikan n'ya ako sa noo, "Love you, Jaz."

"Sige na, magkita na lang tayo mamaya. Love you too, Racky."

"Yon ay kung papayagan ka ng asawa mo." nginisihan n'ya ako bago kumaripas ng takbo. Nakita ko pa ang paghead to toe n'ya kay Dean ng dumaan s'ya gilid nito. Mas bumilis ang takbo ng bakla ng samaan s'ya ng tingin ng asawa ko na ikinatawa ko.

Pabalik na sana ako sa upuan ko ng may humigit sa'kin at isandal ako sa pader. Wala naman ibang pwedeng gumawa sa'kin no'n kundi si Dean. Dahil kung iba ang gumawa sa'kin noon malamang ay nasa sahig na s'ya ngayon at bali ang buto. Umaatras ang depensa ko kapag si Dean na ang pinag-uusapan. Tulad ngayon. Kayang-kaya ko naman siyang patumbahin pero 'di ko magawa.

"Bitawan mo nga 'ko." pilit akong kumakalas sa pagkakahawak n'ya sa balikat ko. Dumausdos ang kamay n'ya hanggang sa braso ko. Hinila n'ya ako papasok sa opisina n'ya at padabog na isinara ang pinto.

"Who is he?" tiim-bagang na tanong n'ya

"A friend of mine."

"Friend? Pero may 'I love you' sa isa't isa?" sarkastikong sabi n'ya

"Pwede naman ah? Mahal naman namin ang isa't isa."

"You what?!" singhal n'ya at muli na naman akong isinandal...sa pinto

"Mahal ko si Racus. Saka ano bang problema mo? Akala ko ba galit ka sa'kin kaya ba't mo 'ko nilalapitan ha?" inirapan ko s'ya

Ilang araw n'ya akong hindi pinansin dahil sa sinabi ko noong nakaraan. Na hindi ko totoong apelyido ang Jimenez at agent na ako bago pa man kami nagkakilala. Hindi kasi namin pwedeng sabihin ang totoo naming pagkatao hangga't hindi kami kasal. Kaso hindi ko naman nasabi sa kanya noong kasal na kami.

"Is he your man?" kita ko ang sakit sa mga mata n'ya na tinawanan ko lang. Naintindihan ko na kung bakit ganito ang inaakto n'ya.

Kung nandito si Racus ay malaman ng mandidiri 'yon sa narinig.

"Man? Racus is a gay, D!" humagalpak ako ng tawa, "Magseselos ka na nga lang sa bakla pa!"

Natigilan ako ng hawakan n'ya ako sa magkabilang pisngi.

"Natutuwa ka pa talaga na nagseselos ako?"

Nagkatitigan kami ng lumampas sa likod n'ya ang tingin ko. Kumalabog ang puso ko ng makita ang isang lalaking may hawak na baril sa kabilang building. Hindi nakaligtas sa'kin ang pagngisi nito at ang pagkalabit nito ng gatilyo. Mabilis kong itinulak si Dean. Kasabay ng pagbagsak namin sa sahig ay ang pagtama ng bala sa pwesto namin kanina. Kinuha ko ang baril na nakatago sa hita at pinaputukan ang direksyon n'ya. Natamaan ko s'ya sa kamay. Kita lang 'yon dito dahil medyo malapit ang kabilang building sa kompanya. Lalabas sana ako ng kwarto ng may yumakap sa'kin.

"Don't."

Isang salita na pumigil sa'kin sa pilit na pagkalas.

Lintek na ang bilis ng tibok ng puso ko. Natakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya kung hindi ko nakita 'yon.

"Hey, love. Breath."

Doon ko lang napansin na pigil ko pala ang paghinga. Hawak na n'ya ako ulit sa pisngi at nakatingin sa'kin. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

"Kuha mo 'ko ng tubig." utos ko sa kanya na agad naman n'yang sinunod.

Nang umalis s'ya ay tumawag ako sa agency namin.

"Who's in the vicinity?" tanong ko ng sagutin ang tawag

[Me.] malanding sagot ni Racus, [Don't worry, girl. Nakuha ko na ang nagtangka kay fafa mo.]

Kapag tumawag ako sa agency namin ay awtomatikong kokonek 'yon sa ibang mga agents and vice versa.

"Ikaw na bahala d'yan. Tapos pumunta ka rito at bitbitin si Wendell."

"Uminom ka muna." iniabot sa'kin ni Dean ang isang basong tubig na ininom ko agad

[Oh my gosh! Ang hot naman ng boses ni fafa mo, girl!]

Ibinalik ko ang baso kay Dean na nasa harap ko. Nakatingin lang s'ya sa'kin. Pero alam kong nakikinig 'yan sa kausap ko.

Napatawa ako, "Bilisan mo ipapakilala kita."

[Ay gusto ko 'yan girl! Pero hindi na ba ako pinagseselosan n'yan? Kinikilabutan ako, girl!]

"Pumunta ka na lang dito." I ended the call then face Dean, "Wag mo nga muna akong landiin, D. Nakakalimutan kong may nagtatangka sa'yo eh."

"I can't. I miss you so much, love."

Kita ko naman ang sincerity sa boses n'ya. Matagal ko na siyang pinatawad sa kabila ng lahat.

At dahil miss ko na rin s'ya ay agad ko ng sinunggaban ang labi n'ya.

MS #1: Jazrell MontralvezWhere stories live. Discover now