Kabanata 12

508 21 0
                                    

"Oh my gosh! Anong ginawa mo roon, Kuya?!" binitawan ko si Chi at niyugyog ang napatigil sa pagkain na si Maico, "Ginayuma mo ba 'yon kaya panay ang 'I love you' sa'kin?!"

"Boys talk."

Napasimangot ako at binitawan s'ya. Ibig sabihin hindi n'ya sasabihin sa'kin kung anong meron.

"Jaz, hindi ko pipigilan ang kung anumang mayroon kayo ni Ricel. Pero wag mong kakalimutan na hindi pa maayos ang lahat. Hindi pa nahuhuli ang nagtatangka sa kanya."

I nodded, "Hindi ko kinakalimutan, Kuya."

"Good. Call me if you need help. You will always be my priority." uminom s'ya ng tubig at tumayo, "I need to go. Baka hanapin na s'ya ng amo n'ya."

Kinuha n'ya sa'kin si Chi. Hinatid ko naman s'ya hanggang labas.

"Take care of yourself, Kuya."

"You too, Jaz." hinalikan n'ya ako sa noo bago umalis

Isinara ko naman ang pinto. Pagharap ko ay kusang umigkas ang kamao ko pasuntok kay Dean. Nabitin sa ere ang aking kamao na sakto sa mukha ni Dean na nakataas ang mga kamay na parang sumusuko.

"Wag kang manggugulat, D. Muntik ka ng mabangasan." ibinaba ko ang kamao, "Normal ka na ba? Mukha ka kasing tanga kanina."

"Naghahanap nga pala ako ng bagong sekretarya." sa halip ay sabi n'ya at hinila ako palapit sa kanya, "I don't want you to work for me anymore."

"Sasabihin ko sana sa'yo 'yan. Gusto kong pagtuunan ng pansin ang kaso mo. Ayaw ko pang ma-biyuda agad no." pinisil ko ang ilong n'ya

"I'm lucky to have you." malamlam ang mga matang saad n'ya at pinagsalikop ang tig-isang kamay namin

"Tss. We're lucky to have each other kamo. 'Wag ka na ngang magdrama d'yan, kumain na tayo."

*****

DAYS passed pero wala ng pagtatangka ang naganap ulit. At sa halip na mapanatag, mas nababagabag ako. Are they planning something 'big' against him?

Nandito ako sa opisina n'ya. Since wala pa siyang nahahanap na bagong sekretarya, ako muna ang gaganap.

"Girl!"

I saw Aileen running towards me.

"Tara muna sa mall, girl! You can't say 'no', dahil naipagpaalam na kita sa asawa mo!"

"Teka, tapos na ba ang meeting nila?"

"Obviously! Hindi naman ako lalabas kung hindi pa diba?"

I rolled my eyes, "Malay ko bang kasama ka roon?"

"Hays! Just come with me girl!" hinila na n'ya ako

At dahil wala na akong magagawa ay tinext ko si Racus para pansamantalang bantayan si Dean. I even asked him to bring more agents in case of emergency.

"Why are you in a hurry?"

"Namiss kita no! Saka wala masyadong gagawin today! Kaya pwedeng maglakwatsa ang mga empleyado!"

"Ano bang meron? Wala namang sinasabi sa'kin si Dean eh secretary n'ya ko."

"Hays! Just rest your mind, girl! Hindi dapat iniistress ang utak ng magaganda!"

Wala na akong nagawa kundi ang sundin s'ya. Masyadong makulit pa naman ang isang 'to.

Nakarating kami sa isang mall at nagsimula ng mamasyal. Naglaro kami sa arcade at kumain din sa isang restaurant. Ang nakapagtataka lang ay s'ya ang nagbabayad sa lahat. Isa pa naman ang babaeng 'to sa mga pinakakuripot na taong nakilala ko.

Ipinagsawalang-bahala ko na lang 'yon dahil baka na-miss lang talaga n'ya ako ng sobra kaya naisipang mag-waldas ng pera.

"Ayaw mo bang magpa-salon?" tanong n'ya

"Ayoko."

Naglakad na kami ulit hanggang sa may maramdaman ako.

"Wait. I need to go to the comfort room." sabi ko

"Samahan na kita."

"No. Ako na lang. Saglit lang naman ako."

Pumayag naman s'ya kaya pumunta na ako sa banyo na malapit lang sa kinaroroonan namin. Umihi lang ako at maghugas ng kamay pagkatapos. Nasa ganoong pwesto ako ng lumabas sa isang cubicle si Lyka. Kita ko sa salamin ang kakaibang ngisi n'ya sa labi ng lumapit sa'kin. Naghugas din s'ya ng kamay. Pinapanood ko s'ya sa gilid ng mga mata ko habang busy sa ginagawa.

Hindi na ako nagulat ng sinubukan n'ya akong sampalin na madali ko namang nasalo. Ikinataka ko ang pagngisi n'ya ngunit huli na ng mapagtanto ko ang lahat nang may maramdaman akong tumusok sa batok ko.

Nakita ko pa ang paghalakhak ni Lyka bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

MS #1: Jazrell MontralvezWhere stories live. Discover now