Special Chapter

538 21 1
                                    

NOTE: THIS CHAPTER CONTAINS SEXUAL CONTENT AND VULGAR WORDS. READ AT YOUR OWN RISK.

*****

Hindi pa tapos ang reception ay tumakas na kami ni Dean. Nakita naman kami ni Maico kaya s'ya na lang ang magsabi sa mga bisita. Maiintindihan naman nila 'yon.

Actually, si Dean talaga ang kumaladkad sa'kin para tumakas.

"Saglit naman, love! Mabigat 'yong wedding gown." reklamo ko dahil halos madapa na ako sa paghila n'ya

Binuhat n'ya ako at isinakay sa kotse n'ya na nasa di kalayuan.

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" tanong ko ng makaupo s'ya sa driver seat

"Secret." nakangising sabi n'ya

Napatakip ako sa katawan.

"A-anong balak mo?"

Napatingin s'ya sa'kin at napailing.

"Tsk. Tsk. You can't hide it from me, Jazrell. We're married and tonight's our honeymoon."

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-init ng mga pisngi ko.

Lintek. Nakalimutan ko. Nawala sa isip ko.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa bintana.

Hindi lang naman 'gano'n' ang ginagawa sa honeymoon diba? Pwede kaming mamasyal bilang bagong kasal. Sa naisip ay naging kampante ako.

"Woah!" bulalas ko ng tumigil kami sa tapat ng isang bahay.

"That's my wedding gift to you." sabi n'ya

Lumabas naman ako at sumunod s'ya kaya hinila ko s'ya.

"Talaga?! Omg! Thank you!  Ang ganda love!" sabi ko at pinaghahalikan s'ya, "But wait, ba't ngayon mo sa'kin gustong ipakita 'to?"

Gabi na kasi. At hindi masyadong kita ang ganda ang bahay dahil patay ang mga ilaw.

"Pasok tayo!" sabi ko at hinila na s'ya

Pagbukas n'ya ng pinto ay pinabukas ko agad sa kanya ang ilaw.

"Wow! Kumpleto na 'to?" tanong ko ng bumungad sa'kin ang salas na maayos at kumpleto na sa gamit

"Oo. May mga damit na rin akong binili para sa'tin."

"Oh my gosh! I'll roam around first, love!" sabi ko at kumaripas ng takbo paakyat. Parang hindi ko na naramdaman ang bigat ng gown na suot dahil sa sobrang excitement.

Tiningnan ko ang mga kwarto. May mini library at mga guest room. Sa sunod kong pinuntahan ay masasabi kong ito ang master's bedroom.

"Kwarto natin 'yan." singit ni D na muntik ko ng ikatalon sa gulat

"Ang ganda..." sabi ko, "Dito ba tayo matutulog ngayon?"

"Oo. Aalis tayo bukas para sa honeymoon."

"Saan tayo pupunta?"

"Sa France. I remember what you've said last time. Gusto mong mag-honeymoon sa France dahil pangarap mong makapunta roon."

"Naalala mo pa 'yon?" tanong ko at binuksan ang sa tingin ko ay closet. Kumuha ako ng damit para sa'kin at para sa kanya.

Totoo 'yon. Kahit kayang-kaya kong pumunta ng France ay hindi ko ginawa. Gusto ko kasing sa unang punta ko roon ay kasama ang lalaking para sa'kin.

"Yes. Hindi ko nakalimutan."

"Hep! D'yan ka lang!" saway ko sa kanya dahil akmang susunod s'ya sa'kin sa banyo

MS #1: Jazrell MontralvezWhere stories live. Discover now