Kabanata 15

588 22 0
                                    

Gabi na ng makarating kami sa isang bangin kung saan kitang-kita ang siyudad mula rito. Naupo kami sa damuhan habang pinagmamasdan iyon.

"Ilabas mo lang ang mga kinikimkim mo. Makikinig ako."

"Kyle... Pagod na ako... Bakit kailangan niyang ipalit lagi ang sarili para iligtas o tulungan ako? Hindi ba s'ya makaisip ng ibang paraan? Alam kong gusto n'ya lang akong tulungan pero mas nasasaktan ako sa pamamaraan n'ya. Bakit parang napakadali para sa kanya ang makipaghalikan sa ibang babae? At sa harap ko pa? Bakit napakadali sa kanyang bitawan ako? Samantalang ako, kahit paulit-ulit n'ya akong saktan, sa huli ay mapapatawad at tatanggapin ko pa rin s'ya. Bakit? Bakit hindi ko s'ya mabitawan tulad ng gawain n'ya? Bakit ko ba kasi s'ya minamahal ng ganto?" umiiyak na sabi ko

"Akala ko ba makikipaghiwalay ka na?"

"H-hindi ko kaya. Nasabi ko lang 'yon. Pero pwede kong totohanin kapag kaya ko ng iwan s'ya." tipid akong ngumiti at pinahid ang mga luha.

Tumayo ako ngunit nagulat ako ng higitin n'ya ako kaya ang ending, napahiga kami at ako ang nasa ibabaw. Aalis na sana ako ng mas idiin n'ya ang katawan ko sa kanya.

"K-kyle... Bitawan mo 'ko."

Hinaplos n'ya ang pisngi ko at mas inilapit ang mukha ko sa kanya. Kung may ibang makakakita sa'min, iisipin nilang naghahalikan kami.

"Alam kong mali 'to pero hindi ko na kayang maging bestfriend mo lang. Mahal kita noon pa."

Tumalim bigla ang mga mata ko.

"Alam ko. Kaya mo nga nagawang traydurin ako."

Nanlaki ang mga mata n'ya at nabitawan ako. Kinuha kong pagkakataon 'yon para suntukin s'ya. Nailagan n'ya ako at ipinagpalit ang pwesto namin.

"Alam mo na? Paano?" tanong n'ya

"I'm a Montralvez, that's why." nakangising sabi ko, "Ikaw lang naman ang kilala kong obsessed sa'kin na may koneksyon sa mga pinsan ko. Kinuha mo ang wedding picture namin kay Migo para makakuha ka ng malinaw na kopya. Ang lalaking nahuli ni Racus ay binayaran mo lang para magpanggap na ito ang bumaril kay Dean. Kahit ang totoo ay ikaw 'yon. Tumakas ka na ng makitang nahuli ni Racus ang lalaki. Well, sorry ka na lang. Isang Montralvez pa ang kinalaban mo!"

Iniuntog ko ang ulo ko sa kanya at tumayo. Pinunasan n'ya ang dugo sa ilong dahil sa ginawa ko.

"Hindi na nakapagtataka kung paano mo nalaman 'yon. You're a Montralvez. Hindi naman talaga kita mahal. Obsess lang ako sa'yo dahil ikaw ang gagamitin ko para makaganti sa asawa mo."

Natigilan ako sa sinabi n'ya.

"Inagaw ng asawa mo si Lyka sa'kin." pagpapatuloy n'ya. 'Yon lang sinabi n'ya pero doon ko na naintindihan lahat.

Bukod kay Maico ay s'ya ang naging takbuhan ko sa mga paanong nasasaktan ako dahil kay Dean at Lyka. Hindi nakaligtas sa'kin noon ang mga emosyon n'ya sa tuwing magkukwento. Hindi ko lang iyon pinansin kasi akala ko, wala lang.

"I-ikaw ang ama ng ipinagbubuntis n'ya noon..."

"Ako nga!At kung hindi dahil sa inyo ay buhay pa sana ang anak namin ngayon!" galit na tumayo s'ya, "Kaya bubuntisin kita kapalit ng anak namin!"

Akmang lalapitan n'ya ako ng may sumuntok sa kanya.

"D-dean..." nanghihinang tawag ko sa kanya

Itinuring kong kaibigan si Kyle. Naging partner kami sa ibang misyon. Nalaman ko na ang lahat ng pumunta kami sa condo ni Dean at nang makita ko ang wedding picture namin doon ko na napagtanto ang lahat. Inihanda ko na 'yong sarili ko para rito pero masakit pala talaga ang traydurin ka ng isang kaibigan.

MS #1: Jazrell MontralvezDonde viven las historias. Descúbrelo ahora