Kabanata 3

3.1K 114 0
                                    

Kabanata 3


Luci



"Excited na ako!" excited na sabi ni Lyn.


Kasalukuyan kaming nasa dorm namin. Nagaayos na dahil 6:40 AM na at mamayang 7:00 AM ang simula ng sectioning na magaganap sa field. Sa totoo lang, ayokong pumunta. Kung pede lang na h'wag nang sumali sa sectioning na yan ay ginawa ko na pero ang sabi ni Eris ay dapat daw lahat ng estudiyante ay mag participate. Ayoko pa naman gamitin ang Vien 'ko.


"Tera na." sabi ni Eris pagkalabas na pagkalabas ng kwarto ko. Lumabas naman na kaming tatlo ng dorm namin saka naglakad papuntang field. Malapit lang yung field sa girls dormitory kaya naman ilang minuto lang ang lalakarin namin.

"Ohmygod! Nanginginig na ata ako sa pagka excited! Saan tayo mapupun-tang section?" sabi ni Lyn saka nagtatatalon habang naglalakad kami. May mga nakakasabay din kaming mga estudiyante na papunta at iba iba ang edad nila. Meron mga bata at meron mga dalaga.


Kahapon 'ko lang nabasa doon sa libro na ibinigay nila na ang Academy ay meron elementary hanggang college. Sinabi din sa akin nina Lyn na simula elementary palang ay dito na daw sila nag aaral.


Wala na palang pasok ngayon dahil nga daw sectioning.


Maya maya lang ay nakarating na kami sa may field at sobrang dami nang estudiyante ang nandito.


"Doon tayo!" Hila sa amin ni Eris ng babaeng hyper. Nagpahila nalang din ako kahit na sa unahan niya gustong pumwesto dahil tiyak na kukulitin lang niya ako kapag hindi ako sumama sa kanila. Napatingin naman ako kay Eris na nakapoker face lang. Ang layo talaga ng ugali niya sa ugali ni Lyn.


"Uy Lyn! Eris!" napatingin ako sa tumawag kayna Lyn at Eris at may nakitang dalawang lalake. Ang unang nakaagaw ng pansin 'ko ay yung lalakeng may itim na buhok at puting mga mata na naka straight face lang at may malamig na aurang ibinibigay katulad ng kay Eris. Bahagya naman akong napatigil nang mapatingin ako doon sa isa pang lalake.


"May kasama pala—Wait, Luci?Inaasahan ko na magkikita tayo pero ang bilis ata! Destiny talaga!" todo ngiting sabi ni Grey nang makita ako. Tiningnan ko lang naman 'to. Hindi ako naniniwala sa destiny.


"Magkakilala kayo?" tanong ni Lyn.


"Yup! Siya yung dapat na ihahatid 'ko sa opisina ni ate pero late ako ng dating kaya di ko siya naabutan."
Kamot ng ulong kwento nito. Masyado siyang matagal. Hindi niya ba alam na nakakangalay rin maghintay?


"Stupid." sabi naman bigla ni Eris na ikinakunot ng noo ni Grey.


"Sinong stupid? Ako? Madami kayang babae ang mahal ako!"
Giit ni Grey dito na tila inis na inis at napataas naman ang kilay ni Eris.

GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon