Kabanata 25

1.8K 73 4
                                    

Kabanata 25

Luci



"So.. who are you?"


"Tinatanong pa ba yan? Rapist siya! Isang hinayupak na rapist!" Sigaw ni Leo bago pa makasagot ang babae sa tanong ni Lance. Bago pa tuluyang magka riot kanina ay pinigilan na namin sila. Naupo kami sa living room at napagdesisyunang magusap nang mahinahon.


"Hindi nga ako rapist." Madiing tanggi naman ng babae.


"Eh anong ginagawa mo doon sa kwarto ko? Namamasyal? Ganon?" Sarkastikong tanong ni Leo. Napabuntong hininga nalang ako. Napalakas ata masyado dahil lahat sila ay napatingin sa'kin.


"Anong pangalan mo?" kalmado at mahinahon 'kong tanong sa kanya. Tumikhim ito saka umayos ng upo bago sumagot.


"Dhione. Dhione Hendrix and for the I dont know how many times anymore, hindi ako rapist." Sagot nito.


"Anong hindi? Eh bakit nandoon ka sa kwarto ko? Paano ka ba nakapasok ng mansion na--?"


"Anong ginagawa mo dito?" Putol ko sa sinasabi ni Leo. Napanguso si Leo saka tiningnan ng masama si Dhione, kung nakakamatay nga lang daw ang tingin ay baka kanina pa nakalibing si Dhione.


"Ewan. Ang lolo ko ang may gawa ng portal na dinaanan ko papuntang VA, di ko alam kung bakit napunta ako dito." Paliwanag nito habang ibinabalik ang masamang tingin ni Leo. Magsasalita na sana si Grey pero dahil alam kong walang lalabas na matino sa bibig niya at inunahan ko na siya.


"You shouldn't be here. Kailangan mo munang pumunta ng Headmistress Office para malaman ang dorm room mo at schedule." Sabi ko at nagtaka naman ako nang biglang tumahimik.


"Oh my gods.. ilang words ba yon, Grey? 17? 19? May himala!" Sigaw ni Lyn na ikinakunot ng noo ko. 17? 19--oh. Napa poker face nalang ako.


"Luci, anong nakain mo? Humaba ata bigla yung pagsasalita mo. Na-inlove ka ba?" OA namang tanong ni Grey. Napabuntong hininga nalang ako. Imbes na sagutin sila ay binalingan ko nalang ng tingin si Dhione na nakakunot ang noong nakatingin kayna Lyn at Grey.


"Weird people.." rinig kong bulong nito.


"Well... I agree." Malamig namang sabi ni Lance na ikinatango nalang ni Eris.


"S-samahan kaya natin si Dhione sa Headmistress Office? B-bago palang siya kaya di niya alam kung nasaan yon." Sabi naman ni Mae na ikinatingin namin sa kanya. Napatingin naman ako sa wrist watch na lagi kong suot. 6:26 AM.


"Ako nalang yung sasama sa kanya." Sabi ko. Napanguso naman agad sina Grey.

GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon