Kabanata 12

2.2K 78 7
                                    

Kabanata 12


Luci



"Oh gods.."


"Holy..."


Pinigilan 'ko ang sariling tumawa dahil iba iba yung mga reaksyon nila lalo na si Grey na sobrang laki ng pagkakanganga. Sina Erin at Lance naman ay naka poker face pa rin pero bakas ang gulat sa mga mukha nila. Si Lyn at Leo naman ay sobrang laki ng mga mata habang si Lior ay nakakunot ang noo.


"Ang swerte natin! Hindi lahat nabibigyan ng chance na tumira sa bahay na tinirahan ng mga gods and goddesses!" nakangiti at tila sobrang saya namang sabi ni Mae.


"That's true.. pero hindi yon ang problema! P-pede ba tayo dito? Baka mamaya p-parusahan tayo ng mga gods and goddesses.." parang natatakot naman na tanong ni Grey. Namumutla pa talaga siya ng sobra.


"Hindi naman siguro tayo patitirahin dito ng Headmistress kung bawal di ba?" sabi naman ni Lyn na ikinatango ko nalang.


Sigurado akong bukod sa Headmistress at syempre sa mga gods and goddesses ay kami palang ang nakakapunta dito. Kung wala kang permiso ay hindi ka na makakapasok ng Forbidden Forrest dahil mag barrier.


"We'll probably be alright. Tsaka minsan lang nangyayari 'to kaya dapat maging masaya tayo." sabi ni Mae at nag cross arm naman si Leo.


"Pansin 'ko lang ah. Saan na napunta ang pagkamahiyain mo? Nawala bigla ah." sabi ni Leo at pagkasabing pagkasabi niya non ay parang bigla nalang natauhan si Mae. Napatakip ito ng mukha saka napaupo.


"S-sorry.. mahilig at gusto ko lang talaga ang history at mga gods and goddesses. Hinahangaan ko sila." nahihiyang sabi nito at tumawa naman si Grey.


"Ayos lang! Pero.. ano nang gagawin natin?" tanong ni Grey saka sila sabay sabay ma tumingin sa malaking mansion sa harapan namin. Papasok ba o hindi?


Malamang ay yan ang iniisip nila maliban kay Mae na gustong gusto nang pumasok. Napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang wala silang balak na kumilos. Pati si Lior ay tahimik lang din na nakatayo. Fine.


"Im entering." casual 'kong sabi na ikinatingin nilang lahat sa akin. Naglakad naman na ako papunta sa malaking pintuan ng mansion at hindi pinansin ang tingin nila.


"O-oy!" tawag nila saka sumunod din sa akin. Akmang hahawakan ko na yung silver na diamond na doorknob—that i would likely try to steal someday— nang hawakan ni Leo yung wrist ko dahilan para matigil yung kamay ko sa ere.


"P-pasok ba talaga tayo? Baka mamaya wala lang sa sarili si Headmistress non. H-hindi magandang harapan ang galit ng mga gods and goddesses." mahabang sabi nito.


GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon