Kabanata 17

2K 85 8
                                    

Kabanata 17


Luci



Tiningnan 'ko ang sarili sa salamin saka inilipat ang atensyon sa bag kong inimpake ko kagabi ar ini-check kong nasa loob naman ang lahat ng kailangan at mga pedeng kailanganin ko sa misyon. Ang usapan ay 6:00 AM palang, dapat nasa gate na kami ng Academy at 5:20 AM na.


Lumbas ako ng kwarto ko at pumunta ng sala pero nangunot ang noo 'ko nang wala ni-isa man sa kanila ang makita ko doon at napaka tahimik din ng paligid. Mabilis akong naglakad papuntang kwarto ni Lyn.


"Lyn?" tawag ko sa kanya saka kumatok ng tatlong beses pero wala akong narinig na reply. Dont tell me..?


"Im opening the door." sabi ko at pinihit pabukas ang pintuan at bungad naman sa'kin si Lyn na nakahiga pa sa kama niya. Nakasubsob pa ito sa kama niya at humihilik. Napabuntong hininga nalang ako.


"Lyn, gising. May misyon tayo ngayong araw." niyugyok ko siya ng bahagya pero hindi man lang siya gumalaw. Nang mawalan na ako ng pasensiya ay tumayo ako saka pinitik ang mga daliri 'ko. Sa isang iglap ay may tubig nalang na siyang bumagsak kay Lyn kaya agad siyang nabasa at napabangon.


"May bagyo ba?! Ano? Lilikas na ba tayo? O baka naman nasugod nanaman ang mga rebels? Ano?" Tarantang sabi nito habang inililinga linga pa ang ulo sa silid hanggang sa mapatingin ito sa akin.


"Kalma. May misyon lang tayo." Nangunot ang noo nito saa sinabi ko at umabot pa ata ng halos isang minuto siyang nakatulala bago mag-sink in sa utak niya at sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya saka mabilis na tumayo at lumapit sa'kin saka ako niyugyog.


"Luci naman! Bakit ngayon mo lang ako ginising? Tingnan mo yung orasan oh, 5:24 na." tila naiiyak na sabi nito kaya napangiwi ako ng bahagya. Sinabi ko nalang na bilisan ang kilos saka ako lumabas ng kwarto niya at pumunta naman kay Eris.


"Eris."


"What is it?"


Kumatok ako sa pintuan niya at hindi tulad kay Lyn ay bumukas ang pintuan niya at nakita 'ko siyang ayos na. Pinuntahan ko rin naman ang kwarto ng iba. Gising na sina Lance at Mae habang sina Grey at Leo at tulog pa rin kaya kailangan gisingin. Si Lior naman ay gising na rin at sinamaan pa talaga ako nito ng tingin nang makita ako.


"Tsk. Ang kukupad." Naiinis na sabi ni Lior saka lumabas ng mansion na dala dala ang bag niya. Naiwan naman kaming nakaupo nina Eris sa sala--hinihintay sina Lyn.


"As usual." Sabi naman ni Eris na napabuntong hininga nalang. Mukhang sanay na sanay nang laging late nagigising sina Lyn.


Pagkatapos ng halos ilang minuto ay tumatakbong bumaba sina Lyn, Grey at Leo pababa ng hagdanan. Halos nagkanda dapa dapa pa nga sila sa pagtakbo. Mabuti nalang ay hindi sila nalaglag ng hagdanan.

GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon