Kabanata 5

2.7K 102 2
                                    

Kabanata 5

Lyn



"Fuck you!" malutong na mura ni Arius kay Luci na hindi naman siya nilingon pa at umalis na.


Walang sabi sabi ay bigla nalang rin naglaho si Arius at sigurado ako na nagteleport 'yon. Tahimik pa rin ang buong palid na para bang nagpapaki-ramdaman pero matapos ang ilang segundo ay nabasag din ito.


"Heck. Ano ulit yung nangyari?!"


"Pinch me, im probably still dreaming."


"Oh my god. Oh my god."


"Wahh! Holy bread na malaki! Totoo yung nangyari diba? Natalo ni Luci si Arius! Wa-aray!" napa aray nalang ako nang batukan ako ni Eris. Sinamaan ko ito ng tingin pero binigyan lang ako nito ng isang malamig na tingin kaya napanguso nalang ako. Nagtatanong lang naman ako eh.


"Natalo talaga ni Luci si Arius." seryosong sabi ni Lance. Eyy, lagi namang seryoso yan.


"Ang cool talaga niya." parang nagde-day dream naman na sabi ni Grey habang si Eris naman ay tila malalim ang iniisip.


"Alam niyo ba kung anong tawag doon sa vien niya?" tanong bigla ni Eris na nakakuha ng atensyon namin. Ito ang unang beses na nakakita kami ng ganung Vien. Napakalakas. Parang OP na nga masyado. Nakakatakot din at the same time dahil pede ka niyang pasunurin kahit ayaw mo.


"Hindi." sabay sabay naming sagot.


"Tera na nga! Mamayang gabi pa naman ipo-post ang mga section natin. Kain muna tayo sa cafeteria!" yaya ko sa kanila. Kanina pa ako nagugutom. Hindi na ako nakapag almusal kanina eh. Late na kasi ako ng gising at kung hindi nga 'ko ginising ni Eris ay baka hanggang ngayon ay tulog pa ako.


"Okay. Tera!"



Luci

"Wala ka bang dapat gawin?" tanong sa'kin ni Renz at umiling naman ako bilang sagot.


"Hmm. Ano nang balak mong gawin ngayon? Nahanap mo na ang mga pinahahanap sa'yo." sabi nito at napatigil naman ako saglit saka napaisip. Right. I've found them already


Ang tinutukoy 'ko ay ang lima nagtataglay ng pinak malakas na vien sa buong Vien World. May kulang pa nga lang na isa.


"Hindi 'ko pa alam." sabi ko saka kumuha ng cookies. Tiningnan 'ko ang paligid namin pero ang tanging nakita ko lang ay kadiliman pero ang kinalalagyan namin ay maliwanag. Nakaupo kaming dalawa at sa harapan namin ay isang lamesang may tsaang nakapatong at platong may lamang cookies.

GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon