Kabanata 6

2.6K 89 4
                                    

Kabanata 6


Luci

"Tera lets! Tera, tera, tera lets!" pakantang sabi ni Lyn. Palabas na kami ng dorm namin. First day na namin ngayon bilang section A—ako lang pala dahil napagalaman kong dati nang kabilang sa section A sina Lyn at Eris pero kada year ay kailangan kasali pa rin sa sectioning dahil nababago naman ang section depende sa performance mo.


"Oy sabay na tayo!" sabi ni Grey nang makasalubong namin sila ni Lance sa hallway.


"Section A din kayo?" tanong ni Lyn sa kanila.


"Of course we are. Alam mo namang dati na rin kaming nasa section A." sagot naman ni Lance in a matter of fact tone. Tumaas naman ang kilay ni Lyn.


"Malay mo naman maiba. Humihina rin po ang mga vien 'no." sabi ni Lyn saka inirapan si Lance. Ang akala ko nga ay matatapos na ang bangayan nila pero sumagot pa ulit si Lance.


"Kung may hihina man dito, ikaw 'yon. Mas malakas ako sayo." sabi nito at sa unang pagkakataon ay nakita ko itong ngumisi. Namula naman kaagad ang mukha ni Lyn dahil sa galit at bago pa sila magbatuhan ng dark fire balls o kung ano pa man ay simingit na ako.


"Male-late na tayo." napatingin naman sila sa akin.


"First sentence ni Luci ngayong araw!" parang manghang manghang sabi ni Grey habang kumikinang kinang pa ang mga matang nakatingin sa akin. Nangunot naman ang noo.


"Tahimik ka kasi masyado eh. Hindi ka nga cold tulad nitong dalawang 'to pero sobrang minsan naman magsalita. Salita ka naman! Baka mapanis ang laway." sabi ni Grey at tinuro pa talaga sina Eris at Lance gamit ang hintuturo niya kaya nakatanggap siya ng isang batok mula kay Eris.


"Masakit ah!"


"Malamang."


"Aba't—!"


"Tera na." putol ko sa sagutan nilang dalawa dahil baka abutin pa kami ng siyam siyam dito.


"Second sentence ni Luci!" nauna na akong maglakad at hindi pinansin ang sanabi ni Lyn. Naramdaman ko naman na sumunod na sila sa akin at tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa classroom namin. Inabot kami ng halos 5 minutes dahil ang classroom namin ay nasa 20th floor ng Academy. Buti nalang may elevator dito.


Pumasok na kami ng classroom dahil wala pa namang teacher pagdating namin. Napatingin naman sa amin ang lahat ng mga nandoon—mga kaklase namin.


"They're really here!" biglang sabi nung lalakeng nakasalamin at hinampas naman siya bigla nung katabi niyang babae na nakasuot din ng salamin.

GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon