Kabanata 15

2K 88 2
                                    

AUTHOR'S NOTE:
nakalimutan 'kong ilagay sa last chapter yung mga kapangyarihan ni Leo at Mae.

Leo— Tulad ni Lance, nakakaya niyang kontrolin ang apoy pero yung normal na apoy lang. A fire vien user.

Mae— kaya niyang kontrolin ang tubig. A water vien user

Since nadagdagan o madadagdagan nanaman ang mga vien ni Luci ay ilalagay ko siya sa next chapter.




Kabanata 15


Luci



"Hindi niyo kami mapipigilan."

"Really? Iyan na ata ang pinaka nakakatawang joke na narinig ko this month."


Nanatili lang akong nakatayo sa aking kinatatayuan at nakatingin sa dalawang lalakeng nagpapalitan ng salita. Sabi nga ng iba, If looks could kill, baka kanina pa silang dalawa nakabulagta sa sahig dahil sa sobrang sama ng tingin nila sa isa't isa. Tila ba isang maling galaw lang ng isa ay handa na silang lumapa.


Kung kumilos ka kaya diyan? Tanong naman bigla sa akin ni Renz sa isipan ko na sinagot ko na lamang ng isang iling na sigurado akong nakikita niya. Ayokong makisali sa away bata.


Wait, ano 'yon? Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Renz. What is it?


Yung nasa pagitan nilang dalawa. Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kayna Mark. Nalipat ang tingin ko sa sahig nang may maaninag doon na tila kulay asul na papel--


Nilagay mo 'yon doon? May question mark ang pagkakasabi ko non pero hindi patanong dahil sigurado na akong siya talaga ang may pakana kung bakit may 1,000 peso bill na nasa lupa sa pagitan nina Mark at ng lalakeng may dilaw ng buhok.


I dont know what your talking about. Painosente namang sagot nito. Napapikit nalang naman ako saka muling napadilat at tiningnan ang 1,000 peso bill pagkatapos ay ang dalawang lalakeng patuloy pa rin na nagsasagutan. Should I? Or should I not..?


Habang nagiisip ako ay bigla nalang namang may bumulusok pababa mula sa langit. Medyo napatalon pa ako sa gulat dahil sa lakas ng tunog na nalikha nang tumama 'yon sa sahig--sa mismong kinalalagyan ng 1,000 peso bill kanina.


"Zack, bakit ba ang tagal mo?" tanong ng bagong dating sa lalakeng may dilaw na buhok.


"Anong ginagawa mo dito?" balik na tanaong naman ni 'Zack' sa babaeng bagong dating. Nanatili naman akong nakatingin sa sahig na tinatapakan ng babae na ngayon ay kulay itim na dahil sa impact. Kahit na piraso nito ay hindi ko makita.


"Kailan pa naging sagot sa tanong ay isa ring tanong? Wow lang." sarkastikong sabi ng babae.


"Ngayon lang. Bakit ka ba kasi nandito, Rhea?" Tila inis na sabi ni Zack kay 'Rhea'. Nakalimutan ata nila na sa gilid nila ay may nakatayong kalaban. Napatingin ako kay Mark. Nalipat kay Zack. Nalipat kay Rhea saka napunta sa dating kinalalagyan ng 1,000 peso bill. What a waste.


Dont bully them, okay? Biglang sabi ni Renz sa isip 'ko na hindi ko naman pinansin. Nagpakawala ako ng aura na halos kapantay lang na aurang pinapakawalan nila kaya naman napatingin silang tatlo sa akin.


GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon