Kabanata 14

2K 90 14
                                    

Kabanata 14


Luci



"Guys, ano na? Tatayo nalang ba tayo? Diba dapat eto yung time na mapupunta sa bida ang spotlight?" nakangiwing tanong sa amin ni Lyn habang nakatingin lang naman ako sa malaking dragon sa harapan namin. Well, sorry, this is not some fantasy movie. This is reality.


"Kapag ako namatay, mumultuhin ko talaga si ate!" sabi naman ni Grey.


"Tatakbo na ba kayo? Wala kayong laban sa alaga ko kaya tama lang na maduwag kayo." sabi nung rebel na nag summon ng dragon. Napabun-tong hininga nalang naman ako saka nagisip kung ano pedeng gawin sa ganitong klase ng sitwasyon. Kung totoo ang sinabi ng lalake na parte siya ng Dark Council, mahihirapan sina Lance na talunin siya.


"Should we run?" suggestion ni Lance kahit na halata sa mukha niyang ayaw niyang gawin 'yon.


"What? No way." malamig na sagot naman ni Eris na halatang ayaw magpatalo sa dalawang rebel na nasa harapan namin.



"Were not running away. Kayang kaya kitang talunin kahit na ako lang mag isa." sabi ni Lior na tila inis na inis na. Bumuo 'to ng isang malaking bloke ng yelo saka ibinato sa dragon pero bumuga ng apoy ang dragon dahilan para matunaw lang ang yelo na ikinailing ko nalang.


"Boring. Finish them, Cep." bumuga ng apoy 'yong dragon sa direksyon namin. Handa na sana akong gumawa ng shield nang may shield na gawa sa apoy ang pumalibot sa amin.


"In the name of justice, hindi ko hahayaang makasakit ka! Ako si Sailor moon! Ang reyna ng kagandahan at katalinuhan!" napa poker face nalang ako. Nasa harapan namin si Leo na naka mala-sailor moon pose at nasa tabi naman niya si Mae na hiyang hiya sa pinaggaga-gawa ng kaibigan niya.


"Late na kayong dalawa!" sabi naman ni Grey na ikinairap nalang ni Leo saka rumampa papunta sa side namin. Wala sina Leo at Mae sa kwarto nila kanina kaya naman inkala ko na nandito din sila.


"Pumunta kami ng Headmistress Office kasi pinatawag kami." sabi naman ni Leo.


"Bakit kayo pinatawag?" kunot noong tanong ni Lance.


"M-mga tulog na kasi kayo non ay kami nalang ang gising kaya kami nalang ang pinatawag. Nakaram-dam kasi si Headmistress ng dark aura." kahit na tila nahihiya ay si Mae ang sumagot sa tanong ni Lance.


"Eh nasaan si Headmistress ngayon?" tanong naman ni Lyn. Sasagot na sana ulit si Mae nang muli kaming bugahan ng apoy nung dragon. Mabilis namang nag chant ng spell si Eris upang makagawa ng shield.


"Nakalimutan niyo na bang nandito kami?" tila inis na tanong nung isang rebel. Napataas naman agad ng kilay ni Leo.

GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon