Kabanata 18

1.9K 89 10
                                    

Kabanata 18


Eris



What is this?


Nakakunot ang noo 'ko habang nakatingin sa mapang hawak. Kahit na anong gawin ko, pagbalikbalig-tarin ko man ito pakanan o pakaliwa, sigurado akong hindi 'to naaayon sa lugar kung nasaan kami ngayon. Lumapit naman sa akin si Lance paraa tignan ang mapa.


"Mali ata yan." Sabi ni Leo na ikinatango naman ni Mae.


"M-mahilig akong magbasa ng libro, nakita ko na once ang mapa papuntang tirahan ng fairies pero hindi yon genyan." Nahihiyang sabi ni Mae. Napatango nalang naman ako at hindi maiwasang hindi mapabuntong hininga. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Iniluwa kami ng Gate malapit sa isang waterfalls.


"What should we do?" Malamig na tanong ni Lance. Itinupi ko ng maayos ang mapa saka 'yon itinago sa bag kong dala dala.


"Maglakad lakad nalang muna tayo. Baka may makita tayong makakapagbigay ng clue kung nasaan tayo." Malamig kong sagot na ikinatango naman nilang tatlo.








Luci



"Nasaan ba tayo? Parang paikot ikot kang tayo eh. Puro puno pa rin yung nakikita ko." Nakasimangot na sabi ni Lyn.


"Tumahimik ka nalang." Inis na sabi naman ni Lior na ikinanguso nalang ni Lyn. Napagdesisyonan naming maglakad nalang at baka sakaling may makita kaming makakapagbigay clue kung nasaan na kami o kung nasaan na ba ang tirahan ng mga elf's. Dito kami dinala ng Gate, siguradong malapit lang dito ang tirahan nila.


"Mukhang kailangan na talaga mag carrots si ate, lumalabo na ng sobra ang mata eh." Sabi naman ni Grey. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa may matanaw kaming kweba mula sa di kalayuan.


"Kweba? Bakit may kweba dito?" Kunot noong tanong ni Lyn.


"Bakit sa amin mo tinatanong? Kami ba ang gumawa ng earth? Hindi kami ang naglagay niyan diyan." Bara naman ni Grey dito na ikinahaba nalang ng nguso ni Lyn. Maglalakad na sana ako papalapit sa kweba nang may humawak sa wrist 'ko. Napatingin ako kay Lior.


"Stupid. Anong gagawin mo kung may trap diyan?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong nito. Hindi ko nalang pinansin ang kilay nitong nakataas na parang babae at tinggal mula sa pagkakahawak niya ang wrist ko.


"Walang trap diyan." Sagot ko at naglakad papalapit sa kweba. Narinig ko naman ang pagpalatak ng dila niya at walang nagawa kundi ang sunda ako. Sumunod rin naman sa amin sina Grey. Nang makarating kami sa bukana ng kweba ay napatigil ako. Nakarinig kami ng isang alulong na parang galing sa aso.

GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon