Kabanata 20

1.9K 79 9
                                    

Kabanata 20

Leo



Napakamot nalang ako ng maganda at malambot 'kong buhok habang naglalakad kami ng mga kasama kong pogi at maganda patungo sa kawalan--ako ang pinakamaganda syempre, wala nang lalamang sa akin.


"This is hopeless." Buntong hiningang sabi ni Lance my loves. Tumigil ito sa paglalakad kaya naman napatigil din kami nina Mae. Hays, ang cold talaga ng isang ito pero bawing bawi naman sa looks. Kahit na hindi ko pa nasisilayan ang kanyang katawan ay alam 'ko nang may pamatay siyang mga pandesal. Yummy!


"Yes... We've already been walking for 30 minutes pero puro puno pa rin ang nakikita natin." Malamig namang sabi ni Eris. Kaloka, kalamig talaga ng dalawang itey. Para tuloy kaming nasa Antarctica ni Mae.


"H-hindi kaya may n-nanliligaw sa atin?" Napatingin naman kaming tatlo kay Mae dahil sa sinabi nito.


"Now the you mention it.. May nabasa ako na may kakayahan ang mga fairy na manligaw ng tao." malamig na sabi ni my loves. Napaisip din naman ako. Napahawak pa ako sa baba ko habang nakatingin sa kawalan. Oo nga 'no? Pedeng pede kaming iligaw ng mga fairies. Naturo na sa amin 'to dati eh.


"Paano natin malalabanan yung panliligaw nila?" Tanong nito ni Eris.  Napapalakpak naman ako nang may maalala. Napatingin naman silang tatlo sa akin. Ganda ko talaga!


"Kailangan ata natin gumamit ng charm breaking spell. Iyan yung naaalala kong solusyon." Sabi ko. Pumimit naman si Eris. Bahagya nitong tinaas ang mga kamay saka nagsimulang mag chant ng spell.


"With the light and dark, with the power of gods and goddesses... Let the spell be broken." Ikinumpas niya ang mga kamay na bigla nalang umilaw kanina. Ang puting liwanag mula sa kamay niya ay naging dust na kumalat sa buong paligid. Nakarinig kami ng parang pagkabasag at sa isang iglap lang ay nagbago ang kapaligiran namin.


Nasa gitna pa rin kami ng kagubatan pero sa harapan namin ay may isang napakalaking puno. Kumpara sa iba ay mas makulay ito at mas malaki.


"W-what should we do? They broke our spell!"


"Why are you asking me?"


Nagkatinginan kaming apat nang makarinig ng dalawang naliit na boses. Muntik pa nga akong tumili dahil sa kilig nang magka eye to eye kami ni Lance my loves pero pinigilan ko.


"Who's there?" Malamig na tanong ni Eris.


"Oh no! Anong gagawin natin, Mimi? Makikita nila tayo! Baka mamaya kung anong gawin nila!" Muli naming narinig ang maliit ngunit may katinisan na boses. Naglakad kami papalapit sa puno saka dahan dahang sumilip sa likuran nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng dalawang maliit na nilalang.


GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon