Kabanata 16

2.2K 84 18
                                    

AUTHOR'S NOTE:
Aalisin 'ko na yung mga 'tittles' at ititira nalang yung kung ano bang kabanata para naman wala kayong kaide-ideya kung anong pedeng mangyari. xD.
Ps. Sorry, nakalimutan 'ko mag back read. Sa susunod ko nalang ilalagay yung mga Vien ni Luci.






Kabanata 16


Luci



Matapos ang nangyaring pagsugod ng mga rebels sa Academy kahapon, mas pinalakas ni Headmistress ang barrier na pumapalibot sa buong Vien Academy. Natulog na kaagad ako at bumungad naman sa'kin si Renz na pinagalitan ako dahil sa paggamit ko ng madaming Vien.


"Luci, bigla ka nalang kamo nawala kahapon. Iniwan mo kami doon." nakangusong sabi ni Lyn. Isinara ko naman ang librong binabasa.


"May ginawa akong importante." pagdadahilan ko pero patuloy pa rin ang pag-pout nito. Umayos ako ng pagkakaupo sa sofa. Nasa mansion lang namin kami ngayon nina Eris. Wala munang pasok dahil sa nangyari kahapon.


Kaming tatlo lang ang kasalukuyang tao dito dahil ang iba ay nasa labas dahil may gagawin daw sila.


"Ano nga palang nangyari kahapon bago kami makarating? Tinanong ng mga taga Vien Council yung pangalan mo! May ginawa ka ba?" ang pagtatampo nito ay nawala nalang bigla at napalitan ng pagka-curious. Mood swings..?


"Nothing." maiksing sagot ko.


That was true. Wala akong ginawang kahit na anong mali o kahinahinala. Tinulungan 'ko lang silang matalo ng mas mabilis ang isang rebel.


"They asked your name. Tinanong din nila kung ano bang klase ka ng estudiyante." sabi naman ni Eris. Napabuntong hininga nalang naman ako. I made a mistake. Dapat ay binuro ang alaala ng dalawang taga Vien Council na 'yon. Sigurado akong hindi nila ipagsasabi ang tungkol sa mga Vien ko dahil maaaring baka may mga taong tangkain na kuhanin ako at gamitin sa sarili nilang pangkagustuhan.


As for that rebel--Mark, sigurado ako na bago niya yon sabihin sa kung ano mang namumuno sa kanila ay kokompirmahin niya muna ito dahil pedeng nagamitan lang siya ng Illusion vien. Unang una sa lahat, ang pagkakaroon ng dalawa o higit pang vien ay isa lamang 1 in a Trillion chance.


Pero dahil sa nakita nila, maku-curious at maku-curious sila sa kung sino ba ako.


"Boring. Wala ba kayong balak na mamasyal? Mag gala?" sabi ni Lyn na inilingan 'ko lang naman. I'd rather read books than do that.


"Inatake tayo kahapon ng rebels, baka atakihin ulit nila tayo kaya mas magandang handa tayo." malamig na sabi naman ni Eris in a matter of fact tone.


Magsasalita na sana si Lyn nang bigla nalang kami makarinig ng pagkatok kaya napatingin kaming tatlo sa may pintuan.

GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon