Chapter 17 : Carson

855 82 16
                                    

CHAPTER 17

NIANA'S POV






THE SCHOOL'S acquaintance party this year will be in the theme of Fantasy! Any Disney character is valid. The Acquaintance will be on July 27, 2018. Bring your most fantastic and glamorous gown on the 27th of July!

Ito ang unang announcement na nabasa ko sa bulletin board.

Napailing nalang ako nang matapos ko 'yong basahin.

I will certainly not attend the acquaintance party. Like the other years. Maraming tao sa party, at hindi ko kakayanin kung makakita ng futures sa ilan sa kanila. Sa ngayon, mas mabuting lubayan muna ako ng sixth sense ko.

Nagulat ako nang makarinig ako ng malakas na dagungdong. Parang may nadapa sa sahig.

And I was right.

Nang mapatingin ako sa gawing kaliwa ko, may nakita akong eighth grader na nakasubsob sa sahig. Nasa tapat siya ng isang room at mukhang pinalabas siya ro'n dahil nakadapa siya sa sahig. Mukhang gumamit ng pwersa ang guro na nagpalabas sa kanila kaya siya nadulas sa sahig—the terror professors of Cessation High is really something. This university allows such professionals to teach in this school kahit pa ilang concerns at petition na ang inihain sa kanila.

Tumayo 'yong estudyante at inayos ang kaniyang uniporme bago naglakad paalis. Meron pa siyang ibinulong pero hindi ko na narinig iyon.

I put back my gaze on the last newspaper I saw on the board.

Pero muling nabawi ng isang malakas na pagbagsak sa sahig ang atensyon ko. This time, pakiramdam ko mababalian ng buto 'yong estudyanteng hinagis palabas ng room o baka dahil lang sa paraan nang pagbagsak niya kaya napangiwi ako. Iika-ikang tumayo at naglakad 'yong bagong estudyante na pinalabas sa classroom.

Mukhang magkaklase sila noong naunang estudyante na pinalabas kanina dahil sa iisang silid lang sila nanggaling.

Iika-ika mang maglakad, narinig ko pa rin ang malakas na pagtawa noong bagong labas na lalaki.

"Detention? Ha! Binigyan niya lang kami ni Naji ng chance na maka-attend sa frat war ngayon," aniya habang naglalakad palayo. Malamang hindi niya ako nakita dahil sa opposite direction siya naglakad, sa may hagdan papunta sa ground floor.

Nang mawala na siya sa paningin ko, ibinalik ako ang atensyon ko sa bulletin board. Pero nage-echo pa rin sa isip ko 'yung sinabi ng sophomore student—frat war.

Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nasinghot ko at naisip kong sundan 'yong dalawang lalaki. Maglalakad na sana ako sa hallway kung saan sila dumaan kanina pero napahinto ako at napaangat ang tingin sa bandang kisame kung nasaan ang CCTV sa parte na 'to ng unibersidad. Sakali mang sumunod ako sa dalawang lalaki, mapapahamak lang ako gaya nila.

Kaya naglakad ako pabalik sa bulletin board.

Na-realize ko na wala na pala ako sa building ng senior high school department at napadpad na sa junior high school building sa paglalakad kaya minabuti ko na tahakin ang daan pabalik sa building namin. Kung saan-saan siguro lumilipad ang isip ko kaya hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko rito.

Paniguradong pagagalitan ako ng unang guro na makakapansing nandito ako sa gusali na 'to kahit ongoing ang classes ng senior high.

"Niana?" Napahinto ako sa paglalakad. "It's you again"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Mukhang kalalabas lang niya sa isang silid na nasa corridor kung saan ako dumadaan. Nakahawak pa sa doorknob ng pintuan ang mga kamay niya habang nakatingin sa akin bago tuluyang lumabas at isinarado ang pintuan.

"Ikaw din . . . ikaw ulit," sabi ko. Iniwas ko ang tingin ko sa mga mata niya. Bagkus tinuon ko ang atensyon ko sa ibang bagay hanggang sa mapaangat ang tingin ko sa pangalan ng room kung saan siya galing.

Art Club Office.

Siya 'yong lalaki kanina na nasa music room. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan niya kahit alam niya ang sa akin—which is I find odd dahil hindi naman ako popular sa university. Kung tutuusin, si Midori lang ang regularly ko nakakausap rito bukod sa tindera sa may cafeteria at librarian ng school.

"I'm sorry about what happened earlier. I should've knocked before entering the room," aniya.

"No need. Hindi ko naman pagmamay-ari ang music room," sagot ko. Ngumiti naman siya.

"Ah. My name's Carson," nakangiti niyang sabi. "Palagi kitang nakakalaban before sa inter school art contests." Napatango ako. That makes sense kung bakit niya alam ang pangalan ko. "Wala ka bang classes ngayon?"

Hindi ako sumagot.

"Gusto mo bang pumasok?" tanong niya kaya muntik na akong mapatingin sa mga mata niya. Mabuti na lang at nanatili pa rin ang tingin ko sa pangalan ng silid.

Marami pa akong oras na kailangan ubusin bago matapos ang klase ni Sir Jim kaya tumango ako at pumayag sa offer niya. Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglawak ng ngiti sa labi niya bago niya buksan ang pintuan.

"Allow yourself to be comfortable," sabi niya bago niya ako paunahin makapasok sa loob.

"I assume you're a club officer. If not, pareho tayong illegal na nandito during classes," sabi ko nang makapasok kami sa loob. Agad kong iginala ang paningin ko.

Ito ang unang beses na makapasok ako rito.

"Yup. I'm apparently the vice president of this club. Vacant ko tuwing ganitong oras kaya wala akong classes and the other club officers and members are on their classes at the moment, hence, I'm alone in here. On the other hand, I assume that you're cutting classes," sabi ni Carson habang sabay kaming naglalakad.

"Let's just say that our lesson bores me to death." Sunud-sunod na painting sa pader ang dinadaanan namin ni Carson. May mga sculpture rin na nakasalansan sa mga lamesa.

"Bores you to death? Ano bang subject?"

"Technological Science and Discoveries."

"How can my favorite subject bore you to death," natatawang sabi ni Carson bago umaktong parang na-offend. Nakasunod lang siya sa akin habang pinagmamasdan ko ang bawat art na naka-display sa loob ng silid. "So you'd rather stay here until your next class?"

"Unless you kick me out of this room, yes."

"Then suit yourself, mi lady," sabi niya bago humiwalay sa akin at pumunta sa table na nasa harapan.

Killing time in this room is a good idea.

Or at least that's what I thought at first.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon