Kabanata 1.

123K 1.7K 165
                                    

LOVE TO SIN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LOVE TO SIN

"If lust is a sin, then I swallow my pride and sin for you everyday" - Fabian

A/N: I'M NOT A PROFESSIONAL WRITER. THIS STORY CONTAINS SOME GRAMMATICAL ERRORS, GRAPHICAL ERRORS AND WRONG SPELLING. DON'T EXPECT TOO MUCH.

WARNING: MATURE CONTENT [R18]
READ AT YOUR OWN RISK!

SIMULA:

Masaganang nag-hahabi ng tela ang matandang katiwala ng mga Bishop na si Ka Pureng nang biglang dumating ang dalagitang si Guia. Ang nag iisang anak ng biyudong si Fernandino Bishop.

Masungit ang dalagita 'kung kaya't ayaw na ayaw dito ng mga kasambahay sa loob ng Hacienda de Bishop.

"Hay nandiyan nanaman ang masungit." Bulong ng isa sa mga trabahador sa loob ng pabrika.

"Anong sabi mo? Gusto mong tahiin ko yang bunganga mo?!" At dinampot ng dalagitang si Guia ang kapiraso ng karayum at sinulid. Padabog na dinuro ang isang babaeng nag sabi ng masama rito.

"Ah senyorita wala po... wala po akong sinabi." Takot na sagot nito. Kaagad namang napairap si Guia na akala mo'y uusok na ang ilong.

"Asan ang papa?" Tanong nito sa matandang si Ka Pureng na nag hahabi ng tela.

"Kasama po si Senyora Sandra. Nasa kuwadra po." Nangasim ang mukha ni Guia nang mapag-alamang kasama nanaman ng kanyang papa ang babaeng ipinalit sa namayapang ina. Hindi naman niya masisisi ang kanyang ama, dahil bata pa naman ito at maganda ang pangangatawan.

Labing-apat ng magkaanak noon si Fernandino sa babaeng hindi niya mahal at 'yon ang ina mismo ni Guia. Kaya't kahit na disi-nyebe na si Guia at trenta-tres naman ang kanyang ama, mukha lamang silang magkapatid.

Dahil rin sa kagwapuhan ng ama hindi maiwasang may mahumaling ditong mga kababaihan. 'Yon nga lang hindi gusto ni Guia si Sandra para sa rito. Si Sandra na kasing edad lamang niya.

"That bitch again." Umuusok na ang ilong ng dalaga. Ayaw na ayaw talaga nito makita ultimo anino ni Sandra. Sinadya n'yang hindi dumaan sa kuwadra dahil alam n'yang mas masisira lamang ang kanyang umaga.

Kaya naman ay dali-dali siyang lumabas ng pabrika at padabog na pumunta ng bukid. Sobrang lawak na bukirin ang nasasakupan ng Bishop. Tinatanaw lamang niya ang mga tauhan ng ama na nagtatanim ng palay sa kasagsagan ng init dahil sa tirik na araw.

"Bwiset!" Bulong nito sa sarili. Kinuha ang isang stick ng sigarilyo at sisindihan na sana ng may sumampal ng kanyang kamay kaya ito natapon sa lupa.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon