Kabanata 31.

42.8K 969 51
                                    

GUIA:

ISANG malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago lisanin ang sasakyan ni Fabian.

"Are you ready?" Hawak niya nang mahigpit ang kamay ko.

"Yes." Agarang sagot ko. Nasa labas kami ngayon ng hacienda. Lumabas ang mga katulong maging ang hardinero namin ay nag taka nang makitang magkahawak-kamay kami ni Fabian.

"Fabian ang mga tao." Tatanggalin ko na sana ang kamay ko nang mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak.

"Don't mind them." Seryoso n'yang sagot habang diretso ang tingin sa daan.

"S-Senyorita." Nakita ko pa ang isang katulong na malapit kay Sandra.

"Ang papa?" Ang mga mata nito'y gulat na gulat.

"N-Nasa loob po." Magsasalita pa sana s'ya nang hilahin na ako ni Fabian papasok ng hacienda.

"Guia Fabian?" Kaagad na bungad ni Sandra. Lumingon ang papa at nanlaki ang mga mata nito nang makitang magkahawak ang kamay namin ni Fabian.

"Anong ibig sabihin-" pinutol agad ni Fabian ang sasabihin ng papa.

"Hihingin ko ang kamay ng anak mo Fernan."

"What?" Tumayo ang papa mula sa pagkaka-upo at masamang tumingin kay Fabian.

"Alam mo ba ang sinasabi mo Fabian." Tila nagpipigil ito. Mas humigpit ang pagkakahawak ni Fabian sa 'king kamay. Hindi ito natinag sa masamang tingin ng papa.

"Alam ko ang sinasabi ko Fernan."

"Inaanak mo si Guia. Nahihibang ka na ba?"

"Nahihibang na nga siguro ako. Pero wala na akong pakialam sa sasabihin pa ng iba. I've made up my mind."

Lumapit ang papa at hinarap si Fabian. Doon ay mas lalong uminit ang tensiyon at mas kumabog ang puso ko.

"My God. Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan ko." Singit ni Sandra at sinamaan ko ito ng tingin.

Itinaas naman ng papa ang kamay nito para pahintuan si Sandra. Gustong-gusto ko nang patulan ang babaeng ito ngunit hindi ito ang tamang oras. Ano man ang magiging sagot ng papa ay nakahanda na kami ni Fabian. Itutuloy pa rin namin ang pagpapakasal.

Sandaling natahimik ang buong paligid. Tila nagpapakiramdaman na lamang kaming apat.

Huminga ng malalim ang papa at nagsalita.

"Mahal mo talaga ang anak ko Fabian?" Seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa mga mata ni Fabian.

"Mahal na mahal ko ang anak mo Fernan." At doon ay napangiti na lang ang papa na ikinagulat namin. Tumingin ako sa ekspresyon ng mukha ni Fabian na hindi pa rin mababakasan ng anumang emosyon. Naka-focus lamang ang atensiyon nito sa 'king ama.

"Mukhang wala na nga akong magagawa sa desisyon niyong dalawa." Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin iyon ng papa. Napahigpit pa lalo ang pagkakahawak ko sa kamay ni Fabian at ilang ulit na lumunok dahil sa panunuyo ng aking lalamunan.

"Pero ito lang ang sasabihin ko sa 'yo Fabian, huwag mong sasaktan si Guia. If you hurt my daughter I swear to God, I'll kill you." Nagulat ako nang magtawanan silang dalawa ni Fabian.

"Thank you pa." Yumakap ako sa 'king ama. Sawakas ay natanggap n'ya kami ni Fabian. Hindi naman na nakapagsalita pa si Sandra. Subukan lang talaga niya sirain ang magandang moment na ito.

Ilang araw ang inilagi namin sa hacienda. Kasalukuyan akong nag aayos ng mga bulaklak na kapipitas lamang.

"Ang gandang buntis mo naman." Boses ni Sandra ang bumungad sa 'kin.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon