Kabanata 23.

31.6K 806 86
                                    

TANAW mula sa malayo ni Fabian ang pagsama mismo ni Guia sa boss nitong si Mr. De Alegre. Nag tiim bagang ang binata at nag kuyom ang mga palad. Kaagad n'yang sinundan ang sasakyan habang tinutungga ang isang bote ng alak.

Bakas pa ang natuyong dugo nito sa kamao dahil sa kanyang pagbabasag kanina. Masama ang tingin nito sa itim na sasakyan na nasa kanyang harapan.

Makalipat ang trenta minuto'y huminto ang sasakyan sa mismong Villa ni Luther. Sa 'di kalayuan nama'y naroon ang sasakyan ni Fabian na kanina pa nakasunod sa mga ito. Pinatay n'ya ang makina upang hindi s'ya mapansin. Nag sindi rin ito ng sigarilyo habang masama ang mga tingin at tila pinapatay na si Luther sa kanyang mga mata.

Naunang bumaba ang matandang driver nito. Kasunod naman ang lalaking kanyang kinamumuhian. Kitang kita pa nito ang pag ikot ng lalaki papunta sa kabilang pinto at pinagbuksan ang kanyang pakay na si Guia. Napahigpit ang hawak ng binata sa kanyang manibela. Gustong-gusto na nitong basagin ang pagmumukha ni Luther.

Nakita n'yang inilahad nito ang kamay kay Guia upang alalayang makalabas. Mas lalo lamang s'yang nagalit nang makitang tinanggap naman ni Guia ang kamay nito at hinayaang s'ya ay alalayan.

Hindi alam ni Fabian ang kanyang susunod na gagawin. Wala s'yang balak na lumabas ng kanyang sasakyan nang mga oras na 'yon. Hanggang tingin lamang ang binata sa dalawa.

"What are you doing Guia." Masama na ang timpla ng boses ng binata. Ito ba ang dahilan kung bakit s'ya nakipaghiwalay? Ito ba ang dahilan kung bakit s'ya iniwan ni Guia? Tanaw din n'ya mula sa malayo ang malaking Villa ni Luther at s'ya ay napangisi.

Sa isip-isip ng binata'y pinagpalit na talaga s'ya ng tuluyan ni Guia dahil sa mas mayaman ngayon ang lalaking kasama n'ya.

Hindi na n'ya kaya pa ang mga nakikita. Lalo pa't magkadikit ang dalawang balikat ng dalawa habang naglalakad na papalayo at hindi na masagap pa ng kanyang tanaw.

Kaagad n'yang kinuha ang phone at tinawagan ang dalaga. Ilang ring pa lamang iyon ngunit kaagad na pinatay ang kanyang tawag. Napangiti ng mapait si Fabian sa ginawa ni Guia. Itinapon n'ya ang phone sa katabing upuan at kaagad na binuhay ang makina ng sasakyan tsaka ito pinaharurot paalis sa lugar na 'yon.

LUMIPAS ang tatlong taon…

GUIA:

"Papa ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko kayang pakisamahan si Sandra? Sige tatawag na lang ulit ako. I'm too busy." Pinatay ko na ang tawag at napayuko sa 'king mesa. Naging maayos kami ng papa nang maghiwalay kami ni Fabian. Nalaman n'ya ang nangyare sa relasyon namin kaya't sinadya n'ya ako sa Manila at kami'y nagkausap.

It's been 3 years since Fabian left. Kulang na lang ay ilublob ko na ang mukha ko sa trabaho para lang makalimutan s'ya.

"Tulala ka nanaman." Nagising ang diwa ko nang magsalita si Clarise ang katrabaho ko. Sa tatlong taon, simula nang mag- resign ako sa kompanya ni Fabian ay sinuwerte naman akong nakapasok sa isang unibersidad dito sa Manila. Oo, naging guro ako sa isang unibersidad. Lahat ay nag bago sa 'kin. Hindi ko sukat akalaing magiging guro ako.

"Uy Guia ayos ka lang?"

"I'm okay Clarise tinatapos ko lang ang lesson plan." Sabay hilot sa 'king batok. Nakakapagod din ang ginagawa ko ngunit ito naman talaga ang aking hilig.

"Gusto mo ba ng tulong?" Mabait na kaibigan si Clarise. Kung tutuusin ay malayong malayo ang ugali ko sa kanya. She's so kind at mahinhin. Malayong malayo sa Guia na katulad ko.

"It's okay matatapos na rin naman 'to. Wala ka bang klase ngayon?" Kaagad naman itong napatingin sa orasan.

"Maya maya may klase na." Nakangiti n'yang sagot. Inayos narin nito ang mga gamit at nagpaalam na aalis na. Naiwan naman ako sa faculty at itinuon ang pansin sa mga naiwang trabaho. Nawawala ang highlighter ko kaya binuksan ko ang maliit kong cabinet. Natuon ang pansin sa larawan na nakadikit doon. Larawan namin ni Fabian nang mga panahong masaya pa.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon