Kabanata 25.

32.7K 813 47
                                    


DAYS have passed when the party has ended. Iniwan n'ya akong lumuluha. Binalikan n'ya si Ashanti. Kaagad din akong umuwi ng Maynila matapos ang gabing iyon. Hindi na ako muling nagpakita kay Fabian. Hindi ko na rin sinabi sa papa ang dahilan ko kinabukasan nang magpas'ya akong umuwi na.

Inililigpit ko na ang mga gamit nang pumasok ang aming punong-guro. Magkakaroon kasi ng meeting mamaya para sa gaganaping Intrams ngayong papalapit na Mayo. May mga negosyante ring nakipag tulungan at nag donate sa aming paaralan para dito.

Bigla namang tumunog ang phone ko matapos nitong umalis. Tumatawag si Clarise na absent ngayon.

"Guia nakausap ko na si Ms. Corpel." Nagliwanag ang aking mukha sa magandang sinabi nito.

"Talaga. Nakaabot ba ang donation ko?"

"Oo. Tuwang-tuwa si Ms. Copel dahil marami kang natu-tulungang mga kapos-palad. Tinatanong nga n'ya kung kailan ka bibisita."

"Hindi na muna Clarise. Marami pa akong kailangang asikasuhin." Saglit lamang kaming nakapag usap at kaagad ko ring pinatay ang tawag.

Isa akong volunteer para sa isang Children Cancer Foundation. Kung saan lihim kong tinutulungan ang mga batang may sakit at hirap ang mga magulang para sila'y sustentuhan.

Walang nakakaalam ng lihim kong tulong kundi ang kaibigan ko lang na si Clarise.

Matapos ang isang nakakapagod na araw ay kinuha ko na agad ang susi ko. Sa Bulacan pa ako uuwi at kailangan ko nang umalis para hindi na ako maabutan ng trapiko.

Pagkalabas ko ng paaralan ay kaagad na akong pumasok sa loob ng kotse at nagmaneho. Pasado ala-sais nang makauwi ako ng Bulacan. Nakabili ako ng simpleng bahay dito na tamang-tama lang para sa isang tao. Malayong malayo ang bahay ko sa aming hacienda.

Lumabas ako ng sasakyan para buksan ang gate. Ganito ang araw-araw na gawain ko kapag galing sa trabaho. Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit mas pinili ko pa ang magtrabaho sa Manila.

Lumuhod ako at kinuha sa ilalim ng paso ang susi ng gate. Pagbukas ay kaagad na akong pumasok sa sasakyan at pinaandar ito papasok. Isinara ko rin ang malaking gate at pagod na pagod na pumasok sa loob ng bahay. Nanakit ang likuran ko marahil ay sa puwesto ko habang nagmamaneho.

Inilapag ko na ang bag ko at nagtungo sa malaking aquarium. May mga iba't iba akong alagang isda na araw-araw ko rin namang pinakakain. Kinuha ko na sa tabi ang pagkain nila at nag saboy na ako sa tubig. Nare-relax akong pagmasdan ang mga ito.

Totoo nga ang sinabi ni Clarise, nakakawala ng pagod ang mga isda. S'ya rin kasi ang nag-suggest sa 'kin na bumili ng isda para naman may kasama ako sa bahay. Allergic kasi ako sa mga mababalahibo kaya hindi p'wede ang aso maging ang pusa.

Papusod kong itinali ang buhok ko at saka nag tungo sa kusina para maghanda ng makakain. Hindi pa ako nakakapag grocery ng isang buong linggo kaya naman kumuha na lang ako ng oatmeal at 'yon ang niluto ko.

Matapos no'n ay dumiretso na ako sa kusina. Naupo sa sofa at binuksan ang TV. Mahilig naman akong manood ng mga teleserye habang kumakain. Palipat-lipat din ako ng palabas nang maisipan ko nalang na i-off ang TV.

Naghugas na ako pagkatapos kumain. Kaagad na rin akong umakyat para makapag linis ng katawan at makapag pahinga na.

I lay on my bed and wondering. I wonder if he still love me. Ni text ay wala akong natanggap mula kay Fabian. Sinadya ko pa namang ilagay ang kapirasong papel sa bulsa ng polo n'ya kung saan ay isinulat ko ang numero at address ko.

Ayokong mawalan ng pag-asa. Lalo na ngayong hindi pa naman s'ya natatali sa iba. Hindi ako makatulog, paikot-ikot lang ang ginawa ko sa kama hanggang naupo na ako. I think I have to drink a one glass of wine tonight. At iyon na nga ang ginawa ko.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon