Kabanata 14.

38.5K 922 81
                                    


Third Person's Pov

"ANO? Anong dahilan mo Fernan at ititigil natin pansamantala ang kasal?" Hindi makapaniwala si Sandra sa naging desisyon ng Nobyo.

"I can't tell you right now." Magulo ang isip ni Fernan. Mautak ang kanyang anak dahil alam niyang hindi siya makakatanggi sa alok nito.

"Hindi pwedeng ganyan. Maglilihim ka sa'kin?" Inis na nagsalita si Sandra.

"Sandra hindi ba sinabi ko na sa'yo na ayokong pinangungunahan?" Ugali talaga nito na ayaw na ayaw pangunahan ng ibang tao. Alam nga ni Guia kung paano makipaglaro sa ama kaya't napapayag niya ito sa kundisiyon niya.

Walang nagawa si Sandra kundi ang tumahimik. Magkasama nga sila sa iisang kwarto ngunit nanlalamig naman ang pakikitungo ni Fernan dito.

Tahimik lamang ang dalaga sa harap ng salamin habang nagpapahid na ng mamahaling lotion. Si Fernan ay nasa tapat mismo ng kanilang veranda at malalim ang iniisip habang umiinom ng mamahaling Brandy.

Nagtatampo si Sandra, hindi niya kasi akalaing pagsasalitaan siya ng gan'on ni Fernan.

SAMANTALA malaki ang pagkakangiti ni Guia habang nakatapat sa kanyang salamin sa silid niya. Matapos niyang kumain, maligo at magbihis ng pantulog ay nagsusuklay na ito ng kanyang mahabang buhok. Nakaplano sa utak ng dalaga ang lahat. Naghahanap na rin ito ng butas kay Sandra upang mas tumibay ang layunin na hindi matuloy ang pagpaplanong pagpapakasal.

Dumating ang araw ng graduation ni Guia, dahil sa mapera ang pamilya ay naging praktikal ang mga ito. Hindi sumipot ang dalaga sa pagmamartsa at kinuha lamang ang diploma. Wala naman ding pakialam ito dahil mas importante para sa kanya na nakapagtapos na siya.

Pagkauwi ng hacienda hatid hatid mismo ng pinagkakatiwalaang matandang driver ay sumalubong ang ama nito. Kaagad na pinaayos ang mga gamit ni Guia.

"Papa, gusto niyo na talaga akong umalis?" Kunot noong tanong ng anak.

"Tomorrow will be your first day of work." Ani nito. Agad agad namang dumating si Fabian kasama ang sekretarya niya. Hindi naman kasi ito umuwi ng Manila dahil hinintay niya ang boss upang sabay na bumalik. Hindi rin kasi ito nakabili agad ng ticket. Nag stay na lamang ito sa isang murang INN sa bayan dahil nahihiya siyang makitulog sa hacienda ng mga Bishop. Lalo pa na ang unica hija ni Mr. Bishop ay masama ang timpla sa kanya.

Nakabili na ng tatlong plane ticket ang papa ni Guia. Kasama siya sa pagbalik ni Fabian at Alison ang sekretarya nito sa Manila.

Hindi na maipinta ang mukha ni Guia dahil sa malaki ang inis nito para kay Alison. Ayaw niyang makasama ang dalawa dahil masisira lang ang araw niya.

Kinuha na ng katulong ang bagahe ni Guia na inutos ng ama nito. Agad agad na ipinasok sa sasakyan ni Fabian at ang driver nila mismo ang magmamaneho. Matagal na rin ang sasakyan ng binata dito sa Cebu at ngayon na lang halos nagamit. Nakatambay lamang kasi ito sa garahe ng mga Bishop.

"Mag iingat ka. Call me when you arrived." Paalala ng ama. Hindi naman na nagsalita pa si Guia. Ayaw niyang makapag bitaw ng hindi maganda sa ama lalo na at aalis na siya ng hacienda. Bagong mundo ang nag aantay sa kanya sa syudad.

Hinalikan ni Fernan ang anak sa noo at niyakap. Gusto niyang mapabuti ito at nakakasiguro siya na magiging maayos ang kalagayan ng anak kay Fabian ang matalik niyang kaibigan.

"Hindi ka papabayaan ng Ninong mo at please wag kang magpasaway. Wag mong pasasakitin ang ulo nito. Napaisip naman si Guia, sa katunayan nga hindi naman talaga sumasakit ang ulo ni Fabian sa kanya. Ibang ulo ang nasa isip.

"Nakikinig ka ba?" Pukaw sa kanya ng ama. Ito nanaman ang pag takbo ng kanyang utak. Pilitin man niyang kalimutan si Fabian ay natatagpuan pa rin niya ang sarili na ito pa rin ang iniisip.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon