Kabanata 9.

50.5K 1.1K 70
                                    

'I crave intimacy, not just your body.'

BIYERNES ng gabi. "Are you sure you don't want to go to my place?" Ani ng isang babaeng nakatodo dikit kay Fabian. Kasalukuyan silang nasa bar at malakas ang tugtugin. Nakailang tungga na ng alak ang binata habang nakatingin sa malayo. Hindi nito pinapansin ang pangungulit ng babae dahil iisa lang ang nasa isip niya. Iyon ay walang iba kundi ang anak ng kanyang matalik na kaibigan si Guia. Nag tiim bangang ito, paulit ulit na rumirihisto sa kanyang isipan ang binitawang salita sa kanya ng dalaga.

Napukaw ang atensiyon ng binata nang pisilin ng babae ang kanyang hita. Nilingon niya ito, isang babaeng maganda at nakakalibog ang pangangatawan. Ubod ito ng ka-sexy-han na patitigasin ang armas ng mga kalalakihan. Malandi itong sumulyap kay Fabian at idinikit ang mga labi sa tainga ng binata.

"Tara na?" Pag aaya nito. Napangisi na lang ang binata dala ng kalasingan. Kung bakit ba kasi sa dinami dami ng babae sa mundo ay anak pa ng kanyang matalik na kaibigan ang kinahuhumalingan. Hindi naman ito gan'on dati ngunit nang kanyang makita ang dalaga'y hindi niya maikakaila sa sarili ang kakaibang atraksiyon para dito.

Para kay Fabian ay mapanganib si Guia. Noon pa man nang makilala niya ito ay hindi niya maiwasang hindi tapunan ng tingin ang dalaga. Sino nga bang kalalakihan ang hindi mahuhumaling sa angking ganda ni Guia? At iyon ang siyang nagpapahirap ngayon sa kalooban ni Fabian.

"Pasasayahin kita. Alam ko namang may pinag dadaanan ka." Ang babaeng kanina pa nangungulit sa binata'y may kamandag ring taglay. Kung titigna'y para itong si Aphrodite ng Mitolohiyang Griyego. Maganda ang hubog ng pangangatawan, maputing-balat, maliit ang hugis ng mukha nito at kung titigna mo ay babagay sa matangos na ilong at maliit na mga mata.

Inalis ni Fabian ang pagkakahawak sa kanya ng babae. Muling lumagok ng alak at pinahid gamit ang likuran nitong kamay ang bibig. Namumula na ang tainga ng binata dahil sa kalasingan. Tinanggal na din nito ang dalawang butones nang makaramdam na ng init dala ng alak.

Hindi niya pinansin ang magandang babaeng nakasuot ng pulang maiksing damit at sa halip ay pagewang gewang itong lumabas ng bar. Pagkalabas ay nakatingin lamang ito sa kanyang kotse at may napansin. Nadoon lang naman ang babaeng kanina pa niya iniisip.

Nakabusangot na ang mukha ni Guia habang nakasandal sa kotse ni Fabian. Pinag krus nito ang dalawang braso at masamang nakatingin sa gawi ng binata. Pano naroon lang naman ang babaeng kanina pa nangungulit sa binata. Nanlaki naman ang mga mata ni Guia nang makita niyang kinuha ng babae ang kamay ni Fabian at inilagay sa balikat niya.

Hindi nakapag pigil si Guia at kaagad nitong sinalubong ang dalawa. Padabog niyang inalis ang kamay ni Fabian sa balikat ng babae na ikinagulat nito.

"Oh gulat ka? Kilala mo ba 'to?" Turo ni Guia kay Fabian. Hindi naman nakapag salita ang babae sa pagkagulat.

"Do I know you?" Takang tanong pa nito.

Kukunin pa sana ng babae ang kamay ni Fabian para hilahin nang hagpasin ito ni Guia na siyang dahilan ng kanyang pag daing.

"Ouch!" Namutla na ito sa takot.

"Ngayon makikilala mo kung sino ako." Hindi naman nakapag salita ang binata na ngayo'y titig na titig lang kay Guia.

"Umalis ka na bago pa kita makalbo." Napatakbo naman sa takot ang babae at naiwan ang dalawa. Sinamaan ni Guia ng tingin si Fabian. Kung bakit naman kasi may kasama itong babae sa isip isip niya.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon