Kabanata 13.

38.3K 996 83
                                    


Guia:

NATAUHAN ako bigla at tinanggal ang pagkakayakap niya at umiwas.

"Seryoso ka ba diyan sa ginagawa mo? Kasi sinisira mo na ang buong pagkatao ko." Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi na ako makakapayag sa gusto niya dahil alam ko naman kung ano talagang habol nito.

"Why are you doing this? Sinabi mo na nga diba, sinabi mong hindi ikaw ang para sa'kin. Tapos ngayon nandito ka para saan? Maglabas ng init ng katawan mo? Fuck! I'm done with you!" Ayoko na ng paligoy ligoy. Hindi ko ugali ang magpakatanga. Wala sa bokabularyo ko ang magpaka martir.

"I don't think if I can let you go. Pinilit kong lumayo muna at mag isip-isip dahil alam kong hindi tama. This is not right to think na nasa pamamahay ako ng bestfriend ko at nakikipagtalik sa nag iisa niyang anak. But damn! This is so insane! Ang hirap mong kalimutan. I can't get rid you out of my head!"

Saglit kaming natahimik na dalawa. Magkatalikuran kami sa magkabilang bahagi ng kama. Walang gustong magsalita hanggang sa maramdaman ko ang pag gaan ng kama hudyat para malamang tumayo ito. Narinig ko ang ilang pagyapak ng kanyang mga paa at papalayo na ito sa'kin. Napahinga ako ng malalim nang madinig ang pintuan ko na bumukas at sumara.

Napahawak ako sa'king mukha, nawala ang gutom na nararamdaman ko. Para bang nawalan ako ng gana sa lahat.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising para tumakbo sa labas. Gusto kong mag libang at baguhin ang aking sarili. Suot ko na ang sapatos ko pang takbo. Ikinabit ko na rin ang wireless earphones at ibinulsa may kaliitan at manipis na ipad. Sa'king paglalakad ay wala akong ibang maririnig kundi ang maingay na mundo ng musika.

Nadaan ko pa ang papa at si Sandra, kumakain na sila ng almusal. May sinasabi pa sa'kin ito ngunit tumango lang ako at sumenyas na tatakbo lamang. Hindi ko siya nakita ngayon, baka naman pinuyat ng secretary niya. Hay ano nanaman ba Guia bakit siya nanaman ang iniisip mo? Kailangan ko na siyang kalimutan dahil hindi tamang umasa. Hindi tamang kumapit kung alam mong wala ka namang kakapitan.

Malayo layo na rin ang natakbo ko at tumatagaktak na ang sariling pawis. Huminto ako at napa hawak sa magkabilang tuhod. Hingal na hinga ako dahil sa layo ng tinakbo na walang hinto hinto. Nagsimula akong maglakad habang pinupunasan ang pawis sa'king mukha.

Maya maya lang ay nakarinig ako ng ugong ng sasakyan mula sa'king likuran. Nilingon ko ito at nakita ko ang sasakyan niya. Napatabi ako at dumaan lamang ito sa harap ko ng walang hinto hinto.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang sekretarya niya na kasama niya, habang siya'y hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Alam kong galing sila ng hacienda kaya hindi na niya maitatago sa'kin ang totoong nangyare. I know, he slept with her. What's new? He's a womanizer.

Hinabol ng aking mga mata ito kahit na papalayo na. Hindi ako nakagalaw at patuloy lang sa pagtanaw dito mula sa malayo hanggang sa hindi ko na ito matanaw pa. Napatingala ako sa kalangitan, mabuti na lang at nalaman ko ang katotohanan. Sino bang magtitino sa'yo Guia? Kaliwa't kanan ang babae niya at hindi mo na 'yon mababago pa.

Takbo lang ng takbo ang isip ko. Ayoko munang bumalik ng hacienda at gusto kong mapag isa. Naglakad lakad pa ako hanggang sa makaabot sa bukid. May mga malalaking puno roon at pwede kong tuluyan para makapag pahinga. Matapos kong mag punas ng pawis ay naupo na ako sa gilid ng malaking puno ng mangga. Tahimik, walang katao tao nang mga oras na 'yon. Tahimik ko lang din na pinagmamasdan ang mga alaga naming hayop. May mga kambing mula sa malayo at sakop pa rin ito ng aming pag aari.

Tuyong mga dahon ang inuupuan ko, nilatad ko ang tuwalya na may kalakihan para makahiga. Natuyo na rin ito sa simoy ng hangin. May maliit akong pouch bag na nakakabit sa beywang ko at naroon ang pampalit kong damit. Kinuha ko na ito para makapagpalit ng tuyo at hindi matuyuan mismo sa katawan.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon