Kabanata 10

13.3K 619 22
                                    

Nagising ako kinaumagahan na wala sa silid na ibinigay sa akin kung hindi nasa silid-aklatan. Dito pala ako nakatulog kagabi ng hindi ko namamalayan. Natapos kong basahin ang tala-arawan ni Patricio. Malinaw na nagkaroon siya ng asawa. Isang binibini na galing kabilang bayan na hindi ko kilala. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki bago namatay ang kanyang asawa. Ang Del Castillo ay nagpatuloy. Wala ng tala para kay Nicolas. Hindi ko alam kung pati silang magkapatid ay nagkaroon ng alitan. Malinaw na si Patricio ang ninuno nila Isabelle, Patrick at Nicolo.

Mainit ang ulo ko ng lumabas ako ng silid-akalatan. Nagkagulatan pa kami ni Nicolo ng paglabas niya ng kanyang silid ay padaan ako sa tapat nito. Hindi ko na siya tatawaging Nicolas dahil masamang tao ang may ngalan noon.
"Aga mong nagising." Wika niya.
"Nakatulog ako sa silid-aklatan." Sagot ko. "Saan nga ulit ang aking silid?"

Tinuro ni Nicolo ang silid sa dulo. "Salamat."
"Cat, ayos ka lang?"
Malungkot akong tumango at naglakad patungo sa aking silid. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako para sa kakahantungan ng buhay ko.

Pinilit kong magpakatatag at nagtungo sa palikuran. Bakit walang tabo? Ano ang gusto nilang gawin ko? Sumahod sa poso?

Lumukob na naman ang inis ko at nagmamadali akong lumabas ng akin silid. Si Nicolo ay pababa na ng hagdanan ng madaan ko.
"Uy, problema mo ba? Ang lakas ng yabag mo."
"Walang tabo sa aking palikuran. Paano ako maliligo?"
Napamaang si Nicolo sa akin. "Mayroong shower sa toilet mo."
"Ano?"
Lumarawan muli ang pagkainis sa mukha niya. Diyos ko, kamukha niya si Nicolas talaga. Kaawaan ka, Nicolo.
"Halika nga, ituturo ko sa iyo."Hinawakan ni Nicolo ang braso ko na ikinalaki ng aking mata. Wala pang lalaki ang nakakahawak sa akin maliban. Nanayo ang balahibo ko sa braso at gusto kong maihi ng hindi oras. Hinila ako papasok ni Nicolo sa loob ng aking silid.

"Teka, tampalasan ka. Hindi ka maaring pumasok sa silid ko."
Naiirita siyang binitawan ang braso ko. "Kung hindi ka ba naman ignorante, para kang matanda sa sinauna. Cat, kailangan mo talagang magpatingin sa utak. Nababaliw ka na." Singhal niya.
"Hindi mo naiintindihan ang lahat kaya tumahimik ka. Kung nais mo akong tulungan, sige pumasok ka ngunit hindi ako mapapag-isa sa silid kasama ka."
"Ano naman ang masama kung tayong dalawa lang sa kwarto? Parang gagahasain kita kung umasta ka." Wika niya na ikinasinghap ko.
"Aba't, wala ka talagang modo na tao ka. Hindi lahat ng babae ay yuyuko sa paanan mo. Hindi ako magkakasala para lamang maipakita na tama ang aking pananaw. Hindi lahat ng babae ay mababang uri gaya ng..."

"Gaya nino?" Nagtagis ang bagang ni Nicolo. Doon bumukas ang pintuan ng kanyang silid at lumabas si Antonia na nakatapis lamang ng kumot.
"Nariyan ang iyong sagot." Sinalubong ko ang kanyang tining dahil kamukha niya si Nicolas at ang tampalasan na babae ay kamukha ni Antonia.

"What is happening?" Tanong yata ng babaeng walang pinag-aralan at lumabas ng nakatapis lamang.
"Get back, Antonette." Sigaw ni Nicolo.
"Maraming salamat na lamang Nicolo sa tulong. Mukhang hinahanap ka na ng kasama mo magdamag sa iyong silid." Pumasok ako ng aking silid at pinasaraduhan si Nicolo ng pintuan. Narinig kong bumalibag ang pintuan niya.

Hinanap ko kung paano gamitin ang palikuran na ito. Nagulat pa ako ng biglang bumuhos ang tubig sa aking ulunan. Napatalon ako sa lamig ng tubig. Nagpihit pa ako ng tubo at saksakan naman ng init ang lumabas.

"Punyeta," Nasabi ko na lamang hanggang na natutunan ko ang tamang paggamit ng tinatawag nilang shower sa loob ng isang oras. Nakapaligo din ako pagkatapos ng isang oras.

Inilagay ko sa isang lalagyan ang basang damit na ipinampaligo ko. Nakabalot pa ng tuwalya ang buhok ko at nakasuot ako ng mahabang saya at kamiseta ng lumabas ako ng aking silid dala ang aking mga labahin.

"Uy Cat, saan ka pupunta?" Tanong ni Isabella ng madaanan ko siya sa kanilang tanggapan ng bisita.
"Maglalaba. Nariyan pa ba ang bisita ninyong nakatapis lamang ng kumot kung magbukas ng pintuan?"
Sinundan ako ni Isabella papanaog ng hagdanan.
"Uhmm Si Antonette? Wala na. Nagtalo yata sila ni Kuya na ikinagising mga buong bahay ang lakas ng pagbagsak ng pintuan earlier." Sagot niya.
"Ahhh, umalis na ba ang talipandas." Dere-deretso ako sa likod bahay ng pigilan ako ni Isabella sa balikat. Si Patricio ay nakaupo sa lawa.
"Saan ka ba maglalaba?" Tanong ni Isabella.
"Siyan sa lawa." At itinuro ko ang lawa na puno ng tubig.

Nagtawanan ang magkapatid.
"Hindi yan lawa. Pambihira." Hinila ako ni Isabella papasok sa loob ng bahay.
"Swimming pool yan. Huwag kang maglaba diyan." Wika niya habang naiiyak sa kakatawa.
"Hinda ba lawa iyan?" Nagtatakang tanong ko.
Tumatawa siyang umiiling. "Hindi. Papatayin ka ni Kuya kapag naglaba ka diyan."
Napahawak ako sa leeg ko.
"Masyado namang mainitin ang ulo ng iyong kapatid."
"Biro lang iyon. Ikaw nga lang nakakapagpayamot kay Kuya. Well, pati si Antonette kanina. Mabait si Kuya." Tuluyan na akong nahila ni Isabella at dinala sa kusina.

"Manang, pakikuha nga po ang mga damit na ipapalaba ni Cat." Wika ni Isabella sa muchacha.
"Ay hindi na. Ako na ang maglalaba. Kaunti lamang ito at kayang kusutin."
"Naku, batang ito. Akin na nga at huwag kang magkusot." Inagaw ng matandang tagapaglingkod ang dala kong basang damit.

"Kumain ka na ba? Mukha kang puyat."
Mukhang natakot si Isabella na bitawan ang kamay ko at baka maglaba ako sa lawa na tinatawang nilang swimming pool.
"Hindi pa ako kumakain." Sagot ko.
"Halika, kain na tayo. Sabay na tayo. Gusto mong maligo sa pool?" Tanong ni Isabella.
"Hindi ko marunong lumangoy. Mukhang malalim ang... tubig."

Hawak pa rin ako ni Isabella hanggang sa makaupo kami sa tapat ng lamesa sa tabi ng swimming pool.

"Cat, ano? Maglalaba ka ba?" Biro ni Patricio.
"Malinaw pa ang tubig masarap magbanlaw."
Natatawa akong umiling.
"Baka ako ay kitilan ng buhay ng iyong masungit na kapatid." Sagot ko.
At ang demonyo, biglang lumabas ng bahay na nakasimangot.
"Sino ang masungit?" Tanong nito.
"Lagay naman silang dalawa?" Patuyang sagot ko.

"Ikaw, nabagok ka lang, dumaldal ka. Dati, hindi ka naman nagsasalita ah." Sabi nito at umupo sa tapat namin ni Isabella. Naglabas ng pagkain ang mga muchacha at inilapag sa harapan namin.
"Baka nahanap ko ang aking tinig sa mula sa paanan ng hagdanan." Patuya ko muling sagot.
"At sumobra ka sa opinyon, ganoon ba?" Naningkit ang mga mata ni Nicolo.
"Aling opinyon ba ang tinutukoy mo? Doon sa iyong kasintahan na madulas pa sa isdang hito? Isama mo siya sa simbahan at maligo kayo ng agua bendita, makasalanang nilalang."

"Okay, kain na tayo." Pigil ni Isabella sa ano mang sasabihin ni Nicolo.
"Subukan mo itong bacon. Baka hindi mo pa natitikman." Pinuno ni Isabella ng pagkain ang pinggan ko. Si Nicolo ay masama pa rin ang tingin sa akin.
"Kahit titigan mo ako ng masama, hindi ako magliliyab. Kumain ka na, masamang pinaghihintay ang pagkain." Wika ko at nag-antanda ako ng krus.

"Bendícenos, Señor, por estos dones que estamos a punto de recibir de tu generosidad por medio de Cristo nuestro Señor. Amén" (Pagpalain kami, Panginoon, para sa mga kaloob na ito na matatanggap namin mula sa iyong kabutihang-loob sa pamamagitan ni Cristo na aming Panginoon. Amen.)

Nakatingin sila sa akin pagkatapos kong magdasal.
"Kain ka." Wika ko at sumubo ng mga pagkain na ibinigay ni Isabella.
"Kay sarap naman ng mga ito. Ano nga uli ang tawag?" Tanong ko kau Isabella.
"Bacon."
"Ahhh, bukas muli, ganito lagi."

Si Nicolo ay nakasimangot habang sumubo ng bacon.
Mabulunan ka sana. Piping dalangin ng isip ko at ang Panginoon ay naghimala ng mabulunan si Nicolo at kinuha ang baso sa aking tapat. Baso ko iyan eh! Magaling ka talaga.

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon