Kabanata 19

11.3K 559 38
                                    

Nang sumikat na ang araw at hindi na namin kinaya ang init nito, nagyayang umuwi sa kanilang tahanan si Nicolo.

"Handa ka ng mag-practice ng sayaw?" Tanong niya.
Nalilito akong tumango kahit hindi ko naunawaan ang ilang salita na ibig niyang sabihin.

Nagtataka man ako at maging si Manang ay naguguluhan ng hintayin akong umakyat ng hagdanan ni Nicolo. Muli... ako ay nagtaka ng pagbuksan niya ako ng pintuan sa silid-aklatan.

"Ano ang nangyayari sa iyo?" Tanong ko sa kanya ng kami na lamang dalawa sa aklatan.
Lumapit siya sa kanyang mga gamit at nagpatugtog muli ng isang malamyos na awitin.
"Wala akong sakit, Cat." Tugon niya.
Unti-unti siyang lumapit sa akin at gaya kahapon ay kinapos ako ng hininga ng hawakan niya ang aking baywang at kamay.

"Sa balikat ang kamy, Cat." Paalala niya sa akin. Nilagay ko ang nanlalamig na kamay sa kanyang balikat at tumingala sa kanyang mga mata.

"Ang una mong ihakbang na paa ay kanan habang ako naman ay kaliwa." Wika niya. Marahan akong tumango. Marahil sa mga oras na ito, kahit anong sabihin niya ay tatango na lamang ako. Nalulunod ako sa kanyang mga mata at sa amoy na parang natural at nababagay sa kanya.
"Sabayan moa ng aking paghakbang, Cat."
Tumango muli ako. Humakbang patalikod si Nicolo ngunit hindi ako nakagalaw.

"Cat?" Nagtatakang tawag niya sa aking pangalan.
"Ha?"
"Sundan mo ako." Wika niya ulit.
Nakailang iling ako bago ko naintindihan ang gusto niyang iparating sa akin.

Humakbang muli si Nicolo at sinabayan ko ang kanyang galaw.

"Ngayon, ang susunod mong ihahakbang ay ang kaliwang paa mo. Sabayan mo lang ako at ang kanta." Ang sabi niya. Umulit muli kami sa umpisa ngunit ngayon ay nakadalawang hakbang na kami.

"Pinagkakatiwalaan mo ba ako, Cat?" Tanong niya sa akin ng tumayo muli kami ng magkaharap sa gitna ng silid habang umaawit ang isang lalaki na sanay naiintindihan ko ang kanyang inaawit.
"Bukod kay Tala, ikaw ang piangkakatiwalaan ko sa panahon na ito, Nicolo." Matapat na sagot ko sa kanya.

Ang aming mga katawan ay mas lalong pinagdikit ni Nicolo. Kinakabahan ako nab aka marinig niya ang tibok ng puso ko.
"Sabay mo lang ang kanta. Hindi kita bibitawan." Bulong niya sa akin.

At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ang sayaw na itinuturo ni Nicolo ay naisayaw ko ng hindi siya natatapakan.

Nang masiguro ko na malapit na mulign matapos ang awitin, bumitaw na ako kay NIcolo ngunit hindi niya ako binitawan. Nakatayo kami sa sild-aklatan na hawak-hawak pa rin niya ang baywang at kamay ko.

"Ganoon lamang ba ang sayaw?" Nahihiyang tanong ko.
Ngumiti siya at umiling. "Hindi pa kita naiikot." Sagot niya.
Binitawan niya ang baywang ko at inikot ng kaunti bago muling humawak sa baywang.

"Cat,"
"Hmmm?"
"Don't fall for him."
"Hindi kita maunawaan." Bulong ko.
Huminga ng malalim si Nicolo at parang nanghihinayang na bumitaw sa akin.
"Bukas naman ulit." Saad niya.
"Salamat. Bukas muli."

Tumalikod ako at paalis na ng silid ng pigilan ako ni NIcolo. Hawak niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya. Muntik na akong matumba kung hindi ako napahawak sa kanyang matipunong dibdib.

"Gusto mong ice cream?"
Hindi ko muling naintindihan ang kanyang tanong sapagkat nakahawak ako sa kanyang matipuno... nasabi ko na bang matipunong dibdib? Napatango na lamang ako bilang sagot.
"Halika ka na. Bili tayong ice cream."
Nauna siyang maglakad hawak ang kamay ko.

"Nicolo, sandali lamang."
Pigil ko sa kanya bago makalabas ng pintuan.
"Ano yun?" Tanong niya.
"Hindi mo ba nararamdaman ang lumagapang kapag magkadaupan ang ating mga kamay?"
"Ito?" Itinaas niya ang kamy ko na hawak niya.
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Nararamdaman." Wika niya.

"Bakit sayo ay mayroon samantalang kapag iba ang may hawak ng aking kamay ay wala naman?"
Kumunot ang noo ni Nicolo.
"At sino ang nakahawak na sa iyong kamay magaling na babae?" Tanong niya na ikinaikot ng aking mga mata.
"Si Isabella. Ang aking ina. Ang nag-ayos ng aking buhok...."
"Ahh... Akala ko naman kung sino." Huminga ng malalim si Nicolo.
"Kapag may naramdaman kang kagaya nito kapag nahawakan mo ang kamay ng isang tao, sabihin mo sa akin."
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"So I can kill him." Sagot niya.
"Ano?"
"Para makilala ko." Pag-uulit niya sa sagot.
"Ahhh... Bakit nga may gumagapang sa kamay ko kapag hawak mo?" Pag-uulit ko sa tanong ko.
Hindi ako sinagot ni Nicolo. Nakangiti lamang siyang lumabas ng silid.

"Nicolo..."
Habol ko sa kanya. Nanghihinayang ako na binitawan na niya ang aking kamay.
"Hindi ako mahilig tumakbo kaya huwag mo akong paghabulin sayo." Hinampas ko siya sa balikat.
"Ay grabe ka. Binubully mo agad ako."
"Hindi kita maunawaan." Kulang na lamang ay sabunutan ko ang sarili ko dahil sa inis.
"Ako rin naman, hindi ko maintindihan ang sarili ko." Sagot niya. Pinindot pa ang ilong ko.
"Ipapaliwanag ko sa iyo kapag naintindihan ko na. Sa ngayon, pwede bang huwag ka munang mag-isip pa?"

"Pangako mo iyan?"
"Pangako. Sasabihin ko sa iyo kapag naintindihan ko na." Wika niya.
"Halika na. Mag-ice cream na tayo."
"Ano ang ice cream?" Usisa ko.
"Hay... basta. Sumama ka na lang." At muling hinawakan ni Nicolo ang aking kamay. At gaya ng nangyayari sa tuwina, may kakaibang pakiramdam na gumagapang sa tuwing magdadaiti an gaming mga palad.

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon