Kabanata 12

12.5K 582 11
                                    

"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?" Naguguluhan pa rin si Nicolo?
"Hindi ka pa rin naniniwala, Nicolo?" Naiinis na tanong ko.
Napadukmo siya sa lamesa at inuntog-untog ang noo ng bahagya.
"Kung ganoon, paano kang? Si Cat?..." Hindi maapuhap ni Nicolo ang gustong sabihin.
"Ang inyong kaibigan ay nasa katauhan ko. Ako si Catalina, ang unang Catalina Montemayor." Malapit ko ng sakalin si Nicolo sa inis.

"Cat, baka kailangan mong makita si Matt para hindi matuloy ang kasal mo?" Hindi siguradong mungkahi ni Isabella.
"Si Matt?" Tanong ni Nicolo.
"Si Matt or Mateo noong panahon niya, siya talaga ang gusto ni Catalina. Kaya nga siya napunta dito ay dahil sa kanya." Paliwanag ni Isabella.
Tumango ako. "Iniibig ko si Mateo."
"At si Matt ay si Mateo?" Tanong ni Nicolo sa kapatid na ikinatango ni Isabella.
"Sigurado ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nicolo sa akin.

"Iniibig ko si Mateo. Minamahal ko siya." Puno ng damdamin na wika ko.
Tumawa ng malakas si Nicolo at nangangati ang kamay kong batuhin siya mga libro.
"Hindi ka papansinin nun. Tingnan mo nga yang suot mo. Daig mo pa mga kasambahay namin sa haba ng saya mo." Panlalait ni Nicolo.

Nagpigil ako ng sarili na magsalita ng hindi maganda. Huminga ako ng malalim para kumalma.
"Nicolo, hindi ba mas maigi na napapalingon ang mga kakalakihan sa isang babae kahit mahaba ang suot nito?"
"Sya nga naman, Kuya." Sulsol ni Isabella.
"Alam mo Catalina, hindi ganyang kabadoy ang gugustuhin ni Matt. Matuto kang mag-ayos ng naayos sa panahon na ito." Pang-iinsulto ni Nicolo sa akin.
Nanlaki ang mga butas ng ilong ko.

"At dahil diyan, ako ng bahala kay Cat." Sabat ni Isabella at lumahad ng kamay sa kapatid.
"Bakit sa akin ka manghihingi?" Tanong ni Nicolo.
"Kanino na dapat?" Manghang tanong ni Isabella.
Umikot ang mga mata ni Nicolo at inabot ang piataka sa likuran ng suot na pantalon. May kung anong inabot kay Isabella na labis na ikinatuwa nito.

"Let's go Cat. We will make you so hot even Kuya will burn." Sabi ni Isabella sa akin.
"Ano iyon?" Tanong ko sa kanya.
"Thanks Kuya. I will make mayself hot too." Sigaw ni Isabella habang kinakaladkad niya ako pabalik sa aking silid.
"Magpalit ka muna ng damit, Cat." Nagsimulang maghalungkat si Isabella sa aparador. Naglabas siya ng pantalon at naghanap ng maliit na kamiseta.

Nagtalo kaming dalawa at sa bandang huli ay napasunod niya rin ako.

Nagpunta kami sa isang malaking gusali at dinala niya ako sa isang lugar na tinatawag niyang Salon.
"Hello, my dear. This is my friend Cat. She's from Spain. Cat siya si Amanda sa gabi." Wika ni Isabella na ikinatawa niya at ikinaikot ng mga mata ng Binibini na kaharap namin.
"Amanda, ikaw na bahala kay Cat. Pagandahin mo siya ng bongga. Hindi siya marunong mag-english, Spanish at tagalog ang alam niya so magtagalog ka, okay." Bilin ni Isabella.

"Saan ka pupunta?" Nag-aalang tanong ko kay Isabella.
"Matagal yang make-over mo. Ako ng bahalang mamili ng mga damit mo. Babalikan kita."
"Huwag moa kong iwan dito." Wala akong pera na ibabayad sa kanilang serbisyo.
"Huwag kang mag-alala, Cat, ako ng bahala sa iyo." Hinila ako ni Amanda palayo kay Isabella at pinaupo sa isang upuan sa harapan ng salamin.


Bakit ganoon kalaki ang boses ni Amanda? Para siyang si Mang Kanor na taga ibayo.

"Tanggalin natin iyang pagkakatali mo sa buhok mo."
Hinila nga ni Amanda ang pagkakapusod ko sa aking buhok, dahilan upang lumadlad ito.
"Gagawin kitang dyosa, Catalina." Sabi nito at may kinang ang kanyang mga mata.

Sumunod ako kay Amanda ng pahigain ako sa isang upuan at iladlad ang aking buhok sa isang lababo. Inaantok ako habang ginuguguan niya ang aking buhok. Pagkatapos ay pinaupo niya ako muli sa harapan ng salamin at sinumulan ang kung ano man ang kanyang gagawin.

Nilagyan niya ako ng mga pamahid sa buhok na kulay ginto. Umaawit at sumasayaw siya habang unti-unting napupuno ang buhok ko ng palara. Pakatapos ni Amanda na lagyan ng kung ano ang aking buhok, ihiharap niya ang upuan ko sa kanya at pinakatitigan ang aking mukha.

"Ang ganda ng pilik-mata mo. Naka-extension ka ba?" Tanong niya.
"Ano?"
Akala ko ay kung ano ang gagawin ni Amanda ng unti-unting dumaiti ang kanyang daliri sa aking pilik-mata.
"Amazing. Tunay ang pilik mata mo."
"Oo naman. Mayroon bang hindi tunay?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Muntik na akong mapasigaw ng tinanggal ni Amanda ang kanyang pilik-mata. Napa-antanda ako ng krus. Hesus na mahabagin.
"Pati ba ang mata mo ay tunay?"
Natatakot akong tumango sa kanya.
"Parang honey ang mata mo. Sobrang light. May lahi ka ba?"
"Ano ang ibig mong sabihin?" Nag-aalangang tanong ko.
"Kung half-half ka." Sabi nito.
Nakunot ang nook o sa sinabi niya. Ano ba ang ibig nitong sabihin?
"Sa aking ama ko nakuha ang kulay ng aking mata. Isa siyang mestizo." Paliwanag ko.
"Ahhh... Kaya pala."

Maiyak-iayak ako sa ginawa ni Amanda sa aking kilay. Bakit ba kailangang bunutan pa ang kilay ko? Panginoon ko, ano bang parusa ito?

Hindi pa siya nakuntento at pinahiga niya pa ako sa isang kama. Pinaghubad ng damit at pinasuutan ng roba. May nilagay siyang kulay pulot sa aking hita at mabilis niya itong tinanggal. Halos masipa ko si Amanda sa sakit.

"Tama na." Pakiusap ko.
"Ganyan talaga. Tiis ganda lang." Sabi niya pa.
Parang may daang karayom na tumutusok sa akin sa bawat paglagay niya ng kulay pulot na krema na iyon. Nang masiguro niyang wala ng ni isang buhok sa hita at binto ko, pinatayo ako ni Amanda.

"Ngayon, patingin ng kili-kili mo."
Umiiling akong itinago ang kili-kili ko. "Wala akong buhok doon."
"Talaga? Patingin."
Kasinglakas talaga ng lalaki si Amanda ng hilahin niya ang kamay ko at itaas ang kili-kili.
"Ahh, makinis at maputi." Sabi nito.

"Ngayon naman Cat, hubarin mo yang panti mo. Sa bikini area naman tayo." Utos ni Amanda at pinahiga ulit ako.
"Ano?" Nagtatakang tanong ko.
Aba't ang bastos na ito, tinuro ang bulaklak ko na nagtatago sa roba.
"Tatanggalin din natin iyan.." Nanlaki ang mga mata ko.
"Laser na ang gagamitin ko sa iyo kaya hindi masakit. Magbuhad ka na." Sabi niya.
Nanlalaki ang mga mata kong umiling.
"Hindi ba uso sa Spain ang laser? Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka naggugupit? Ano ka, hito?" Sabi nito. Panginoon ko? Bakit kailangang gupitan iyon? Hindi ba proteksyon iyon?

Kahiya-hiya ang inabot ko ng makita ni Amanda ang kaloob-looban ko. Wala naman siyang sinabi sa akin ngunit para akong mamamatay sa hiya lalo na ng pinabukaka niya ako. Bakit? Bakit kailangang tanggalin ang buhok dito? Hindi ko maintindihan.

Pagkatapos akong mapahiya kay Amanda ay pinabalik niya ako sa harapan ng salamin. Tinanggal niya ang mga palara sa aking buhok at binanlawan muli. Pagkatapos ay kukulutin niya daw ito. Ilang oras akong nakaupo sa harapan ng salamin at sa wakas ay unti-unti ng inaalis ang mga nakalagay sa buhok ko. Si Isabella ay bumalik na may mga dalang papel na lalagyan.

"Wow, gusto ko ang kulay, infairness." Sabi niya.
Nakapikit ako at natatakot sa kung ano ang aking magiging itsura.
"Buksan mon a ang mga mata mo, Cat." Masayang wika ni Isabella.

Unti-unti akong nagmulat at hindi ko namukhaan ang babae sa aking harapan. Wala na ang kulay itim niyang buhok at napalitan ito ng kulay kalawang at ginto. Ang kanyang deretsong buhok ay kulot na ngayon. Ang kilay ay nakaarko ng napakaganda.

"Ang ganda mo." Sabi ni Isabella.
"Ako ba yan?" Hindi ako makapaniwala.

Ang ganda ko. May igaganda pa pala ako ng lagay na iyon.

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon