Kabanata 42

10.4K 513 18
                                    

"Kumalma ka." Wika ni Tala.
"Paano ako kakalma, nawawala si Nicolo?"
"Bakit ba kapag sinabing kumalma ka, saka kayo nagwawala?" Tanong ni Tala bago ako lapitan at hawakan sa aking balikat upang iupo.
"Sino ang dumakip sa kanya?" Tanong ko kay Tala na may pagmamakaawa.
"Si Antonia ba?"
"Si Mateo." Sagot nito.
"Si Mateo? Ngunit bakit?"
"Anong bakit? Hindi ba at ipinahiya ninyo siya noong isang araw?" balik na tanong ni Tala.
"Panginoon ko, nasaan ang iyong mga kapatid, kailangan kong humiling?"
Tinitigan lamang ako ni Tala at hindi tuminag.
"Tala, parang awa mon a. Tulungan mo si Nicolo." Pagmamakaawa ko.
"Tawagin mo ang kanilang pangalan." Wika niya.
"Mayari, Mayari, Mayari." Tawag ko sa kapatid niya.
Maya-maya pa ay may pumasok sa aking silid na dalawang muchacha. Pagharap nila ay kamuntikan na akong kapusin ng hininga ng makita si ayari at Hanan na may dalang pagkain.

"Kumain ka muna." Sabi ni Hanan sa akin at inilapag ang pagkain sa maliit na lamesa sa tabi ng bintana.
"Mayari, iniligtas mo si Nicolo at pabalikin na sa hinaharap kung saan siya ligtas." Wika ko at inabot ang kamay ng dinawata.
"Nagawa ko na sapagkat narinig kita kanina. Hindi ba at binalaan ko na kayo na mag-ingat? Masyado kayong mapusok na dalawa." Pangaral ni Mayari.
Nahihiya akong nag-iwas ng tingin.
"Nasaan na si Nicolo?"
"Nasa hinaharap na. At si Nicolas ay magbabalik kung kaya ikaw ay maghanda. Hindi lamang galit ang makukuha mo muna sa kanya dahil sa ginawa ninyo ni Nicolo na pagpapatigil ng kasal. Kung paano mo lulusutan iyan, Catalina ay hindi namin alam. Basta mag-iingat ka lamang." Paalala ni Mayari.
"Kami ay nakasubaybay sa iyo, Catalina. Mag-iingat ka." Wika ni Tala.
"Isang hiling na lamang." Paalala naman ni Hanan.
"Salamat sa inyong tatlo."
Tumango sila at lumabas ng aking silid. Mukhang hindi sila napapansin ng mga nagkakagulong tao sa labas. Ako ay nakahinga ng matiwasan at nakabalik na si Nicolo sa kanila ngunit nalulungkot dahil hindi ko na siya makikita sa ngayon.


Nagmasid ako sa labas at tinanaw ang mga nagkakagulong mga tao. Papasikat na ang araw kung kaya mangilan-ngilan na lamang ang may hawak ng sulo. Isang tao ang humahangos at sumisigaw ang nakatawas sa pansin ng mga tauhan.
"Nahanap na si Senyorito Nicolas." Wika nito.
Naiiling akong isinarado ang aking mga bintana. Nagbalik na ang diablo.

Hapon ng dumating si Nicolas sa aming tahanan nag alit na galit. Ramdam kong ito na ang tunay na Nicolas sapagkat hindi na lumulukso ang aking puso.
"Sino ang lalaking kasama mo, Catalina?" tanong agad niya sa akin. Sa lakas ng boses niya ay natawag nito ang pansin ng aking ina.
"Ano ang iyong sinasabi, Nicolas? Hindi ba ikaw itong may lakas ng loob na ipahiya ako sa harapan ng iyong mga magulang?" Hinaplit ni Nicolas ang aking braso.
"Nicolas, hindi ganyan ang tamang pagtrato kay Catalina." Mariining wika ni ina.
"Tinatanong ko lamang po si Catalina kung sino ang lalaking kasa-kasama niya noong panahong wala ako sa bayan." Sagot ni Nicolas. Napalunon ako ng laway sa kanyang sinabi.
"Ikaw lamang ang sumusundo sa kanya rito. Ano ang iyong sinasabi?" tanong ni ina.
"Hindi po ako iyon." Kaila ni Nicolas.
"Kung ayon ay sino? Imposible naman na may kakambal ka. Nababaliw ka na Nicolas." Saad ko.
Nanlisik ang mga mata ni Nicolas sa aking sinabi.
"Saksi ako sa pagpapaalam mo kay Catalina. Sinundo mo pa nga siya rito at ipinahiya mo lamang sa iyong mga magulang ng piliin mo si Antonia kaysa sa inyong kasal." Dagdag ni ina.
Sige ina, magalit ka.
"Hindi po ako iyon." Katwiran ni Nicolas.
"Magpatingin ka sa manggagamot. Hindi na tama ang iyong pag-iisip." Sagot ko at saka tumalikod.
"Catalina," sigaw niya.
"Aba at tampalasan ka. Lumayas ka sa pamamahay namin Nicolas. Tapos na ang kasunduan kasal ninyo ng aking anak.' Sigaw ni ina sa kanya.
Tagumpay...


Kumalat sa buong bayan ang ginawa ni Nicolas sa aming tahanan. Ang mga tauhan ay nakausap ng ibang tauhan at kumalat na nga na nababaliw si Nicolas. Marami ang nakakita sa amin na magkasama kami ni Nicolo. Maging si Isabella at ang kanyang mga magulang ay nakita si Nicolo na nagpanggap na siya. Dahil sa takot ni ina para sa akin ay hindi na niya ako pinayagan pang lumabas ng tahanan. Ayos lamang sa akin sapagkat naghihintay lamang ako ng aking tamang oras upang makaalis. Isang araw ay dumalaw si Isabella sa amin. Mabuti at hindi galit si ina kay Isabella. Tanging kay Nicolas lamang siya nagagalit.
"Kamusta ka na?" tanong ni Isabella sa akin.
"Ayos lamang, Isabella. Kamusta sa inyong tahanan?"
"Ayon, pinalayas na ni ama si Kuya Nicolas."
Napasinghap ako sa ibinalita ni Isabella.
"Galit nag alit si ama sa ginawa ni Kuya sa iyo. Isa raw silang malaking kahihiyan kung kaya pinalayas siya at inalisan ng mana. Ang huling balita ko ay nagsama na sila ni Antonia." Malungkot na sagot ni Isabella.
"Hindi ko maunawaan kung bakit parang nabaliw si Kuya. Ginigiit niya na hindi siya ang nakipaghiwalay sa iyo ngunit naroon ako ng araw na iyon." Umiiling na wika niya pa.
May kaunting kurot sa aking kunsensya ang aking naramdaman ngunit kailangan kong tatagan ang aking kalooban. Kung hindi koi to gagawin ay masasaktan lamang ako at mawawala ng walang nakakaalam kung saan napadpad.
"Si Mateo ay tuluyan ng umalis ng bayan simula ng mahuli siyang dinukot si Kuya. Ngunit wala namang matandaan si Kuya na dinukot siya ni Mateo. Pero ayon sa nagligtas kay Kuya, nakatali raw si Kuya sa isang poste sa mismong bahay ni Mateo ng matagpuan nila ito." Naguguluhang pagsasaad ni Isabella.
"Parang ang lumalabas ay may impostor na Nicolas sa mga panahong sinasabi ni Kuya na nasa Maynila siya."
"Sino ba ang magpapatunay na nasa Maynila nga si Nicolas kung lahat na tao sa bayan ay nakita siya na naririto?" tanong ko kay Isabella. Itinago ko ang aking kunsensya at ibinaon muna pansamantala.
"Iyon nga Catalina. Iyon ang hindi ko mapaliwanag." Nanlalambot na sagot ni Isabella.

Tatlong linggo... Lumipas ang tatlong linggo at humupa na ang usap-usapan sa nahinto naming pagtitipan ni Nicolas. Hinayaan na ako ni ina na makapunta sa simbahan at magrosaryo. May mga iilan na tinitingnan ako na may awa sa kanilang mga mata. Hindi ko kailangan ang awa ninyo, gusto kong sabihin sa kanila. Ilang beses akong nagrosaryo upang humingi ng tamad sa aking pagsisinungaling. Nasira ko marahil ang buhay ni Nicolas ngunit kapalit naman noon ay ang buhay ko. Ilang linggo pa kaya ang aking hihintayin upang makapiling si Nicolo? Kailan ba ang takdang panahon na sinasabi ng mga diawata?

Isang araw pa ang dumaan at nakalimutan na rinng mga tao ang nangyari. Wala ng lumilingon sa akin sa tuwing ako ay nagdadasalsa simbahan. Isang umaga, dinalaw ko ang puntod ng aking namayapang abuelapagkatapos kong magsimba. Doon ako nag-alay ng panalangin sa kanya ng bigyangmagnagtakip sa aking bibig ng panyo at unti-unti akong tinakasan ng lakas atmalay.

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon