Kabanata 18

11.8K 574 29
                                    

Panginoon ko. Hindi ako pinatulog ng mga mata ni Nicolo. Sa tuwing ako ay pipikit, parang nararamdaman ko ang kanyang pagtitig. Ang kanyang mga mata ay parang gabi ng walang bituin. Kay dilim na may kaakibat na panganib. Panganib na nagpapatibok ng mabilis sa aking puso.

Umayos ka Catalina. Saan ka dadalin ang damdamin na unti-unting umuusbong sa puso mo? Piping tanong ng aking isipan.

Bigla akong napabalikwas ng bangon.

Panginoon ko... Huwag naman sana. Batid ko na ako ay masasaktan sa kanya.

Minabuti kong bumangon at maghanda na lamang ng agahan upang malibang. Pagpanaog ko ng hagdanan ay natanaw ko si Nicolo sa hapag-kainan.

"Ang aga mo, Cat."
"Maaga lamang akong nagising." Sagot ko.
"Huwag ka ng magluto. May pupuntahan tayo."
Napahinto ako papasok ng kusina. "Saan?"
"Sa simbahan. Hindi ba at nagnonovena ka?"
Marahan akong tumango ako.
"Sige na, hintayin kita dito."

Nagmamadali akong umakyat sa akin silid at naligo. Namili ako ng damit na naayon sa panahon. Medyo mainit sa panahon na ito. Kung bakit ay hindi ako alam gayong parehong Pilipinas naman ang kinaroroonan ko at parehong bayan.

Nagsuot ako ng pantalon na hindi alam na maaring isuot ng kababaihan at isang simpleng kamiseta. Pumanaog ako at naroon si Nicolo na nakatingin sa telefono na gaya ng kay Isabella.

"Hand aka na?" Tanong niya ng makalapit ako sa kanya.
Tumango ako ng bahagya.

Nakakapagtaka at nang nasa tapat na kami ng kanyang kotse ay hindi siya naunang pumasok. Bagkus ay pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Ano ang nakain mo at ikaw ay biglang naging maginoo?" Tanong ko sa kanya ng nasa loob na siya ng kotse.
"Hindi ba dapat naman na matutunan ko iyon?"
"Oo nga, ngunit para saan?"
Hindi kumibo si Nicolo. Gumalaw ang gilid ng kanyang labi sa isang simpleng ngiti.

Sa simbahan ay hindi ako makapagnovena ng maayos. Nakakaligtaan ko ang susunod na dasal kung kaya nanalangin na lamang sa Panginoon galing sa aking sariling dasal.

Panginoon, ako ay naguguluhan. Ako ay nahihirapang tanggapin ang aking kakahinatnan sa kamay ni Nicolas. Kung ako ba ay mananaliti dito, iyo bang ipagkakaloob? Ako po ay iyong pakagabayan sa suliranin ng aking puso. Si Mateo ang aking ipinunta sa panahon na ito ngunit... ngunit bakit ako ay nalilito? Dahil lamang ba ito sa nagkakalapit kami? Ito po ba ay tukso lamang ng laman? Oh, Panginoon ko. Gabayan mo po ako. Ang puso kop o ay iyong iligtas sa kapahamakan ng palikero na si Nicolo.

Nag-antanda ako ng krus at naupo sa upuan.

"Tapos ka na?"
Tumango ako kay Nicolo. Nag-antanda rin siya at inaya na akong umalis.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Nicolo ng palabas kami ng simbahan.
"Nakakain ka na ba sa Jollibee?"
Umiling ako.
"Sige doon na tayo mag-almusal. Tapos, punta tayo ng dagat."
"Sa dagat? Talaga?"
Nakangiting tumango si Nicolo.

Nagtataka ako sa ikinikilos ni Nicolo. Hindi kaya nasapian na ito ni Nicolas at nagbabalat-kayo?

Tumawid kami ng daan at tinuro niya ang isang kaininan na may matabang bubuyog sa harapan. Kailan pa natutong ngumiti ang bubuyog?

Muli ay pinagbuksan ako ng pintuan ni Nicolo.
"Ano ang gusto mong kainin?" Tanong niya.
Nalilito akong tumingin sa mga larawan sa itaas ngunit hindi ko maintindihan.
"No entiendo." Wika ko.
"Ahhh... sige, ako na lang ang bibili para sa iyo." Sagot niya.
"Maari na ba akong umupo?" Tanong ko sa kanya. Napansin kong nakakunot ang noo ng babae sa harapan namin at nakatitig sa akin.

"Ano ang ikinakukunot ng iyong noo?" Tanong ko sa kanya.
Natawa ng bahagya si Nicolo at nagbawi naman ng tingin ang babae.
"Sandali lang Miss." Wika ni Nicolo.
Hinawakan niya ang aking kamay at iginaya papunta sa mga lamesa at upuan.

"Ang init ng ulo mo." Puna ni Nicolo.
"Hindi siya dapat tumititig at nakikinig sa usapan ng iba."
Nawala ang yamot ko ng ipaghila ako ng upuan ni Nicolo. "Upo ka na. Hintayin mo na lang ako."
Dahan-dahan akong umupo sa silya na pinaghila niya sa akin. Sinundan ko ng tingin si Nicolo na bumalik sa babae upang bumili ng aming makakain.

Ano ba ang iisipin ko sa kanyang ikinikilos? Dapat bang bigyan ko ng kahulugayn? Dahil Panginoon ko, litong-lito na ako sa kanya.

"Here you go." Wika ni Nicolo na pumutol saaking pag-iisip.
"Pancakes at chocolate drink. So ganito iyan." Pinakita ni Nicolo kung paanokainin ang tinapay na tinatawag niyang pancake.

"Nagustuahn mo?" Tanong agad niya sa unang subo ko.
"Ayos naman. Kakaiba ang lasa. Hindi pa ako nakakatikim nito." Mahinang sagotko.

"Nicolo, akala ko ba ay mag-aaral akong sumayaw?"
"Mamaya. Pagbalik natin sa bahay." Sagot niya.
Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.
"I am not ready yet." Dagdag niya.
"Ano iyon?"
"Wala... Kumain ka lang." Sagot niya.

Naupo ako sa isang bangkito na dala ni Nicolo. Nakayapak kami at ang paa ko aynapapasa ng paghampas ng tubig sa dagat.

"Itong parte ng lupain ninyo na ito ay ang paborito ko." Wika ko sa kanya.
"Noon ay may parola doon." Tinuro ko ang bahagi ng talampas.
"Paborito ko rin ang lugar na ito." Wika ni Nicolo.

"Sino mag-aakala na ang pag-ibig na tatluhan ay ganito kaganda." Wika ko habangnakatingin sa ganda ng tanawin sa aking harapan.
"Ang tubig ng dagat ay humahalik sa lupa habang ang lupa ay pilit inaabot angulap. Samantalang sa dako paroon, ang ulap ay yumuyuko sa dagat."

"Maging ang kalikasan ay hindi makatarungan." Dinama ko ang alon na pilit nabinabasa ang aking paa.
"Inaabot natin ang hindi dapat abutin. Minahahal ang hindi dapat mahalin."Pagpapatuloy ko.

"Ang lalim mong magsalita." Manghang wika ni Nicolo. Napatingin ako sa kanya atheto na naman ang tibok ng puso ko. Kumakabog ng makitang nakatitig siya.
"Kasing lalim ng dagat, Nicolo." Mahinang tugon ko.
Tumango siya at nilagay sa likod ng aking tainga ang ilang hibla ng buhok ko nanililipad ng hangin. "Kasing lalim ng dagat, Cat." Wika niya at bumuntonghininga. 

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon