Kabanata 25

11.1K 603 20
                                    

"Wala kang sasabihin?"
Umiling ako at pinilit salubungin ang kanyang tingin ngunit hindi ko kaya. Ako ay biglang nahiya sa kanya.

Panginoon ko, siya ay nagseselos. Kung ganoon ba ay may pagtingin siya sa akin? Ngunit kung ganoon ay bakit hindi niya sabihin?

"Cat,"
"Bakit?" Nagtatanong tanong ko.
"Halika na. Bibili tayong chocolate." Yaya nito.

Kung tatanungin ko ba, hindi ba ako magmumukhang mababang uri ng babae?

"Cat, nakikipagtalo ka na naman sa isip mo. Halika na..."

Hindi lamang sa aking isipan kung hindi maging sa aking damdamin.

"Cat,"
Hindi ko namalayan na lumapit sa akin si Nicolo kung hindi niya hinawakan ang mukha ko at itiningala upang magtama an gaming paningin.
"Ang dami mong iniisip." Wika nito.
"Ano... ang ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Wala." Maikling sagot niya.
"Basta huwag ka na kasing lumapit kay Matt."
"Hindi ko nga kilala si Mateo sa panahon na ito."
"Huwag ka ng makipag-usap sa kanya."
"Wala akong paraan upang makausap siya." Katwiran ko.
"Huwag ka ng tumanggap ng kahit ano galing sa kanya."
Hinarang ni Nicolo ang kanyang isang daliri sa aking labi upang pigilan akong magsalita.
"Walang pero pero, Muning."

May pagtingin ka ba sa akin, Nicolo? Iyo kasing sabihin at ng hindi ako nalilito.

"Halika na."
Hinawakan niya ang aking kamay at tumulay ang SPARK.
"Nicolo..." Pigil ko sa kanya sa paglakad.
"Yung sinabi mo..."
"Ano ang sinabi ko?" Tanong niya.
Hay tampalasan, nais niyang sabihin ko ang salitang magpapamula sa akin.
"Yung ano... na ikaw ay..." Napapikit ako upang itago ang hiya. Baka sa ganitong paraan ay hindi ako mamula.
"...nagseselos."
"O? Ano problema mo doon?"
"Iyon ba ay totoo?"

"Muning, kabastusan ang hindi nakatingin sa kausap." Paalala niya sa akin.
"Kalimutan mo na nga na nagtanong ako." Naiinis akong bumitaw sa kanya at naglakad upang lagpasan siya ngunit hinawakan niya muli ang aking kamay at hinila ako palapit sa kanya. Napakapit ako sa kanyang balikat sapagkat muntik na akong matumba. Hinawakan ni Nicolo ang aking baba at itinaas ang aking mukha.

"Oo, Catalina. Nagseselos ako." Wika niya.
Napaawang ang aking labi.
"Bakit?" Mahinang tanong ko.
"Manhid ka talaga, Muning." Bulong niya.

"Cat..." Sigaw ni Isabella sa labas. "Nasaan ka ba?"
"Istorbo..." Bulong ni Nicolo bago ako bitawan.
"Halika na bago pa magiba ang buong bahay kay Isabelle." Yaya ni Nicolo sa akin.

Napapikit ako ng mariin upang itago ang hagikgik ng tumalikd si Nicolo at binuksan ang pintuan. Nanlalambot ang mga tuhod ko na sumunod kay Nicolo. Nakalabas na kami ng aklatan ng makita kami ni Isabella. Napahinto siya ng makita si Nicolo na nasa likuran ko.

"Hello, wala si Cat. Hindi ko mahanap." Wika niya sa kausap at nagmamadaling tumalikod pabalik sa kanyang silid.

Nagpunta kami ni Nicolo sa pamilihan na malayo sa kanilang lupain. Ibang-iba ito kaysa sa pamilihan na pinuntahan namin. Ang mga paninda dito ay mukhang mamahalin. Una kaming nagpunta sa bilihan ng mga tsokolate.

Doon ko nakita ang uri ng tsokolate na katulad ng ibinigay sa akin ni Mateo. Hindi iyon ang kinuha ni Nicolo. Kumuha siya ng maraming uri ng tsokolate maliban doon.

Sunod naming pinuntahan ang bilihan ng laruan.
"Ano ang gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at hinila niya ako papunta sa estante ng mga laruang oso na unan.
"Alin ang gusto mo?" Tanong niya.
"Ako? Hindi naman na ako bata upang bilan mo ng laruan."
"Hindi naman iyan pambata. Para may kayakap ka sa pagtulog."Wika niya. Inabutan niya ako ng unan na oso na may kalakihan. Oo nga, masarap itong yakapin dahil malambot.

"Ito na lang inabot mo."
"Okay. Bigyan mo ng pangalan." Wika niya at hinila na muli ako papunta sa kahera.

Yakap yakap ko ang oso habang pabalik kami sa kanilang tahanan. Ilang beses tumunog ang telefono ni Nicolo ngunit hindi niya iyon pinansin.
"Hindi mo ba sasagutin?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi importante." Wika niya.
"Sino ba iyon?" Usisa ko naman.
"Huwag mo ng isipin, Muning." Sagot niya sa akin.
"Just my fucking cousin." Bulong nito.

Sa may sala habang kumakain ako ng tsokolate at silang magkakapatid naman ay nanonood ng tinatawag nilang pelikula na hindi ko maunawaan ngunit nasisiyahan akong panoorin, nag-usisa si Isabella tungkol sa buhay ko sa panahon ko.

"Cat, noon ba paano manligaw ang mga lalaki?"
"Nagpapaalam sa magulang ng babae." Sagot ko bago kumagat ng tsokolate na bigay ni Nicolo.
"Wala ka namang magulang dito. Paano magpapaalam? Ano pa?" Usisa niya.
"Nanghaharana." Sagot ko ulit. "At nagbibigay ng bulaklak. Nag-iigib..."
Natawa si Patricio at Nicolo.
"Totoo iyon. Nag-iigib ang mga kalalakihan na nanliligaw. Ang iba ay nagsisibak ng panggatong." Kwento ko sa kanila.
"At inaalayan ng tula ang mga dalaga noon."

"Dito naman sa panahon namin Cat, ang nanliligaw ay nagbibigay ng chocolate." Wika ni Isabella at nginuso ang tsokolate na kinakain ko.
"At stuffed toy." Dagdag niya.
"Ano ang stuffed toy?" Tanong ko naman.
"Yung kagaya ng yakap mo kanina." Nakangising sagot ni Isabella.

Napigil ang pagsubo ko ng tsokolate at natingin ako kay Nicolo.

"Hindi nga?" Tanong ko kay Isabella.
Tumango silang dalawa ni Patricio. Si Nicolo ay nakatitig lamang sa pinapanood.

Nanliligaw ba si Nicolo? Hala, ayan na naman ang puso ko. Lumundag na naman.

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon