Kabanata 45

12.1K 603 19
                                    

"Nasaan ang tunay na Catalina sa panahon na ito? Ano ang nangyari sa akin sa iniwan kong panahon?" Ngayon ako naguluhan sa aking pinasok sa suliranin.
"Hay, Ada, anong gulo ba ang pinasok ko?" wika ni Tala na nababanaag ang inis.
"Una, huminahon ka. Ang Catalina sa panahon na ito ay pumanaw na noong nilunod siya. Basbasan nawa ni Bathala ang kanyang espirito." Sagot ni Tala.
"Ngayon, ikaw, Catalina na nagmula sa lumang panahon ang siyang papalit sa kanya. Yakapin mo na ang panahon na ito sapagkat wala ka ng babalikan sa panahon mo. Nangyari na ang dapat mangyari. Nawala ka at hindi na muling natagpuan. Ang iyong ina ay pumanaw..."
Biglang nangilid ang aking mga luha. Oo nga, wala na akong babalikan sa aking panahon. Wala na silang lahat.
"...at nag-asawang muli ang iyong ama kung kaya nagpatuloy ang lahi ng mga Montemayor."

"Ano ang nangyari kay Nicolas?"
"Who cares..." mulong ni Nicolo sa tabi ko.
"Dahil hindi alam ang nangyari sa iyo at walang nakakaalam kung saan ka napunta, nakaligtas si Antonia sa kasalanan sa iyong pagkawala. Hindi na muling bumalik si Nicolas kay Antonia na labis na ikinagalit nang isa. Parang nabaliw si Antonia sa pag-ibig at tinangka niyang paslangin si Nicolas. Hindi siya nagtagumpay sa kasamaang palad ngunit pinadakip siya ng Pamilya Del Castillo. Si Nicolas ay muling tinaggap ng kanyang ama. Sa kanya nagmula ang lahi ni Mathew. Ang lalaking muntik ng manalbahe sa iyo." Mahabang salaysay ni Tala.
"Natatandaan ko siya."
"Si Nicolo ay mula sa lahi ni Patricio. Si Isabella ay nagmadre."
"Ano?" namangha ako sa kanyang ikinuwento. Panginoon ko, si Isabella? Ang aking matalik na kaibigan?
"Ngayon, Catalina, dahil sa ikaw ay walang ala-ala ng Catalina nang panahon na ito, kinakailangan mong magpanggap na ikaw nga ay naaksidente." Mukhang nahihirapan ng magpaliwanag ni Tala.
"Hindi ko alam kung paano mo gagawin ngunt iyan ang kabayaran ng inyong hiling."

"Kung mayroon mang magandang kakalabasan ang pagpapanggap mo, iyon ay ang bibigyan mo ng isang anak ang isang inang maaring mangulila."

Nagilid ang mga luha ko nang maalala ko si ina. "Bagay na nangyari sa aking ina." Bulong ko.
"Alam ko sa aking puso na magiging masaya ang iyong ina sa iyong pinili. Gagabayan kita hanggang sa kaya mo na. Mag-iingat ka, Catalina." Paalam ni Tala sa amin.

Gaya ng bilin ni Tala, nagpanggap ako na walang naalala sa buhay ni Cat— dahil wala naman talaga akong alam sa buhay niya. Maliban sa iisa an gaming mukha ay magkaibang tao kami. Unti-unting pinakilala ni mommy ang buhay ni Cat sa akin. Tunay ngang malungkutin siya. Parating nakakulong at hindi nakikihalubilo sa iba. Maraming pag-aaral ang ginawa sa akin hanggang sa sumuko na ang doktor at ipahayag na amnesia nga ang sakit ko. Pinayuhan din si mommy ng doktor na huwag akong alisin sa pamilyar kong kapaligiran upang bumilis ang aking paggaling. Iyon ay ang mga Del Castillo.

Habang sinusubukan kong mamuhay sa buhay na dapat ay para sa modernong Cat, hindi pa rin mawaglit sa akin na hindi bumalik sa lumang bahay. Sa aming tahanan. Ayaw ni mommy na bumalik doon. Hanggang ngayon ay sunog pa rin ang kalahati nito. At nalulungkot ako na balak nilang ipagbili ang lupain na iyon at tumira sa... gusaling ito.

"Nicolo,"
Napatingin sa Nicolo mula sa ginuguhit niya. Madalas akong nasa bahay nila dahil ito na lamang alam kong nagdudugtong sa akin mula sa panahon ko.
"Yes, Muning?"
Natututo na rin ako ng ilang ingles na salita. Hindi pa nga lamang bihasa ngunit nakakaintindi na kahit papaano.
"Mayroon ka bang alam na paraan kung paano ko mapipigilan ang mga...magulang ko..." napapalunok ako sa tuwing inaangkin ko ang mga magulang ni Cat. Hindi ako pa ako nasasanay na tawagin silang magulang dahil alam kong hindi naman iyon totoo. "... na huwag ipagbili an gaming lupain?"

"Ayaw mo ba sa condo ninyo?" tanong niya sa akin. Malungkot akong umiling.
"Nais ko ang aming tahanan na maibalik. Sa palagay mo ba at sapat ang malilikom sa aking mga alahas upang ako na lamang ang bumili ng lupain sa kanila?"
"Huwag mo na lang isipin, Muning. Ako na ang bahala. Kakausapin ko ang mga magulang mo."
"Talaga?"
Ngiti lamang ang isinagot sa akin ni Nicolo.

Ganoon ang naging araw-araw na pamumuhay ko sa makabagong panahon. Kinailangan kong matutunan ang lahat. Binigyan ako ng isang maestra upang makapag-aral ako ng ingles sa bahay. Si Nicolo ay dumadaan sa akin pagkatapos ng kanyang trabaho at magkasama kami tuwing Sabado at Linggo sa kanilang tahanan. Kung minsan ay dinadalaw ko ang mga puntod ng aking tunay na magulang. Hinahayaan ako ng mga magulang ko rito— mga magulang ni Cat— na gawin ang nais kong gawin sapagkat nakikita nilang nag-iiba ang kanilang anak. Bagay na lubos nilang ikinasiya.

Tuluyang naipagbili ang lupain namin. Naniniwala talaga sila na may multo sa lumang bahay at wala rind aw silang hilig na pamahalaan ang lupain. Ang pagsasaka ay hindi na nila kayang gawin. Sabado at magkasama kami ni Nicolo ngunit wala akong ganang kumibo.

"May masakit ba sayo, Muning?" tanong niya sa akin habang nakasakay kami sa kanyang kotse.
"Wala naman. Ang sabi ni daddy, naibenta na raw an gaming lupain. Wala na ang aking tahanan." Nangilid ang mga luha ko.
"Dapat ay ibinenta ko na lamang ang mga lahas ko at ako ang nagbayad sa kanila."
"Ang mga iyon ay bigay ng iyong mga magulang. Ang iyong tunay na magulang. Huwag mong iwawaglit ang mga iyon, Catalina." Mariing sagot ni Nicolo.

Marahil dahil sa lungkot na nakikita ni Nicolo sa akin, dinala niya ako sa aking tahanan. Mayroong karatula sa labas ng tarangka na SOLD. Habang papalapit ang aking tahanan sa aking paningin, lubos naman akong nagdadalamhati dahil nawala ito sa akin.

Hindi ko na maibabalik ang maganda bahay namin. Ang hagdanan na gawa sa adobe at kahoy na papunta sa ikalawang palapag. Ang hagdanan sa loob ng bahay na gawa sa narra ay hindi na muling kikintab pa. Naalala ko na ilang tagalingkod rin ang nagbubunot doon noon para lamang kumintab iyon.

Binuksan ni Nicolo ang pintuan ng kotse at inalay sa aking harapan ang kanyang kamay—na akin namang tinanggap.
"Natatandaan mo ba ang itsura ng bahay ninyo noon?" tanong ni Nicolo habang nakatanaw kami sa aking tahanan.
"Hindi ko makakalimutan ang bawat detalye ng aming tahanan." Malungot na sagot ko.
"Good. Kasi kailangan ko ang tulong mo. Hindi ko matandaan ang ibang detalye dahil sandali ko lamang nakita ito noong nagpunta ako sa panahon mo. Idagdag pa na sa iyo ako laging nakatingin." Wika niya.
Napatingin ako kay Nicolo at doon ko lamang napansin ang hawak nitong nakabilot na papel. Binuksan niya ito sa aking harapan at tumambad ang larawan ng aking tahanan.

"Ibalik natin ang tahanan mo?"
Napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang aking pag-iyak.
"Ayaw kong nakikita kang malungkot kaya ako na ang bumili." Wika niya.
Yumakap ako kay Nicolo at humagulgol ng iyak.
"Tahan kana, Cat. Baka akala pinapaiyak kita." Bulong niya habang hinahagod ang likod ko.
"Binili mo ang lupain namin?"
"Ito ang makakapagpasaya sa iyo, eh."
"Pero sa pagkakaalam ko ay mahal ito."
Inilayo ako ni Nicolo sa pagkakayakap ko sa kanya. "Ano akala mo sa akin? Mahirap?"
"Hindi," natatawang sagot ko at muli niya akong niyakap.

"Saan mo gustong tumira? Dito o sa bahay namin?"
"Huh?" naguluhan ako sa tanong niya.
"Kapag kinasal na tayo, saan mo gustong tumira?"
Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Nicolo at lumayo ng kaunti. Pinupunasan ko pa ang mga luha ko habang nagugulungang nakatitig sa kanya.
"Catalina," wika ni Nicolo habang nakatingin sa langit. "Balak mo pa akong paluhurin talaga." Dagdag niya pa.
"Muning," huminga siya ng malalim at lumuhod sa harapan ko. Nanlaki ang aking mga mata ng itaas ni Nicolo ang isang singsing sa aking harapan.
"Maari mo na ba akong pakasalan, Muning?"
"Oh Dios. ¿En serio? ¿Me estás pidiendo que me case contigo?" sunod-sunod na tanong ko na ikinanganga ni Nicolo.
"Ang ibing kong sabihin ay 'Panginoon ko. Seryoso ka ba? Hinihiling mo sa akin na pakasalan kita?"
"Ahh Si." Sagot niya.
"Oh, sí, me casaré contigo." Tumatalon na sagot ko.
"Is that a yes?" alanganing tanong ni Nicolo.
"It's a yes." Sagot ko sa kakaunting ingles na alam ko.
Napabuga ng hininga si Nicolo ng tumayo ito at yakapin ako.
"As much as I like to hear you speak in Spanish, I was worried earlier you said no."
Natawa ako ng bahagya.
"Nasaan na ang singsing ko, Nicolo? Dalawang beses ka ng nag-ayang magpakasal, hindi mo pa ako sinusuutan ng singsing."

Natatawang bumitay sa akin si Nicolo at isinuot ang singsing sa aking daliri.

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon