Kabanata 15

12.4K 604 29
                                    

Sinamahan ako ni Nicolo sa simbahan. Nakakapagtaka at halos walang tao sa loob upang manalangin.

"Bakit walang tao?" Hindi ko naiwasang tanungin.
"Wala namang misa." Walang ganang sagot ni Nicolo.
"Maari naman silang magnovena kapag walang misa. O kaya ay magrosaryo." Katwiran ko.
"Cat, iba na ang panahon ngayon."
"Makabago na nga, Nicolo. Kasabay ninyong nagbago ang pananampalataya." Wika ko.

Inayos ko ang belo at lumuhod sa luhuran. Dala ang rosary na natagpuan ko sa aking silid, nanalangin ako ng naayon sa aking nakamulatan.

Pagkatapos kong manalangin ay naupo ako sa upuan. Katabi ni Nicolo ngunit may pagitan.
"Spanish talaga ang dasal mo?" Tanong niya.
"Ang ibig mo bang itanong ay kung espanyol ang aking ginamit?"
Umikot ang mga mata ni Nicolo bago tumango.
"Ganito ang aking nakamulatan. Ang mga tao ay sa panahon ko ay namulat sa panalangin." Paliwanag ko.
"Alam mo bang makasarili ang mga prayle? At ginamit ang relihiyon sa pangsariling kapakanan." Sabi niya.

"Hindi perfecto ang lahat, Nicolo. Hindi naman sa prayle ako nanalangin kung hindi sa Panginoon ko." Pinilit kong ngumiti.
"Halika na sa aming lupain. Nais ko ng makita an gaming tahanan."
At huwag moa kong titigan, nais kong idugtong ngunit hindi ko naisatinig.


Sumakay kami sa karuwahe na kung tawagin niya ay kotse. Ako ay labis talagang namamangha ngunit hindi ko na isinatinig at baka magalit na naman si Nicolo. Hindi ako tutulungan nito kaya dapat na maging mabait ako.

Labis ang aking panlulumo ng makita ko ang aming tahanan. Nawala na ang buhay nito. Nababalot ito ng alikabok at parang guguho ano mang oras. Ang taga bantay ng bahay ay iniwan kami pansamantala.

"Bakit nagkaganito?" Nangilid ang luha ko habang nakatayo kami sa harapan ng dati ay magarbong hagdanan.
"Ang sabi ko naman sa iyo ay sinunog dati ang bahay na iyan."
"Ngunit bakit? Hindi ba maaring ibalik sa dati ang bahay namin?" Puno ng panlulumo ang aking kalooban. Wala na an gang aming hardin. Wala na ang malaking puno ng narra na lagi kong pinagpapahingahan.

Nilibot ko ang aking paningin. Nagtatayugan na ang mga talahib sa aming bakuran. Ang aming lupain ay napabayaan.
"Ano ang nangyrai?" Tumulo ang luha ko dahil sa pighati.
"Huwag ka ng umiyak, Cat. Walang magagawa ang mga luha mo." Wika niya.
Pinahiran ni Nicolo ang aking mga luha.
"Tama ka." Mahinang wika ko.

Pinilit kong magpakatataga at tinuyo ang mukha. Marahan akong umakyan sa hagdanan papunta sa ikalawang palapag.

Nasunog ang bahagi ng aking silid. Nasunog ang kalahati nito at tinakpan lamang ng kung anong metal upang matakpan ang nasunog na parte mula sa labas.

"Kanino kwarto ito?" Tanong ni Nicolo na nakasunod sa akin.
"Ito ang aking silid." Wika ko.
Lumapit ako sa isang pader na hindi natupok ng apoy. Dito ang aking taguan ng liham namin ni Mateo. Dito ko rin tinatago ang mga mahahalagang gamit ko gaya ng alahas.

Hinanap ko ang sekretong susian.
"Cat, huwag mong hilahin yan at baka gumuho ang bahay." Pagbabawal ni Nicolo sa akin.
Hindi ko siya pinakinggan at pinilit hilahin ang maliit na pintuan. Bumigay iyon at nabuksan ko ang aking lihim na taguan.

Alikabok ang unang bumungad sa akin.
"Putaragis..." Nauubo si Nicolo habang pinapaypayan ang mga alikabok na parang usok na yumakap sa amin.

Naroon pa rin ang mga liham na galing kay Mateo. Naroon din ang aking talaarawan at ang kahon ng aking mga alahas.

"Cat, kanino iyan?" Manghang tanong ni Nicolo.
"Sa akin." Wika ko habang pinakakatitigan ang mga alahas.
"Bigay ito ng aking mga magulang. Ito naman ay galing sa aking abuela." Itinaas ko isa-isa ang mga gamit ko.
"Ang... lalaki ng mga bato." Wika ni Nicolo.
"Mas malaki ang bato ng Prinsesa ng Espanya. Mumunti lamang ito kumpara sa alahas ni ina."

Natatawang nailing si Nicolo.
"Kaya mong bilin ang buong San Vicente sa mga lahas mo." Wika niya.
"Huwag kang hibang. Mumunti lamang ang mga alahas ko." Giit ko.
"Maniwala ka, hindi yan maliit." Sabi niya. "God, mabuti na lamang at hindi nanakaw iyan."

"Ano naman iyan?" Turo ni Nicolo sa mga liham ni Mateo.
"Ito ang mga liham ni Mateo sa akin." Nakangiting wika ko.
"Pabasa nga."
"Hindi ka dapat nagbabasa ng liham ng iba... Wala ka talagang galang." Isinarado ko ang lihim na taguan at iniwan si Nicolo sa aking silid.

Nahinto ako sa aking paglalakad ng makita ko ang isang larawan sa aming tanggapan ng bisita.

"Titingnan ko lang kung jologs ang sinisinta mo." Biro ni Nicolo na palabas ng aking silid.

"Sino siya?" Tanong ko kay Nicolo at tinuro ang obra ng isang babae. Nasaan ang larawan namin ng aking ina?
"Sino? Aba malay ko. Hindi mo ba nanay iyan?" Sagot ni Nicolo.
"Hindi. Hindi iyan ang aking ina. At bakit wala kaming obra man lamang na naiwan?" Luminga linga ako sa mga larawan na nakasabit sa pader. Wala ni isang larawan namin ni ina.

"Cat, baka naman kamag-anak ninyo." Sinusundan ako ni Nicolo sa bawat larawan na tinitingnan ko.
"Hindi ko siya kilala." Wika ko at huminto sa paglalakad. Mabilis akong humarap kay Nicolo na ikinabigla niya at napahinto siya ng mabilis. Halos mauntog ako sa dibdib niya kung hindi niya napigilan ang paglalakad.

"Hindi kaya nag-asawa muli si ama kung kaya napagpatuloy ang aming salinlahi?"
Gumuhit ang takot at kaba sa aking dibdib.
"Sigurado ka bang hindi ka nag-kaanak?" Nakakunot noong natanong ni Nicolo. Umatras ako ng bahagya sapagkat kay lapit namin sa isa't-isa.
"Hindi kami nagkaanak ni Nicolos ayos sa talaarawan ni Patricio." Sagot ko.

"Eh sino nga iyan?" Turo ni Nicolo sa larawan.
"Iyan nga ang tanong ko, hindi ba?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Si Marcela iyan." Wika ng isang boses na nagpatalon sa amin ni Nicolo sa gulat.

"Putang-ina..." Wika ni Nicolo.
"Punyeta..." Wika ko naman. Napahawak ako sa braso ni Nicolo sa gulat.

"Sige, magtungayaw kayo." Nakapamewang na wika ni Tala.
"May multo..." Nanlamig ang balat ni Nicolo.
"Hindi ako multo. Pambihira...Tinatawag ako sa ibang pangalan maliban sa multo." Naningkit ang mga mata ni Tala. Bumitaw ako kay Nicolo at kinalma ang sarili.

"Tala, bakit ka ba nanggugulat?"
"Hindi ko kayo ginulat. Sadyang malalagkit lamang ang inyong tinginan kung kaya hindi ninyo ako nakitang umakyat." Katwiran niya.
"Hindi kami nagtititigan." Kaila ko.
"Ikwento mo sa kuneho." Pabalang na sagot ni Tala.
Nahiya naman ako bigla. Itong si Tala na ito.

"Bueno, iyan nga si Marcela. Pangalawang asawa ng iyong ama." Sabi niya.
"Ano?" Napasigaw ako sa pagkakabigla.
"Hay, mukhang hindi ka makahanap ng talaarawan na magpapaliwanag sayo ng mga nangyari. Pumanaw ang iyong ina ilang linggo pagkatapos kang mawala."

Namutla ako sa sinabi ni Tala.

"Paanong ako ay nawala?"
"Iyan ay hindi ko masasagot." Bumuntong hininga si Tala.
"Dahil ba sa nagpunta ako sa hinaharap?" Sunod na tanong ko.
"Hindi." Napakamot ng ulo si Tala.
"Ikaw ay nawala at hindi na natagpuan pa. Hindi dahil nagpunta ka dito sa hinaharap. Alalahanin mo na babalik ka rin sa panahon mo at magpapatuloy ang iyong buhay. Yun nga lang, ikaw ay naglaho at walang nakakaalam kung saan ka napunta." Paliwanag ni Tala.

"Panginoon ko." Tuluyan na akong nilukuban ng takot.
"Pero huwag kang mag-alala, Catalina..."
"Paanong hindi ako mag-aalala?" Nagsisimula na akong magwala.
"Ako ay maglalaho, paanong hindi ako mag-aalala, Tala?"

Huminga ng malalim si Tala at nagpatuloy sa kinukwento.
"Ang iyong buhay ay mababago dahil na rin sa desisyon na gagawin mo pagbalik mo sa panahon mo. Ang sinasabi ko lamang sa iyo ay ang mga posibilidad na mangyayari sa oras na makasal ka kay Nicolas. Naiintindihan mo?"
Tumango ako kahit hindi ko nauunawaan ng lubusan.
"Ang mga naisulat sa talaarawan ni Patricio ay ang nakatakda para sa iyo. Ngunit, subalit dahil sa iyong nalaman ang mangyayari, maari mong hindi tahakin ang landas na iyon." Makahulugang paliwanag ni Tala.

"Mawalang galang po." Sabat ni Nicolo.
"Wala ka namang talagang galang, bata ka. Sige, sabihin mo ang gusto mong sabihin." Pabalang na sagot ni Tala kay Nicolo.
"Ang ibig mong sabihin ay pwedeng hindi pakasalan ni Cat si Nicolas pagbalik niya sa lumang panahon."
"Hindi sa akin nangmula ang mungkahi na iyan, Ginoo kugn hindi sa iyo." Makahulugang sagot naman ni Tala.

"Isa pang tanong." Nagtaas pa ng kamay si Nicolo para pansinin siya ni Tala.
"Ako ba si Nicolas?"

Oo nga, siya ba si Nicolas?

"Hindi. Isa kang bagong kaluluwa. Unang buhay mo ito." Sagot ni Tala sa kanya.
"Eh, nasaan si Nicolas?" Tanong muli ni Nicolo.
"Gusto mong ihatid kita sa kanya?" Tanong ni Tala.
"Hindi, joke lang. Hindi naman kami close. Okay na siya kung saan man siya naroon." Mabilis na sagot ni Nicolo na ikinatawa ni Tala.

"O siya, ako ay maglalakbay muna. Tandaan mo Catalina ang mga bagay na sinabi ko sa iyo." Paalala ni Tala bago siya tumalikod at lumabas sa pintuan.

Panginoon ko, ako ay kinikilabutan sa aking nalaman. Ayaw ko na yatang umuwi doon.

Natingin ako kay Nicolo na nakatitig sa akin. Para akong nahihipnotismo ng kanyang mga mata.

"Ay sya nga pala..." Napatalon kaming muli ni Nicolo ng bumalik si Tala na nagpipigil ng tawa.
"Huwag kang matakot sa ididikta ng puso mo Catalina. Pero sa nakikita ko ay ayos ka naman. Sige, paalam." Nawala muli si Tala at naiwan kami ni Nicolo.

Panginoon ko, ang init. Dinala yata ni Tala sa kanyang pag-alis ang lamig ng hangin. 

----------
A/N

hahaha Tala, ikaw ay sutil din paminsan-minsan. 

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon