Kabanata 28

10.9K 646 77
                                    

Ang sabi ni ina, ang mabisang paghihiganti sa isang tao ay ipakita mo na masaya ka. Kung kaya kung todo ang paghuni ko na akala mo ay kasyasa-saya ng buhay kahit nagngingitngit pa rin ako sa inis kay Nicolo.

"Aba, masaya yata si Cat." Puna ni Patricio sa akin ng hapagan ko sila... ang ibig kong sabihin ay siya ng agahan.
"Halata ba?" Nakangiting tanong ko. Hindi ko pinapansin si Nicolo.
"Para kang kuting na nag-meow. Bakit masaya ka Binibini?" Tanong ni Patricio.
"Wala naman. Maari ba akong tumanggap ng bisita dito sa inyong tahanan?"
Natanaw kong papanaog na si Isabella at papunta na sa hapag kainan.
"Sino ang bisita mo?" Tanong ni Nicolo.
"Si Matt..." Naghihigab na sagot ni Isabella. Naupo siya sa tabi ni Nicolo.
"Pupunta daw siya ngayon. Ang agang tumatawag, grabe."

"Sarado kamo ang bahay." Sagot ni Nicolo.
"Ipagluluto ko siya ng adobo. Pakisabi naman Isabella na dito na siya mananghalian." Wika ko na ikinatawa ni Isabella.
"Okay." Sagot niya.
"The way to a man's heart is through his stomach... Mainam ka talaga, Cat." Wika ni Patricio.
"Catalina," Tawag ni Nicolo sa akin. Pinilit kong ngumiti. Iyong ngiti na mapupunit na ang aking labi.
"Bakit? Bawal ba? Kung ganoon ay sa labas na lamang kami magkikita."

Nagtawanan si Isabella at Patricio.
"Oh my God. The cat has claws." Wika ni Patricio.
"Saan kayo nanggaling kagabi?" Tanong ni Nicolo.
"Malapit lang. Kumain lang kami ng sorbetes."
"May ice cream sa ref..." Sabi nito.
"Ah, baka kasi sa kasintahan mo iyon."

Nagtawanan na naman sila Isabella at Patricio.

"Wala...akong...kasintahan." Naiinis na sagot ni Nicolo.
Nagkibit ako ng balikat.
"Ikwento mo sa pagong." Pabalang na sagot ko sabay abot ng sinangag.
"Bakit ba ayaw mong maniwala?" Tumaas na naman ang boses nito.
"Hindi ako makapaniwala na nakuha mo pang itanong sa akin iyan." Tumaas ang aking kilay sa narinig.
"Isabella, kung ikaw pa ay madadapa, sa nguso ka ba ng ibang tao babagsak? Hindi ba dapat ay sa lupa?" 

"Sarcasm at the highest level. I love it." Tumatawang wika ni Patricio.

"At kung hindi mo nais na may lumalapit sa iyo, dapat mo itong itinutulak palayo, hindi ba?" Tanong ko muli.
"Eh bakit hindi mo itulak palayo si Matt?" Naghahamong tanong ni Nicolo sa akin.
"Marahil ay dahil nais ko siyang lumapit sa akin." Walang ganang sagot ko.
"Fucking shit." Wika ni Nicolo at ibinagsak ang kubyertos sa pinggan. Tumayo siya ng mabilis dahilan upang bumagsak ang silya patalikod at nagdadabog na umalis.

"I haven't seen Kuya this affected." Tumatawag wika ni Patricio kay Isabella.
"Uy, Cat, grabe ka naman magselos." Nanunuksong tumingin si Isabella sa akin.
"Hindi ako nagseselos." Kandahaba ang nguso ko sa pagsagot.
"Ang cute mo. Pero hindi ka marunong magsinungaling." Sagot ni Patricio.
"Sobrang selos na si Kuya, huwag mo ng dagdagan." Ang sabi ni Isabella.
"Si Nicolo? Kanino? Kay Antonia?" Panginoon ko...
"Tanga hindi. Hindi mo talaga alam? Manhid ka ba?"
Nasabihan na ako ng tanga, nasabihan pa ng manhid. Aba, Patricio!

"Una sa lahat hindi ako tanga. Pangalawa, hindi ko alam ang inyong sinasabi..."
"Pangatlo, manhid ka Cat. May gusto sayo si Kuya." Wika ni Isabella na ikinabaling ng leeg ko sa kanya.
"Si Nicolo? May pagtingin? Sa akin?" Hindi ako makapaniwala.
"Manhid nga 'to." Bulong ni Patricio. "Oo may pagtingin sa iyo." Pagsang-ayon ni Patricio.
"Wala siyang sinasabi." Katwiran ko.

"Kailangan pa bang sabihin?" Tanong ni Isabella sa akin.
"Hindi ko naman alam kung ano ang iisipin sa kapatid nyo. Minsan nakangiti, maya-maya sinisigawan ako. Kung may pagtingin siya sa akin, bakit hindi niya sinabi? Ano ako, manghuhula?"
"Sya nga naman." Natatawang sagot ni Isabella.
"Dahan-dahan sa pagpapaselos kay Kuya. Hindi iyon sanay ng humahabol. Siya kasi ang hinahabol ng mga babae..." Naputol ang sasabihin ni Isabella ng may bumalibag na pintuan sa itaas.
Natawa silang magkapatid. "Ayun na nga... May babagsak na pintuan." Sabi nito.

Panginoon ko, may pagtingin si Nicolo sa akin. Hala!

Napapangiti ako ng kusa habang kumakain kami.
"Kinikilig si Cat." Tukso ni Patricio.
Halata ba?
"Hindi naman." Tanggi ko.
"Mamumula ang tenga mo." Turo ni Patricio.
Hindi ko na nakayanan, nagtago na ako sa likod ng kamay ko.
"Crush mo si Kuya Nicolo." Tukso ni Isabella.
"Ano?"
"May pagtingin ka sa kanya." Panunukso nila sa akin.
Panginoon ko, marahil nga.
"Wala." Pagtanggi ko.

"Sige na nga wala. Kung wala kang crush kay Kuya, mag-usap kayo sa library." Tinuro ni Isabella ang ikalawang palapag.
"Tanungin mo kasi kung ano ang problema niya. Hindi yung nag-aaway kayo parang magsyota di naman kayo mag-on." Dagdag ni Patricio.
"Hindi ko maintindihan ang huling pangungusap mo."
Napabuntong hininga si Patricio at itinuro ang ikalawang palapag.
"Mag-usap kayo." Mariing wika niya. "Pwera na lang kung may pagtingin ka sa kanya at nagseselos ka kay Antonette."

Upang mapanindigan ko ang kahangalan ko sa pagsisinungaling, pikitmata akong tumayo at marahang tinungo ang silid-aklatan dala ang isang tsokolate galing sa palamigan.

Naiiling si Isabella at Patricio sa kakatawa ng makita ang dala ko

Huminga ako ng malalim ng nasa tapat na ako ng pintuan at kumatok.
"Nicolo," Tawag ko mula sa nakasaradong pintuan at marahang kumatok.
"Maari bang pumasok?"

Hindi siya kumikibo kung binuksan ko ang pintuan. Nakatingin si Nicolo sa akin mula sa lamesa.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Galit ka ba?"
Napapikit siya at hindi ko maintindihan ang sinabi.
"Umalis ka na, Cat." Taboy niya sa akin.
"Huwag kang mag-alala, aalis din naman ako at hindi mo na muling makikita." Wika ko sa katotohanan.
  "Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Sagot niya na parang gusto na akong sakalin.

Lumapit ako sa lamesa at inilapag ang isang tsokolate na galing din naman sa kanya.
"Wala akong maibigay sa iyo. Paumanhin sa inasal ko."
Dahil ako ay nagseselos, inaamin ko na. Ngunit mo na kailangang malaman pa.
Tumayo si Nicolo at lumapit sa akin. Nakahalukipkip siyang tumayo sa harapan ko.
"Hindi ko kasintahan si Antonette."
Tumango ako kahit masakit sa pandinig.
"Hindi talaga. Naiinis ako kasi ayaw mong maniwala."
"Naiinis ako sapagkat... ako ay na..." sasaktan. Hindi ko masabi.
"Nagseselos ako kay Matt, Muning. At huwag mong tanungin kung bakit, malapit na kitang sakalin."
Napahawak ako sa leeg ko. Nagagalit na naman siya.
"Gusto kita, napakamanhid mong babae ka."

Nahinto ako sa paghinga ngunit hindi ang tibok ng puso ko.

"May...pagtingin ka..." Nauutal ako na hidi makapaniwala.
"Hindi ka pa rin naniniwala?" May lungkot sa mga mata ni Nicolo ng bitawan niya ang tanong na iyon.
"Naniniwala." Mahinang sagot ko.
"Good. Ngayon hintuan mo yang pakikipagkita kay Matt bago pa ako tuluyang magwala at makalimutan kong magpinsan kami."

Beket genen... Ang ibig kong sabihin, bakit ganoon? Kinikilig ako...ng sobra. Pilit kong itinago ang ngiti ko.

"Huwag mo ng itago ang kilig mo, Muning." Bulong ni Nicolo at hinila ako palapit sa kanya.
"Hindi ako kinikilig." Tanggi ko.
Niyakap. Ako. Ni. Nicolo. Panginoon ko.
"Muning, hindi pala kita gusto." Sabi niya. Nawala ang ngiti ko at pilit akong bumitaw sa kanya.
"Sinisinta pala kita." Wika niya.
Sinisinta... At ang aking ngiti ay hindi ko na napigilan at sumilay iyon kasabay ng pagtimo ng sinabi niya sa aking puso at isipan.

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon