Kabanata 17

11.9K 578 24
                                    

"Ano ang plano mo, Cat?" Tanong sa akin ni Nicolo ng naglalakad kami papunta sa kanyang kotse pagkatapos kong magnovena.
"Saan?"
"Sa buhay mo."
Nagkibit ako ng balikat.
"Hindi ko alam ang aking gagawin, Nicolo. Ako ay natatakot bumalik sa aking panahon ngunit batid ko na hindi ko mababali ang aking hiling kay Tala." Wika ko.
Naupo ako sa ilalim ng isang puno sa tabi ng simbahan. Noong panahon ko, dito ko adalas hintayin si Isabella sapagkat mabagal itog kumilos. Parati kaming nahuhuli sa misa at napapagalitan ng aming mga ina.
"Kailangan ka bang bumalik?" Tanong ni Nicolo at tumabi siya sa akin.

Ako lamang ba ang nakakaramdam ng mumunting pakiramdam na akala mo ay mga langgam na gumagapang sa aking balat sa tuwing magkakatabi kami?

"Iyon ang aming kasunduan."
"Paano, kunyari may nagustuhan ka dito?" Tanong muli ni Nicolo.
"Hindi ko rin alam. Maari kong tanungin si Tala kapag nagkita kaming muli. Iyon ay kung hindi siya masungit."
"Si Tala... yung babaeng bigla na lang sumusulpot?" Nagtatakang tanong ni Nicolo.
"Siya nga. Isa siyang diwata."
Napanganga si Nicolo at biglang tumawa. "Puro ka kalokohan din, ano? Halika na umuwi na tayo. Tuturuan pa raw kita ng sayaw."

Naunang tumayo si Nicolo at nilahad ang kanyang kamay. Nag-aalalangan akong kuhanin ang kamay niya ngunit...
"Kailangan mong masanay sa simpleng paghawak ng kamay, Catalina."Sabi nito.
Kung kaya ibinigay ko ang aking kamay sa kanyang kamay na nakalahad. At dumaloy muli ang kakaibang pakiramdam.
"Nararamdaman mo ba iyon?" Tanong ko sa kanya. Nakatitig siya sa akin at hidi ko mawari ang kanyang iniisip.
"Ang alin?" Tanong ni Nicolo. Hinila niya ako patayo ngunit hindi binitawan ang aking kamay.
"Ang mumunting pakiramdam na tumutulay aking balat sa tuwing magkakadaiti tayo?"
Hindi kumibo si Nicolo. Pinisil niya ang aking kamay bago binitawan.

"Nicolo... may itatanong ako sa iyo. Huwag ka sanang magalit."
Ginusulo ito ng aking isipan sapagkat... hay... hidni ko alam ang dahilan.
"Ano yun?" Tanong niya habang nasa daan ang paningin.
"Hindi ba kayo magkakaaway ni Antonia sa pagtulong mo sa akin?"
"You mean si Antonette? Hindi, bakit naman?" Balik na tanong niya.
"Dahil... kayo ay magkasintahan."
Tumawa si Nicolo at umiiling-iling. "Ang lakas makalolo ng salitang kasintahan. For the record, hindi ko siya KASINTAHAN." Sagot nito.

"Kung ganoon ay bakit kayo nagniniig?" Nahihiyang tanong ko.
"Chismosa ka din, ano?"
"Ano ang chismosa?"
"Mausisa." Sagot niya.
"Ahhh... Nagtataka lamang ako. Sa panahon ko kasi, ang unang halik ay iginagawad sa araw ng kasal." Pagkukwento ko. "O kung hindi naman ay sa unang pag-ibig."

"Nahalikan ka na ba?" Biglang tanong niya.
"Ay tampalasan ka. Hindi ka dapat nagtatanong ng ganyan sa isang dalaga."Pangaral ko kay Nicolo.
"Teka, ikaw ang unang nagbukas ng usapan." Katwiran niya.
Nagkandahaba ang nguso ko. May punto siya. "Hindi pa." Sagot ko.
"Kahit ni Nicolas?"
Umiling ako.
"Si Mateo?"
Umiling muli ako.
"Mabagal sila." Wika ni Nicolo at saka tumawa.
"Hindi nakakatawa. May paggalang lamang sila." Pagtatanggol ko sa dalawang lalaki na manloloko. Bakit ko nga ba sila ipinagtatanggol pa?

"Huwag mong hahalikan si Matt, Catalina." Biglang naging seryoso si Nicolo.
"Bakit naman hindi?"
"Dahil... bawal. Isusumbong kita sa nanay mo." Sabi niya. Hidni ko alam kung nagbibiro ba siya.

Pagdating namin sa kanilang tahanan, paalis naman si Patrico at Isabella. May dala silang mga maleta.
"Saan ang inyong punta?" Tanong ko sa kanila.
"Sa Maynila. May pasok na kami sa eskwela." Sagot ni Patricio.
"Kayo ay mag-iingat." Bilin ko.
"Opo, lola." Biro naman ni Isabella sa akin.
"Kuya, turuan mo si Cat magsayaw."Bilin nito habang palabas ng kanilang tahanan.

Kung aalis sila ng bahay, ibig sabihin kami na lamang ni Nicolo ang maiiwan dito.
Panginoon ko. Biglang kumabog ang aking dibdib.
"Hihintayin kita sa silid-aklatan, Cat." Wika ni Nicolo. Nauna siyang pumanik sa hagdanan.

Panginoon ko, heto na naman. May mumunting paru-paro sa aking tiyan.

Sumunod ako kay Nicolo sa sild-aklatan at mayroon ng malamyos na tugtugin sa loob ng silid. Ako ay biglang nailang sa kadahilanang kami lamang dalawa sa silid at wala si Isabella o Patricio na maaring pumasok sa silid na ito at makisalamuha sa amin.

"Pasok ka, Cat. Kailangan mo ng sanayin ang Walts. Hindi naman mahirap isayaw. Sundan mo lamang ako." Sabi ni Nicolo sa akin. Pumasok ako sa silid at nakatayo sa gitna.

Lumapit si Nicolo sa akin. Kung bakit ang puso ko ay hindi tumitigil sa malakas na pagkabog ay hindi ko alam. Napasinghap ako ng hawakan niya ng isang kamay ang aking bewang at ang isa pa niyang kamay at hawak ang aking kamay.
"Ilagay mo ang kamay mo sa balikat ko." Utos niya.
Inilagay ko naman ang aking kamay sa kanyang balikat.

Matangkad si Nicolo. Halos nasa balikat lamang niya ako. Kaya hindi ko alam kung saan ako titingin gayong sobrang lapit ng aming katawan. Natingin ako sa kulay pulang kamiseta niyang suot at sa kanyang malapad na dibdib.

"Tumingin ka sa akin, Cat." Sabi niya.
At unti-unti akong nangahas na iangat ang aking mga mata. Mula sa kanyang kamiseta patungo sa kanyang leeg paakyat sa kanyang mapulang labi na nakabuka ng kaunti at sa huli ay ang kanyang mata na akala mo ay gabi.
"Do not look at me like that." Ang sabi niya ngunit hindi ko naman naunawaan.

Nalulunod ako sa aking mga nararamdaman na hindi ko mabigyan ng pangalan.

Nakagat ko ng bahagya ang aking labi sapagkat kusang bumubukas ang aking bibig. Nahahawa sa labi niyang nakaawang. Nakatitig si Nicolo sa aking mga mata. Ano kaya ang nakikita niya?

"Cat," Tawag ni Niclo sa aking pangalan.
"Ano iyon, Nicolo?"
Huminga siya ng malalim at pumikit sandali.
"Bukas na tayo mag-ensayo." Wika niya at parang napapaso siyang bumitaw sa akin.

Humakbang siya palayo, papunta sa may pintuan.
"Bukas na lang, may gagawin pala ako." Sabi nito.

Hindi ako nakapagsalita. Hinahabol ko ang aking paghinga ng lumabas siya ng silid. Ano ang nangyari? Sa sandaling oras na nakatayo kami ay parang tumigil ang mundo ko.

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon