CHAPTER 12

206 14 0
                                    


Athena's POV:
"Ayan na sya dali!" Sabi ni Sarina sakin.

Tapos ay hinarang ko Yong paa ko sa daanan upang mapatid si Danica.

"Hahaha, look ang dumi nya!" Sabi ni andrea.

"Napakalampa naman pala nitong GIRLFRIEND ni Nico." Sabi naman ni Sarina.

Nadapa kasi ito sa putik dahil umulan.

"Ano ba sa tingin nyo ang ginagawa nyo? Nakakatuwa ba na nakakasakit kayo?" Tanong nya sakin.

Actually Hindi ko gusto ang mga ginagawa ko. Labag ito sa loob ko pero dahil sa mga sulsol ng mga kaibigan ko ay ginagawa ko ito.

"Gusto ka kasi naming pahirapan. Alam mo yon, isa ka kasing higad. Bitch, biruin Mo nilandi mo si Nico, oh come on. Kung si Nico ay napapaniwala Mo sayo. Well wag kami." Sabi ni Sarina sabay tulak kay Danica.

"Athena, ano pang ginagawa mo dyan? It's your turn." Sabi ni andrea.

Ayokong mapahiya sa mga kaibigan ko kaya nilapitan ko sya.

Kailangan kong maging maldita para ipakita na matapang Ako.

"Hey bitch, sa tingin Mo maaagaw Mo Sakin si Nico, pwes nagkakamali ka." Sabi ko.

"Wow, sa tingin Mo, sinong mas malandi satin ngayon? Athena pwede ba, Hindi ka Mahal ni Nico kaya please lang layuan Mo Na sya." Sabi nya.

Nasaktan naman ako sa sinabi nya.

"What the, hoy ang kapal talaga ng mukha Mo!" Sabi ni Sarina sabay hablot ng buhok ni Danica.

"Ano ba?" Sabi ni Danica at sinabunutan rin Niya Sina Sarina and andrea na pinagtutulungan sya.

Pinagtitinginan naman kami ng mga tao.

"Athena ano pang ginagawa mo dyan?" Sabi ni andrea kaya lumapit Ako at sinabunutan ko Rin sya.

"Ang kapal talaga ng mukha mong babae ka!" Sabi ni andrea.

"Napakalandi Mo." Sabi naman ni Sarina.

"Tigilan Mo Na ang panlalandi kay Nico pwede ba?" Naiinis kong Sabi. Kanina ayokong sabunutan sya pero kasi Yong emotions ko ay Di ko madaya.

"Aray, Tama na!" Sabi ni Danica.

Hinila naman ni Sarina ang damit ni Danica kaya nasira ito.

Napabitaw sya sa pahkakahawak sa buhok Namin at napahawak sa damit nya.

"Nararapat lang yan sayo, napakalandi Mo." Nang akmang sasampalin ko Na Sya ay biglang may humawak sa kamay ko.

"Stop!"

"Ma..Mark? Bakit Mo Ako pinipigilan?" Tanong ko sa kanya.

Nakatitig ito sa akin ng masama.
Oo si mark at hindi si Nico.

"Sa tingin Mo ba kung gagawin Mo ito ay mapapansin ka ni Nico? Athena Hindi, mas magagalit pa sya Sayo." Galit nitong Sabi.

Si Brian naman ay inalalayan si Danica na tumayo. Habang si Sarina at andrea naman ay iniwan Ako.

Biglang tumulo ang luha ko.

"Di ba talaga Ako ka Mahal Mahal mark?" Tanong ko.

Mark's POV:

Alam kong hindi masama ang ugali ni Athena, kaya pinigilan ko sya sa pananampal kay Danica.

"Kelan ka ba talaga makakalimot kay Nico? Athena Tama na yan, nagpapaapekto ka kasi sa mga barkada Mo. Athena pwede ba, itigil Mo Na yan. " Sabi ko sa kaya.

Napatingin naman sya kay Brian.

"Bakit sakin Mo yan sinasabi huh mark? Bakit Hindi Mo yan sinasabi sa manloloko mong kaibigan?" Sabi nya.

"Wag mong ilipat ang sinasabi ko sayo sa iba Athena." Sabi ko sa kanya.

"Athena pwede ba, kinakalimutan na Kita. Gusto ko nang makalimot sa kung Anong Meron tayo noon. At konting panahon na lang, malilimutan na Kita. May Nakita na kasi akong iba." Sabi ni Brian na ikinagulat ko.

"Mabuti, Brian sana Yong babaeng yon ay Di Mo Na lokohin. Masakit kasi" Sabi nya.

"Brian dalhin Mo Muna si Danica sa locker nya, Danica may extra uniform ka ba Doon?" Tumango naman sya.

"Sige na." Sabi ko sa kanila.

"Let's go" Sabi ni brian kay Dan.

Hinila ko Naman si Athena.

"Hey saan Mo Ako dadalhin?" Tanong nya.

"We need to talk." Sabi ko.

"Tungkol saan?" Tanong nya pero Di ko Na isa sinagot pa. Dinala ko sya sa garden na kung saan walang tao.

Umupo kami sa bench.

"Athena bakit Mo ginagawa ito?" Tanong ko sa kanya.

"Mali na ba ngayon ang magmahal?" Tanong nya.

"Di Mo kasi Ako naiintindihan, kapag Mahal Mo ang isang tao kailangan ipaglaban Mo, I love Nico very much. He is the only person who believe in me. Si Nico Yong tipi ng lalaki na iba sa lahat. Ewan ko ba, bakit nagpapakatanga Ako sa kanya." Sabi nya

"Sinubukan Mo Na ba syang kalimutan?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa, at ayokong kalimutan sya. Di ko malilimutan ang lalaking gaya nya." Sabi nito.

"Makakalimutan Mo sya, magtiwala ka." Sabi ko.

Tinitigan nya naman Ako, maya maya pa ay tayo na sya.

"Aalis na ako." Sabi nya.

"Makakalimutan Mo sya, tutulungan Kita." Sabi ko sa kanya.

At tuluyan na syang umalis sa garden at naiwan naman akong mag-isa.

My Enemy, My DestinyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora