CHAPTER 34

146 12 0
                                    


Nico's POV:

"Anak magbihis ka na. Malapit na mag alas syete, nakakahiya kay Andrew na malate tayo." Sabi ni dad.

Walang gana naman akong tumayo sa higaan ko.

"Okey dad." Yan lang ang nasabi ko kay daddy.

Lumabas na siya ng kwarto ko.

Ako naman ay naligo at nagbihis na ng damit ko.

Mga 30 mins akong nangprepare.
Simple lang ang suot ko. Nagpolo lang Ako na color white at nagpantalon na black.

Agad akong bumaba matapos kong mag-ayos.

"Let's go Nico." Sabi ni daddy sakin.

Napabuntong hininga muna ako Bago Ako tumango sa kanya.

This time parang ayaw ko nang ituloy ang pagpapakasal sa anak ni sir Andrew. This time parang gusto ko nang mag walk out. This time parang Ang bigat ng pakiramdam ko. And this time, parang mas gusto kong piliin si Danica.

Nasa huli pala talaga ang pagsisisi.

"Nico are you okey?" Tanong ni daddy sakin.

Tumango naman Ako.

"Anak, huli na ang lahat. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo but you choose it. So kailangan mong tanggapin ang consequences." Sabi ni dad habang nagmamaneho.

Napayuko nalang ako at tumahimik. Hanggang sa nakarating na kami sa restaurant na pupuntahan namin.

Pumasok kami at may nag assist sa Amin patungo sa reserved table.

Pagdating namin ay si Mr. Andrew pa lang ang naandoon.

"Good evening Mr. Valdez, I'm glad that you are here. Sya na ba si Nico?" Tanong ni Mr. Perez sa akin.

"Ah oo sya na nga ang anak ko. Nico this is your Tito Andrew." Sabi ni daddy sakin.

"Hello po." Yan lang ang nasabi ko Nung nakipagkamay siya sa akin.

"By the way, narito na rin Ang anak ko. Pumunta lang ng CR." Sabi ni Mr. Perez

Umupo ako sa upuan. Magkatabi si Daddy at si Mr. Perez, ako naman ay nasa kabilang side ng table at may isang vacant seat Doon para daw sa fiancee ko.

Kinilabutan nga Ako sa mga sinasabi nila.

Maya Maya pa ay may nagsalita sa likuran ko.

"Dad sorry natagalan po Ako sa CR." Sabi nito.

Teka, familiar Yong boses niya. Parang narinig ko Na ito. Di ko lang Alam kung saan at kung kailan.

Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses nito at napatayo ako dahil sa nakita ko.

"Oh Andrea hija nandyan ka na pala?" Sabi ni Mr. Perez.

"Nico nabigla ka naman ata sa kagandahan ng anak ko." Dagdag pa nito.

Napakunot ang noo sa kanya siya naman ay ang lapad ng ngiti.

Oo si Andrea Perez, ang isa sa dating kaibigan ni Athena na umaapi kay Danica. What the? This time parang gusto ko Na talagang magwalkout.

Nag-init Bigla ang dugo ko sa kanya.

"Andrea maupo ka na." Sabi ni daddy.

Tumayo siya sa tabi ng upuan at Hindi pa umupo.

"Di Mo ba Ako ipaghihila ng upuan?" Tanong niya.

What the? Assuming. Kaya nya namang hilahin Yong upuan.

Inis akong tumayo sa upuan ko at pinaghila siya ng upuan.

"Thanks!" Sabi niya.

Grabe nanggigigil ako sa babaeng toh ah?

Nakakabwesit.

"Alam nyo bagay kayo." Sabi ni daddy.

Yuck dad. Gusto ko siyang sipain ngayon, dahil nga nakakabwesit ang mga kinikilos niya.

"Salamat Tito." Sabi niya.

"Nico Hijo Wala ka bang balak sabihin? Masyado ka namang tahimik." Sabi ni Mr. Perez.

"Tahimik lang talaga yan ang anak ko kapag Hindi pa niya Kilala. Masyado kasi yang mahiyain." Sabi ni daddy.

"Ah ganun ba? Alam mo Nico wag ka nang mahiya sa Amin. In the future, magiging father in law mo rin ako while my daughter will be your wife." Sabi niya.

Grabe, iniisip ko palang na maging Asawa si Andrea ay parang gusto ko Na siyang iwanan. At iniisip ko palang na ikakasal ako sa kanya ay gusto ko nang tumakbo.

Kumain naman muna kami ng inorder nila.

Si Daddy at si Tito Andrew ay nagkwentuhan. Si Andrea naman ay Tanong ng Tanong sa akin ng kung ano ano.

Oo, Hindi , pwede, yes yeah.

Yan lang ang mga sagot ko sa kanya.

Naramdaman niya siguro na Ayoko siyang kausap kaya tumahimik na rin siya.

Matapos naming kumain ay napagpasyahan na ni Tito Andrew na umuwi.

"Salamat nga Pala Nicholas." Sabi ni Tito Andrew.

"Your welcome!" Sabi naman ni daddy.

"By the way nico,sa tingin ko magkakasundok kayo ni Andrea." Sabi nito sabay ngiti nang malapad.

"Sige Alis na kami. Bye." Sabi ni Mr. Perez.

"Bye Nico." Sabi naman ni Andrea.

Walang gana naman akong nagwave sa kanya.

At umalis na sila.

"Nico, mukhang Di Mo ata gusto si Andrea?" Tanong ni dad Nung nasa kotse na kami.

"Dad, I hate her personality." Sabi ko

"Anak, no choice ka na. At kailangan mong tanggapin na siya na ang mapapangasawa Mo." Sabi niya.

Napabuntong hininga Ako.

Di ko Alam ang gagawin ko.
Parang gustong sumabog ng utak ko.

"Sya nga Pala, bukas may date kayo. Getting to know each other." Sabi ni daddy.

Napailing naman Ako at sinabing

"Okey dad."

Di magfunction ng maganda ang utak ko hanggang sa nakauwi kami ni dad.

Pumasok agad ako ng kwarto at kinuha ang phone ko.

Tinignan ko ang mga pic Namin ni Danica. At nalungkot ako ng Bigla.

"Dan I'm so sorry." Sabi ko.

Pinatay ko ang phone ko at inihagis ko ito sa unan ko.

My Enemy, My DestinyWhere stories live. Discover now