CHAPTER 14

196 11 0
                                    


Danica's POV:

Hay Salamat, buti lang nawala na Yong pagkagusto ko kay Brian. Sabi nya kasi ay ayaw nyang agawan si Nico sakin kaya wag daw sya. Sinabi nya yon noong umalis kami kina Athena.

"Babe, nandito ka lang pala kanina pa Kita hinahanap." Dugdug... Dugdug.. what the? Yong puso ko abnormal na.

NagSimula ito noong nasa gym kami noong yakapin nya Ako sa likuran.

"Tskk.. alam kong gwapo Ako kaya pwede ba wag Mo akong titigan ng ganyan. Alam mo namang sayo lang ako eh." Sabi nya sakin sabay akbay.

Oh my, Di ito maaari. Whaa.. nahuhulog na ba Ako? Save me Lord..

"Alam mo paepal ka, kapal ng mukha nito." Sabi ko sa kanya.

"Ano naiinlove ka na ba sa mala anghel na si Nico?" Tanong nya sakin.

"Asa, peste ka. Paano nagkaroon ng anghel na mahangin ah? Mag-isip ka nga!" Sabi ko sa kanya.

"Alam mo kahit kelan talaga iniinis Mo Ako eh Nuh? Salamat ka Mahal Kita." Sabi nya.

"Tse. Mahalin Mo mukha Mo. Ayoko na sa laro na ito." Inis kong Sabi.

"Oi wag ka nang magtampo, Sige mambababae Ako.." Sabi nya.

"Subukan Mo lang talaga at mapapatay ko yang babae Mo." Oi wag assuming, sa isip ko lang yan.

"Paki ko." Mataray kong Sabi.

"Loyal kaya ito Nuh? Kahit laro lang ang Meron tayo, Di Kita lolokohin pangako." Sabi nya.

"Tara na nga, baka saan pa mapunta ang usapan natin." Sabi ko at umalis na nga kami ay pumunta sa classroom.

Someone's POV:
"Talaga po dad?" Tanong ko sa kanya.

"Yes darling, pumayag na ang kaibigan Kong si Nicholas sa plano ko." Sabi ni daddy.

"Papayag ba si Nico?" Malungkot kong Sabi.

"Anak, nalulugi na ang negosyo nila at isa pa, malapit na ring bumagsak ang school ninyo. Kailangan ni Nicholas ngayon ng Pera kaya kahit na ayaw man nya na idamay si Nico ay sumugal sya. In fact Wala nang magagawa pa si nico ." Sabi ni daddy.

"Thank you dad. Your the best!" Sabi ko sabay yakap kay daddy.

"Basta para Sayo my dear." Sabi no daddy sakin ng nakangiti.

My Enemy, My DestinyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora