CHAPTER 35

168 10 0
                                    

Danica's POV:

After 3 days na pagtatago ko sa kwarto ko ay pumasok na rin ako sa school.

Naglakad ako papunta ng flag pole dahil may flag ceremony kami every morning.

Pumila ako sa line kung saan ang section namin.

"Danica okey ka na ba?" Tanong sakin ni lea.

Tumango naman Ako.

"Okey lang yan Dan, nandito kami para Sayo." Sabi ni Athena.

"Kung pakikinggan mo lang sana ako Dan, at if ever na kaya Mo Na akong tanggapin ulit, I'm here." Sabi ni Gabrielle sakin.

Yes, naging close na rin ng barkada si Gabrielle kaya lumalayo na rin sa kanila si Nico.

Ano ba yan, Nico ka na naman Danica.

Nakita ko si Nico na nasa tabi ni sir. Valdez, haha ang tanga ko ba? Ngayon ko lang kasi nalaman na Kila Nico pala itong university. Kaya pala NV.

After ng Lupang hinirang, panatang makabayan, at panunumpa umakyat sa stage ang isang teacher.

"Okey students today may importante tayong announcement, Hhsbwlajldnlna" basta kung ano ano pa ang sinabi niya. Di Naman ako nakikinig dahil nga lutang pa rin ako hanggang ngayon.

"Maaari ma kayong pumasok sa kanya kanya ninyong klase." Sabi ni maam.

Kaya nagsulakad na kami pero biglang may nagsalita sa microphone.

"Sandali lang." Sabi ni Mr. Valdez, principal siya at siya rin Ang papa ni Nico.

Nagsibalikan naman ang mga estudyante.

"May sasabihin lang Ako." Sabi niya.

At nakakuha ito ng atensyon ko.
Then Di ko maiwasan na tignan si Nico, siya naman ay nakatingin sa akin. Ang lungkot ng mukha niya at parang puyat. Nang napansin niya na nakatingin din Ako sa kanya ay umiwas ito.

Grabe, biglang kumirot ang puso ko.
Napayuko naman Ako, this time parang tutulo na ang luha ko.
Oo, nasasaktan kasi ako, hinawakan naman ni brian ang balikat ko.
He said ,
"Dan tibayan mo lang ang loob mo."
Nginitian ko Naman siya.

Nagsalita naman ulit si sir.

"Today ay may ia-announce ako, isa sa pinakaimportanteng bagay para sa akin, at lahat ng estudyante Dito sa NV ay invited, Dahil sa darating na sabado ay gaganapin ang engagement Party ng aking anak nasi Nico Valdez at ang kanyang mapapangasawa na si Andrea Perez."
Sabi ni sir. Umakyat naman si Nico at Andrea sa stage.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, si.. si... Si Andrea ang pakakasalan niya?

"A..a..a. te.. Teka.. si.. si... Andrea?" Nalilitong tanong ni Athena.

"Bakit siya?" Tanong ni brian.

"Yang bruha na yan ang pakakasalan ng pinsan ko?" Di makapaniwalang tanong ni Gabrielle.

Ako naman ay nakatingin lang sa kanila.

Yong mga estudyante naman ay nagbulong-bulungan na.

"Totoo?"
"Oh my, bagay talaga sila"
"Paano si Danica?"
"Wait nalilito ako."

Nakita ko Naman si Andrea na ang lapad ng ngiti.
At nakatingin ito sa akin.
Si Nico naman ay nakayuko lang.

Bigla naman akong hinila ni Gabrielle paalis sa Linya.

Nagsipagsunuran naman sila Athena, Brian, Lea and mark.

Di ko pala namalayan na umiiyak na ako kanina.

My Enemy, My DestinyWhere stories live. Discover now