CHAPTER 22

179 18 1
                                    


Danica's POV:

Nakangiti akong naglalakad ngayon sa hallway dahil today ay sasagutin ko Na si Nico, parang tanga lang Ako Nuh?

Nangako kasi Ako kagabi kina lea and Athena na ngayon ko sasagutin si Nico.

FLASHBACK

Nasa mall kami ngayon at naglilibot-libot nang biglang may itinanong sakin si lea.

"Kelan Mo ba kasi sasagutin Yong pinsan ko?" Tanong ni Lea.

"Oo Na bess, ang sweet nyo kaya pag nag-aaway kayo." Sabi ni Athena.

"Sagutin Mo Na kasi si Nico."

"Oo nga."

"Ang gwapo kaya nya, naku kung sakali, Ikaw palang ang naging jowa nya."

"Ang swerte Mo kung sya magiging boyfie Mo."

Pinagtutulungan kasi nila Ako kaya umisip ako ng paraan.

"Pag sinagot ko si Nico baka mainggit si Lea. Sya nalang walang jowa pag nagkataon." Palusot ko.

"May gusto sa kanya si Brian, sya nalang jowain nya." Sabi ni Athena.

"Ate girl pano Mo nasabi?" Nakataas na Kila na Tanong ni lea.

"Manhid ka kasi te. Remember, ex ko si Brian. Ganyan sya noong magkagusto sya sakin." Sabi ni Athena.

"Back to the topic, kelan nga." Pag-iiba ni lea.

"Topic shifting ka din bess" Sabi ni Athena.

"Mahal Mo Na ba sya?" Tanong ni lea.

"Oo." Nahihiya kong sagot.

Halos ihagis ni lea and Athena ang mga dala nilang paper bags dahil sa kilig.

"Hala bess totoo?"

"Whaa.. sagutin Mo Na kaagad."

Sigaw nila. Kaya pinagtitinginantuloy kami ng mga tao.

"Ano ba, tumahimik nga kayo dyan." Sabi ko.

"So kelan nga?" Tanong ni lea. ang kulit talaga.

Napabuntong hininga Ako at nilakasan ang loob ko.

"Okey fine, bukas sasagutin ko Na siya." Sabi ko. At tuluyan na nilang naihagis ang mga paper bags na hawak nila.

"Whaa.. support Kita."

"Asahan ko yan ah."

"My gosh I can't believe it."

"Ano ba kinikilig ako." Sabi nila.

"Hoy mga loka, pulutin nyo nga yan Sabi ko sa kanila." At pinulot nga nila ang nga gamit nilang nagkalat.

END OF FLASHBACK

Kaya heto Ako ngayon at hinahanap sila.

"Alam mo ba bess may magta-transfer daw satin. Gwapo!" Sabi Nung isang student.

"Oo nga bess heartrob daw sa school nila." Sabi Nung isa.

Hayssst, ang aga-aga chismis. Naku naman.
At hinanap ko Na nga sila.

Natagpuan ko sila sa cafeteria.

"Nico!" Tawag ko, kumaway naman siya sakin at nginitian ako.
Lumapit ako sa kanila, kompleto na sila ako nalang ang kulang.

Pag tingin ko Naman kay lea and Athena, sobrang lawak ng ngiti sa mukha nila.

Nico's POV:
Naririto kami ngayon sa cafeteria ng dumating si Danica.
Ang weird nga, kasi si lea and Athena ay kanina pa ngiti ng ngiti, parang mga baliw.

My Enemy, My DestinyWhere stories live. Discover now