CHAPTER 37

149 11 0
                                    

Andrea's POV:

Handa na ang lahat ng kailangan kong Gawin ngayong gabi, Alam Na Rin ng Aquatria ang gagawin nila. Sinabihan ko Na rin si Vince na kailangang maganap ang lahat ay dapat walang palpak.

Tumango naman siya sakin. Haha, poor guy. Napailing nalang ako dahil kay Vince, by the way nasa back stage na nga Pala kami ni Nico ngayon. Hinihintay nalang namin ang tawag ng emcee. Sabi naman ni Sarina ay nandito daw si Danica kaya sigurado akong gagana ang aking plano.

Danica, sisiguraduhin kong luluhod ka dahil sa sakit ngayong gabi. Sisiguraduhin kong ang puso mong wasak ay mas madudurog at nanaisin mo nang mawala Dito sa Mundo.

Tinignan ko si Nico, tahimik lang siya sa kinauupuan niya. Kanina pa sya ganyan, at parang ayaw ng kausap.

Napailing ako, Nico bakit ba? Bakit ba kasi si Danica pa ang minahal Mo?

Maya Maya pa Ay tinawag na  si daddy and Tito Nicholas sa stage.

"Ngayon po ay tawagin na natin ang mga magulang ng couple, Mr. Valdez and Mr. Perez."

Hindi ko man nakikita ang nasa labas ay dinig na dinig ko naman ang mga sinasabi sa microphone.

"So ayan, maraming Salamat dahil naririto kayo ngayong gabi, I'm so happy for supporting my son and my future daughter in law. Thank you so much." Sabi ni Tito Nicholas.

Then si daddy naman ang nagsalita.

"I know na Alam ng bawat isa sa inyo na arrange marriage ang nangyari sa aking anak and kay Nico and it's because of some reason. But just like what Nicholas said, thank you because you are here. So Di ko Na patatagalin pa, tawagin na natin si Nico Valdez and my one and only daughter, Andrea Perez!" Sabi ni dad.

Tumayo si Nico at nauna na sa paglalakad sa akin.

"Ganyan ka ba talaga sakin? Di Mo man lang Ako aalalayan sa paglalakad?" Tanong niya.

"Sino ka ba? Andrea all this time Alam mo na si Danica ang Mahal ko." Sabi niya sakin.

Yes, Everytime na magkasama kaming dalawa ay pinapamukha niya sakin na hindi ako mahalaga sa kanya, oo nasasaktan Ako but nakakaramdam nalang Din naman Ako nito bakit Di ko pa itodo Diba?

Nginitian ko sya, at sinabing
"Nico just accept the reality, Hindi kayo para sa Isa't isa ni Danica! Nico wake up, ako na ang pakakasalan mo at Wala ka nang magagawa pa." Sabi ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming umakyat sa stage.

Walang emosyon ang makikita sa mukha niya, nang nasa Taas naman kami ng stage ay Nakita ko kaagad si Danica.

Halatang malungkot ito, lihim naman akong napangiti. Nico, binigyan mo pa ako ng dahilan para mas saktan pa ang babaeng Mahal mo. Maghintay ka, at makikita mo kung paano katindi ako kung gumanti, maghintay ka lang.

Danica's POV:

Nandito na kami sa kinauupuan namin ngayon at naka focus lang Ako kung sa stage kung saan naroroon ang lalaking Mahal ko, lalaking Mahal ko parin ngayon at lalaking Hindi ko maaaring akinin dahil nga ikakasal na siya sa iba.

Ibinigay ng emcee kay Nico at Andrea  ang mic.

Tinanong siya ng emcee.
"Mr. Nico Valdez, kumusta ang relationship with ms. Andrea?"

Halos ayaw niyang magsalita. Pero sinubukan nya pa rin.

"Ayos naman." Tipid niyang sagot.

Nagtama ang tingin namin ni Nico nagkatitigan kami at agad naman siyang umiwas.

My Enemy, My DestinyWhere stories live. Discover now