CHAPTER 20

197 16 0
                                    

Athena's POV:

Nakahiga Ako ngayon at inaantok pa, tapos biglang nagring Yong cellphone ko.

"I was dying inside to hold you..." Si Darren Espanto ang kumakanta. sinagot ko naman Yong tawag.

"E-ready Mo Yong room ko dyan, uuwi Ako. Magta-transfer na ako Sabi ni mommy para may makasama ka. Palagi daw kasi syang Wala kaya kailangan kong bantayan ka." Sabi nya sakin. Di man lang naghello Nuh? Sweet talaga ng kuya ko.

"Hoy kuya Tyler, makapag-utos ka bat sakin, pwede Naman sa mga maid. Kahit kelan talaga ang kapal ng mukha Mo." Sabi ko

"Common sense Athena, syempre iuutos Mo yon sa mga maid." Sabi nya sabay tawa.

"I hate you na talaga!" Sabi ko sa kanya.

"Athena sya nga Pala Diba sa NV University ka nag-aaral?" Seryoso nyang Tanong.

"Oo bakit?" Tanong ko.

"Doon dun kasi nag-aaral Yong Ex ko. Gusto ko kasing makipag-ayos sa kanya." Sabi nya.

"Haha, uso move on kuya." Sabi ko.

"Paki Mo ba? Sige na Alam kong nasa kwarto ka pa. Ayusin nyo Na room dahil Mamaya uuwi na ako dyan." Sabi ni Kuya. Sabay patay.

Haha pikon. Grade 12 pa lang din si kuya, matalino daw kasi Ako kaya Sabi Nung teacher Namin sa kinder ipasa na ako kaagad sa grade 1. Share ko lang.

So ayon na nga, bumangon na nga Ako at inutusan Yong mga maid na ayusin Yong room ni Kuya.

Friday na ngayon kaya pagkatapos kong sabihan Yong mga maid ay naligo na kaagad Ako at pumasok ng shool.

"Good morning." Bati kaagad sakin ni mark.

"Ang gwapo talaga ng manliligaw ko." Sabi ko sa kanya.

"Kelan Mo ba Ako sasagutin?" Sabi nya.

Natawa naman Ako.
"Excited Di makapaghintay?" Sabi ko.
"Balakajan, manliligaw nalang ako sa iba." Sabi nya.

"Sige subukan Mo, baka makapatay Ako ng babae ng wala sa oras." Pabiro kong Sabi.
"Kiligin na ba Ako dapat dyan?" Sabi nya.

"Haha, Ewan ko sayo." Sabi ko.
Dumiretso na kami sa cafeteria kung saan naghihintay Sina brian.
Oo, ayos na kami nila Danica, at parepareho na kaming nakalimot sa nakaraan kaya ayon, iisa na ang grupo Namin.

"Morning!" Sabi ni brian.

"Hoy bawal lumandi sa iba, magagalit si lea." Sabi ni Nico. Natawa naman Ako.

"Naku, yang brian na yan magkakagusto sakin, duh?" Sabi ni lea

May pagkamanhid din kasi sya eh.
Oo Alam kong may gusto sa kanya si Brian, ganun din kasi sya Nung Di nya pa Ako nililigawan .

"Ang manhid Mo kasi!" Sabi ni mark.

"Naku, tigil tigilan nyo nga Ako dyan." Sabi ni lea.

Haha, nakakatuwa silang Kasama lalo Na si lea and Danica, palagi nilang inaasar si Brian and Nico. Grabe, ang sweet nilang tignan pag nagkukulitan sila.

"Guys may sasabihin pala Ako." Sabi ni mark na nahpalingon sa kanila.

"Ano naman yon?" Sabi ni lea. Si lea talaga ang pinakamaingay sa grupo.

"Guys kami na ni Athena Tyler Smith." Sabi nya sabay akbay sakin.
Nagtaka naman Ako at napakunot noo.

"At kelan Kita sinagot?" Tanong ko.
"Babe naman." Sabi nya sabay pa cute. Hayyyst bakit ba kasi Ang gwapo nitong lalaking ito.

"Bro Di pa Pala kayo eh." Sabi ni Nico.
Nginitian ko Naman sila

"Nagkakamali kayo, ngayon sinasagot ko Na sya." Sabi ko. Nagpalakpakan naman sila Danica, at sumigaw.

"Whaa.. sawakas."

"Nice Broooo"

Si mark Naman ay binuhat Ako na pang bride.

"Whhooo. Yes sinagot na ako ni Athena." Sigaw nya kaya lahat ng estudyante ay nasaamin ang atensyon.

"Ibaba Mo nga Ako.." Sabi ko sa kanya.

"Sorry, masaya lang!" Sabi nya sabay baba sakin. Pagkababa nya sakin ay umakyat sya ng lamesa.

"Hoy anong gagawin Mo?" Sabi ko.
Natawa lang sila Nico sa ginawa nya.

"Trust me," Sabi nya sabay kinadat..

"Attention everyone! Malamang Kilala nyo Na Ako diba? Well oo Ako nga yong Casanova sa school but guys, simula ngayong araw na ito, Wala nang pwedeng lumandi sa akin dahil taken na ako. Ang gwapong nilalang na nasa harapan ninyo ay pagmamay-ari na ng isang babaeng nagngangalang Athena Tyler Smith, walang .maaaring manligaw sa kanya, dahil pag nalaman ko, kahit saang lupalop hahanapin ko sya.
Athena I love you! Pangako papakasalan Kita." Sabi ni mark na nagpapula sa aking pisngi at nagpakilig sakin.

"Ayiee so sweet naman" Sabi ni Danica.
Nginitian ako ni mark.

"From now on, sakin ka lang. At Wala Kang pwedeng landiin kundi ako lang." Sabi nya na mas nagpatibok ng puso ko.

My Enemy, My DestinyWhere stories live. Discover now