CHAPTER 24

160 11 0
                                    


Nico's POV:
Nasa garden ng school kami ni Danica at nakaupo sa bench uwian na kasi kaya Wala na Yong apat.

Ako naman niyaya si Danica Dito.

Nakaupo si Danica habang nakahiga naman Ako sa lap Niya.

"Dan, what if dumating Yong Araw na magkaroon ng hadlang sa relasyon natin, Anong gagawin Mo?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin naman sya sakin.

"Dalawa lang Naman ang kaya kong Gawin eh, ang ipaglaban ka o ang isuko ka. Naka depende sa sitwasyon. Kung mas maganda na bitawan ka gagawin ko, kasi masaktan man Ako para naman sayo ang gagawin ko. Pero hanggat may dahilan ako para ipaglaban ka, lalaban ako para sa ating dalawa." Sabi niya sabay ngiti.

Yong ngiti nya, biglang dumurog sa puso ko.

Di ko Alam kung ano ba ang pipiliin ko, so Danica ba o ang NV University.

FLASHBACK

"Nico we need to talk!" Seryosong Sabi ni dad.

"About what Dad?" Tanong ko

Napabuntong hininga siya Bago muling nagsalita.

"Anak didiretsahin na kita. Nalulugi na ang NV University, and Wala na tayong malalapitan pa. Ikaw nalang ang susi para maiahon ito. May dalawa kang pagpipilian. Una ang pumayag ka na magpakasal sa anak ni Mr. Andrew Perez upang maisalba ang NV o do kaya naman ay humindi, ngunit ang kapalit ay ang pagsasara nito." Sabi ni daddy.

Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko.

"Dad..." Sabi ko na Di makapaniwala.

"Nasasayo ang desisyon anak, Di Kita pipilitin." Sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

Ako naman ay naiwang nakatayo at nakatulala.

END OF FLASHBACK

"Nico Mahal Kita, pero kaya kitang bitawan kung saan ka mas sasaya." Sabi pa niya.

"I love you too Danica, Di ko man maipapangako na Di Kita masasaktan, tandaan Mo Mahal na Mahal Kita at mamahalin pa rin kita kahit na may napakalaking hadlang." Sabi ko sa sarili habang tinititigan si Danica na walang kaalam Alam sa aking mga nararanasan.

My Enemy, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon