CHAPTER 40

197 9 0
                                    

Danica's POV:

"Alam mo ba Danica, ngayong araw ay Papatayin kong lahat ng kaibigan Mo sa harap mo mismo? Papahirapan ko ang kuya na pinakamamahal mo at magiging akin ang lalaking Mahal na Mahal mo at Mahal ka." Sabi ni andrea habang naglalakad sa harap ko.

"Andrea ako nalang ang patayin mo kung gusto Mo, wag Mo Na silang idamay!" Sigaw ko sa kanya.

"Wag mo akong didiktahan Danica sa mga gagawin ko! Mamamatay ka sa sakit ngayong araw na ito, at sisiguraduhin kong mas masakit pa ang mararamdaman kesa sa sakit na idinulot mo sa akin. Danica it's time. My revenge is coming, ilang sandali nalang at matitikman Mo Na ang sinasabi ko. Maghintay ka lang Dani, maghintay ka lang!" Sweet nyang Sabi.

Nag-iinit talaga ang dugo ko kapag nakikita ko ang mala demonyong mukha ni Andrea.

"Andrea subukan mong saktan ang isa man sa kanila, magsisisi ka!" Sigaw ko.

"Sa tingin Mo ba may takot at awa pa ako? Danica Wala na kaya kahit anong sabihin mo Di na yan sa akin oobra!" Pang-aasar niya.

"Halang na talaga ang kaluluwa mo. Andrea buhay ka pa pero sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa mo!" Mariin kong sabi.

"Danica kumpare ko si satanas, at kahit kailan Di ko siya kinatakutan!" Sabi niya.

Napailing nalang ako. Kinain na nga ng ispirito ng demonyo si Andrea.

Ngayon na nga ba? Ngayon na nga ba ang katapusan ko? Dito na ba magtatapos ang buhay ko?

Panginoon pakiusap tulungan nyo Po Ako. Tanging dasal ko habang nakapaligid sa akin ang mga kampon ng demonyitang si Andrea.

Daniel's POV:

"Nico handa ka na ba sa gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo kuya handa na ako!" Sabi niya.

Desidido talaga siya na iligtas ang kapatid ko, I'm so happy dahil nakahanap si Danica ng lalaking mamahalin siyang totoo at kayang ibuwis ang buhay nito para sa kanya.

I tap his shoulder,

"Nico Salamat." Tanging nasabi ko sa kanya.

"Wala yon kuya, basta para kay Danica, handa akong Gawin ang lahat ng makakaya ko kahit na ibuwis ko pa ang buhay ko." Sabi niya.

Inilagay ko na ang posas sa kamay niya. At naglakad papasok ng hideout ng Aquatria.

Sa daanan pa lang ay bantay sarado na ang mga gang members ni andrea.

At tinititigan kami sa paglalakad.

Hindi naman bakas sa mukha ng mga kaibigan ni Danica ang takot.

Nang papasok na kami sa biglang hinarang kami ng isang lalaki, nagkatinginan sila ni Nico at parang nagkaintindihan ang dalawa, mukhang magkakilala ata sila.

Teka, mayroon bang Di sinasabi sa akin si Nico? Ang Alam ko ay school mate siya nila Nico.

"Let's go, hintayin nalang natin sila Doon sa bakanteng lote sa likod." Sabi nito. At tumango naman si Nico.

Naglakad kami patungo sa sinabi ng lalaking ito.

Iniwan niya kami at tinawag na Sina andrea.

"Nico, Kilala Mo ba Yong lalaking yon?" Tanong ko sa kanya.

"Yea kuya, siya si Vince Krayduis, classmate namin. Kuya, kaalyado natin siya." Sabi ni Nico.

Naguguluhan man Ako pero hinayaan ko nalang, walang masama kung magtitiwala ako sa kanya, this time ang kailangan namin ay faith.

My Enemy, My DestinyKde žijí příběhy. Začni objevovat