CHAPTER 42

166 12 0
                                    

Danica's POV:
"Ano okey na ba yang gamit ni Danica and Brian? Teka, asan na si kuya Daniel at ate Crystal? Nabayaran na ba Yong bill nila?" Sunod sunod na tanong ni Nico kina Athena

"Alam mo Nico hindi ka Rin excited na lumabas sila eh Nuh? Hindi halata." Sabi ni Athena na pang-aasar.

Napakamot naman siya ng Ulo.

Oo palabas na kami ng ospital ngayon ni brian at nandito silang lahat. Sina mommy ay umalis na dahil sa business namin at ganun din ang parents ni brian kaya si kuya Daniel at ate Crystal lang ang nag-aasikaso sa Amin.

"Alam mo Athena masyado ka talagang kontrabida sa buhay naming lahat. Pareho lang kayo ni Lea! Buti pa si danica my labs hindi katulad nyo. Diba babe?." Sabi niya sabay akbay sakin.

"Eww Nico nababaklaan ako Sayo ano eh.. kadiri ka!" Sabi ko na kunwari ay diring diri sa kanya.

"Ako bakla? Eh kung halikan kung halikan kaya Kita dyan." Sabi niya sabay lapit ng mukha sakin.

"Hoy NICO VALDEZ wag Mo akong gaganyanin, eh kung sapakin kaya Kita dyan huh?" Matapang kong sabi sabay akmang sasapakin siya.

Agad naman siyang lumayo at nagpout, haha ang cute nya. Kaya ang sarap nitong asarin ehh.

"Yackks Nico magtigil ka nga sa ginagawa mo Hindi bagay!" Sabi sakanya ni Lea.

"Hoy Lea tumahimik ka lang dyan." Sabi ni Nico.

"Hey dude walang ganyanan. Langya, boyfriend here." Sabi ni Brian sabay akbay kay Lea.

"Tssskk. Ang over protective bf talaga oo." Sabi ni Athena na umiinom ng kape.

"Bakit babe gusto Mo bang ganyan ako sayo? Over protective?" Tanong ni Mark habang nakayakap kay Athena.

"Tssskk. Naku Mark tigil tigilan mo ako! Pero tandaan mo ito huh, Makita lang kitang may kasama o nilalanding iba mayayari ka sakin!" Sabi ni Athena.

"Parang kaya kong ipagpalit ang brutal na babaeng tulad mo!" Sabi ni Mark.

"Good." Sabi ni Athena.

Pumasok na sina ate Crystal and Kuya Daniel sa room.

"Guys okey na lahat." Sabi ni kuya sa Amin.

"Gab anyare? Para ka na dyang pinagsakluban ng palanggana at drum?" Tanong ni ate Crystal kaya lahat kami ay napatingin kay Gabrielle na nag-iisa sa sulok ng room.

"Pffftt... Langit at lupa yon." Sabi ni kuya.

"Wala ka nang Paki Alam. Oh Gabrielle bakit nga?" Tanong ulit ni ate.

"Nakakabitter kasi ate, langya! Lahat sila may jowa tapos ako out of place." Walang buhay na Sabi ni Gabrielle.

Natawa kami sa sinabi ni Gabrielle. Haha, oo nga. Siya lang ang walang partner sa Amin.

"Yaan mo na, magkakajowa ka Rin. Not now but soon." Sabi ni ate.

"Ate may jowabells na yan! Tinatanggi lang." Sabi ni Athena.

"Hoy Athena Di ko nga Sabi jowa si kate." Sabi ni Gabrielle na walang kabuhay buhay.

"Oh sya Tama na yan! Gusto ko nang lumabas dito sa ospital nasasawa na ako Dito." Sabi ko sa kanila.

"Tara na nga!" Sabi nila at lumabas na kami sa kwarto namin.

Habang nasa van kami ay napansin ko na iba ang binabagtas namin na daan.

"Kuya saan tayo pupunta?" Tanong ni Mark

"Trust me, promise mag e-enjoy kayo." Sabi ni kuya.

"Weh? Totoo Daniel? Yiee na eexcite na ako!" Sabi ni ate Crystal sabay hila sa kamay ni kuya Dan na nagda drive.
Kaya gumewang gewang kami. Langya, Papatayin ba kami ni ate Crystal sa sobrang excite? Buti nalang ay walang gaanong sasakyan ngayon.

My Enemy, My DestinyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu