CHAPTER 1

4.4K 95 1
                                    

CHAPTER 1


Pagkatapos ng huling klase ay bumaba agad ako sa ground, naghanap ako ng concreate bench and table na pwedeng pwestuhan na hindi masyado matao.


Nilapag ko agad ang dala kong bag sa lamesa, umupo ako at binuksan ang bag para kunin ang mga libro.


Napahinto ako sa paglalabas ng mga libro ng maramdaman ang mga kamay na yumakap sa akin mula sa likod, kasunod non ang pagdampi ng halik sa aking pisnge.


Inayos ko muna ang suot kong salamin bago nakangiting bumaling sa kanya, napakaganda talaga niya.


"Hi babe, how's class?" Malambing na sabi nito at pinatong ang baba sa balikat ko, tinaas ko ang kanang kamay ko para akbayan siya.


Naupo siya sa lap ko at pinulupot ang kamay sa leeg ko, apat na buwan na pero naiilang pa din ako kapag ganito kami kasweet sa isa't isa lalo na kapag nasa public.


"Ayos naman. Ikaw?" Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko, napangiti ako. Kahit na kailan ay hindi siya nagsasawang lambingin ako.


"Argh! Babe, ang hirap ng activity namin kanina." Napangiti ako at hinaplos ang buhok niya.


"Sabi ko naman sayo mag-aral kapa ng mabuti." Naramdaman ko ang pag-nguso niya sa leeg ko.


"Babe."


"Hmm."


"You know that I love you right?" Naglalambing na sabi niya, hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at pinakatitigan siya.


Hindi ko akalain na magiging akin siya at ramdam ko na mahal na mahal niya talaga ako kahit hindi ako katulad ng ibang lalaki na gwapo, matikas ang pangangatawan, at mayaman.


"I know Devi, and I love you more. Mahal na mahal kita." Namula ang pisnge niya sa sinabi ko, dahan dahang nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.


Malapit ng maglapat ang mga labi namin ng makarinig kami ng malakas na hiyaw, mabilis kaming napalingon sa pinanggalingan ng malakas na sigaw.


"Ano yun?" Takang sabi ko.


"Tsk! Istorbo!" Napalingon ako kay Devi na nakasimangot, napangiti ako at hinawakan siya sa ulo at hinalikan ang noo niya. Napangiti siya ng magkatinginan kami.


"S-si Jossa!! Patay! Patay!"


Nakuha ang atensyon namin sa sumisigaw, nagkagulo na sa parte ng university kung saan galing ang babaeng sumisigaw.


"P-patay?" Naramdaman ko ang pag-alis ni Devi sa kandungan ko, napatingin ako sa kanya ng ligpitin niya ang mga gamit ko.


Kinuha ko naman agad yung bag at sinukbit iyon, tumayo ako ng hilahin ako ni Devi papunta sa pinanggalingan ng babae.


Nakipagsisiksikan kami sa mga istudyanteng nagkukumpulan doon, hanggang sa mapunta kami sa harapan ng utility room. Napaawang ang labi ko, mabilis akong umalis don at tumakbo paalis sa kumpol ng mga tao.


Para akong masusuka sa nakita ko, napayuko ako habang nakalagay sa magkabilang tuhod ang mga kamay. Naramdaman ko nalang ang kamay na humahagod sa likod ko.


"Are you alright babe?" Nag-aalalang tanong nito, tumayo ako ng maayos. Pinunasan ko yung bibig ko at inayos ang salamin ko bago humarap sa kanya.


Parang babaliktad ang sikmura ko sa nakita, nakaupo ang isang babae sa monoblock, nakatali ang kamay nito sa likod, ang mga paa ay nakatali din, nakadilat ang mga mata at wala na din itong mga labi.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon