CHAPTER 6

3.2K 60 0
                                    

CHAPTER 6


Naipilig ko ang ulo habang patuloy pa din sa paglalakad sa ground, naaasiwa ako sa mga tinginan sa akin. Hindi naman ako gaanong napapansin dati, hindi ako sanay na pinagtitinginan kaya naman yumuko nalang ako para hindi makita ang mga istudyanteng tumitingin.


"Hey, show your handsome face babe. Gosh! I'm so proud that I am your girlfriend." Napalingon ako kay Devi na nasa tabi ko.


Hindi ako sanay na walang salamin na inaayos ang pagkakasuot, kanina nga ay maluha luha nanaman ako ng isuot ko ang contact lense na binili niya.


Hinatid ko muna si Devi sa klase niya bago ako pumasok sa klase, gaya ng iba ay pinagtitinginan din ako sa room. Mabilis akong naupo sa upuan ko.


"Hala girl, si Chip ba yan?"


"Ang gwapo."


Napakagat ako ng ibabang labi at hindi na pinakinggang ang mga ito, hindi ako sanay. Tumahimik ang lahat ng pumasok na ang professor at nagsimula ng mgturo.


Nang makaalis ang unang prof. Ay napatingala ako ng makita ang mga tatlong babaeng blockmates na nasa harapan ko.


"Hi Chip."


Nakangiting bati nila sa akin, napakamot ako sa batok at nahihiyang nginitian sila. Nagtaka ako kung bakit sila napahagikgik.


"H-hi."


"Pwede mo ba kaming tulungan? Nahihirapan kasi kami intindihin yung lesson kanina." Inabot ni Shane yung filler niya sa akin na agad ko naman kinuha.


Bihira to na may lalapit sa akin para magpatulong, ayaw na ayaw nila na lumalapit sa akin dahil nga sa nerd daw ako.


"Ahm. S-sige." Lumawak naman ang ngiti nila at nag kanya kanya ng kuha ng armed chair at pinuwesto iyon sa harap ko.


Habang pinapaliwanag ko sa kanila yun ay naiilang ako dahil mga nakatitig ito sa akin, si Shane ay nakapalumbaba pa habang nakangiting nakatingin sa akin.


"Ang galing mo talaga chip." Nakangiwing ngumiti ako sa kanila, hindi talaga ako sanay na kinakausap at pinupuri ng iba. Sanay akong nilalait, sinisigawan at minamata ng iba.


"Next time papaturo ulit kami. Okay lang naman diba?" Napatingin lang ako sa kanila. "Ay oo nga pala, ako si Mildred."


"And I'm Milleth."


"Kilala mo naman na siguro ako diba, Chip?"


Nginitian ko nalang sila, binalik ko yung notes nila sa kanila tapos nun ay binalik na nila yung mga upuang kinuha nila.


Napasimangot ako kay Devi ng tumawa ito ng ikinuwento ko sa kanya yung nangyari sa room.


Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon