CHAPTER 18

2.3K 52 4
                                    

CHAPTER 18


Napapikit ako ng maramdam ang malakas na ihip ng hanging pagbaba ko ng sasakyan, katulad ng nakaraang araw ay palagi ako nagpupunta sa lugar na ito.


Sumandal ako sa kotse ko at inilabas ang pakete ng sigarilyo, kumuha ako ng isa doon at sinindihan iyon. Pagkabuga ng hangin ay napatingin ako sa apartment di kalayuan sa tinatayuan ko.


Mag iisang linggo ko na ginagawa ang gabi gabing pagmamasid sa tinitirahan ni Devi, bago sumapit ang alas siete ng gabi ay nandito na ako sa pwesto na ito para hintayin ang pag uwi niya.


Nakontento na ko sa pagtingin sa kanya mula sa malayo, kahit na gustong gusto ko na siya makita ng malapitan, mahawakan, mayakap, mahalikan at makausap ay wala pa akong lakas ng loob.


Ano ang sasabihin ko kung sakaling makaharap ko siya? tatanungin ko kung bakit niya ako iniwan? Paano kung sabihin niyang wala na siyang nararamdaman para sa akin kaya niya yun ginawa. Hindi ko yata kaya, hindi ko kayang marinig yun mula sa kanya.


Napaangat ako ng tingin sa langit ng maramdaman ang isang patak ng tubig, sobrang dilim at walang mga bituing makikita, nang sunod sunod na ang nagpapatakang butil ng ulan ay tinapon ko ang hawak konh sigarilyo at pumasok sa loob ng kotse.


Hinayaan kong nakabukas ang bintana sa tabi ko habang nakatanaw sa apartment.


Di nagtagal ay napaayos ako ng upo ng mamataan ang isang babaeng mabilis na naglalakad, kumunot pa ang noo ko ng makitang wala man lang itong dalang payong at tanging ang dalang bag lang niya ang itinatakip niya sa kanyang ulo.


Napailing ako, katulad pa din siya ng dati.


Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa apartment ay agad na pumasok, isinandal ko ang ulo ko sa kinauupuan ng ialis ang tingin sa apartment.


Sa nakalipas na taon ay napakasimple niyang namuhay na kabaligtaran ng kinalakihan niya, bakit siya nagtitiis sa ganito? dahil ba sa akin? dahil ayaw niya na akong makita?


Mayaman ang pamilya at pwedeng pwede siya magpunta sa ibang bansa sa pamilya niya para makalayo sa akin pero bakit ganito? bakit mas pinili niya ang ganitong buhay, bakit pinili niyang iwan ako? ano ang dahilan.


Napabaling ulit ako sa may apartment ng may mapansing may lumabas na babae doon, hindi iyon si Devi at hindi ko ito mamukhaan dahil nakatalikod ito sa gawi ko, maya maya pa ay nakita ko din si Devi na nakatayo sa pintuan at kinakausap ang babae, ilang sandali pa silang nag usap bago buksan ng babae ang hawak nitong payong at naglakad na paalis, tinignan ko ulit ang pinto kung saan nakatayo si Devi at tinitignan ang papalayong babae, hindi din nagtagal ay sinarado na niya ang pintuan.


Kumunot ang noo ko dahil sa ilang gabi kong pagpunta dito para makita si Devi mula sa malayo ay ngayon ko lang nakitang may ibang taong lumabas mula sa tinitirahan nito.


Katulad ng nakagawian ay matapos ang trabaho ko sa opisina ay dumadaretso ako sa lugar kung saan nakatira si Devi.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon