CHAPTER 12

2.5K 44 0
                                    

CHAPTER 12

WARNING: SPG/R-18


Pagkapatay ko ng kalan ay sinalin ko agad ang niluto kong hotdog at bacon sa plato, dinala ko iyon sa lamesa kung saan naghihintay na si Devi.


Umupo ako sa tabi niya at nilagyan ng pagkain ang plato nito, matapos ng sa kanya ay ang akin naman ang nilagyan ko.


"Babe, can I stay here? Ayoko talagang makita ang pagmumukha ng pinsan ko." Natigilan ako sa sinabi nito, kaagad akong kinabahan pero hindi ko pinahalata kay Devi.


Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti tapos ay tumango ako sa sinabi nito, katulad ng mga nakaraan. Parang normal ang lahat, parang hindi nangyari na nakapatay ulit siya.


"Thank you babe, can you get my things in my unit?"


Mabilis akong napalingon kay Devi, nakangiti ito sa akin na para bang nagpapacute.Kukunin ko ang gamit niya sa unit niya? Isa lang ang ibig sabihin non makikita ko nanaman si Selene na iniiwasan kong mangyari.


"Please babe, I really don't feel going outside today." Tumango nalang ako dahil hindi ko naman kayang tanggihan ang babaeng to.


Matapos kumain ay naligo ako para sa pagpunta sa unit ni Devi, hindi na ako nakapag paalam dahil matapos kumain ay nakatulog na agad ito sa kwarto.


Pagkadating ko sa unit ay binuksan ko ito gamit ang susi na ibinigay ni Devi sa akin, pagpasok ko ay nakaamoy agad ako ng parang may nasusunog.


Mabilis akong napatakbo papunta sa kusina at nanlaki ang mata ng makita ang itim na usok don.


"Damnit!" Napalingon ako kay Selene na umuubo ubo sa may gilid, tumakbo ako papunta sa kalan at pinatay agad ang apoy don, binuksan ko din ang bintana para lumabas ang usok.


Nilapitan ko agad si Selene at hinawakan sa magkabilang balikat, patuloy pa din ito sa pag-ubo.


"Ayos ka lang ba?" Tanong ko, tumango naman ito.


"I just want to eat so I tried to cook but I failed." Nanlulumong sabi nito, napailing nalang ako.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa kamay nito.


Inabot ko iyon at kunot ang noong tinignan ang kamay nitong puro sugat, umangat ang tingin ko sa kanya at napakagat siya ng labi.


"Anong nangyari sa kamay mo?" Napaiwas siya ng tingin sa akin.


"I cut myself, I don't know how to use knife." Napailing iling nalang ako sa sinabi nito. Lumayo ako sa kanya at tinuro ang dining table.


"Sit there, pagluluto kita. Wag mo na uulitin ito ah, baka masunog mo ang unit ni Devi." Naglakad ako palapit sa stove at inalis ang kawaling may sunog na kung ano, inilagay ko iyon sa sink at binabaran ng tubig.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon